"Queen may plano ka bang magtayo ng fruit stand?" natatawa na tanong ni Danica at napalingon ako. Isang linggo na ang lumipas mula noong magkasakit ako. Araw-araw ay nakatanggap ako ng fruit basket galing kay Mark kahit pa nga sinabi kong okay na ako. Naipon na ang mga prutas na pinadala niya at para hindi masayang pinadala ko na lang sa bahay ni Lola Sol. Mas kailangan ng mga bata ang mga iyon kaysa sa akin. Lagi na rin siya nagpapadala ng pagkain sa location kung nasaan ako. Para maiwasan na pag-uusapan kami pinalabad niya na ako ang nagpa-deliver. Hindi pa siya nakontento dahil pinabawasan din niya kay Joshua ang schedule ko. Nainis ako sa ginawa niya at gusto ko siya awayin pero naisip ko na useless din. Ngayon ko napagtanto na kung matigas ang ulo ko mas matigas ang ulo niya kaya use

