Chapter 9

1920 Words
Katatapos lang namin makipag-meeting kay Mr. Tam regarding sa darating na event ang Fashion Week. May-ari siya ng isang Mall at matagal ng client ng La Bella. Inutos ni Jack na personal kong tutukan ang preparation sa event dahil hindi pa niya kaya. Mula sa venue, sponsors at mga client ay kailangan namin tutukan. Hindi naman ganoon kahirap ang lahat dahil katulong ko naman si Felix at Joshua. "Ma'am Queensley, we still have to double check again the set-up and venue of the event," sabi ni Felix at biglang napatingin sa amin si Mr. Tan. Kasalukuyang may kausap si Mr. Tam sa phone at hinihintay lang namin siya matapos para magpaalam. Alam ko na ang ganoon klase ng tingin. Ilang beses ko ng sinasabi kay Felix na huwag akong tatawagin ng Ma'am lalo na sa harap ng ibang tao. Nabibigyan kasi ng ibang meaning kapag tinatawag ako ng ganoon lalo pa at bali-balita na isa ako sa mga babae ni Jack. Pero kahit ilang beses ko na siya sinaway ay ganun pa rin ang tawag niya sa akin. "Felix," mahinang tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nilakihan ko ng mga mata bilang babala. Mukhang na gets naman agad niya kung bakit at tumango agad. "Sorry Queensley." paumanhin niya at nakangiti na tumango ako. Parehas lang kaming empleyado ni Felix at kung tutuusin ay mas mataas pa ang position niya sa akin. Executive Assistant siya ni Jack samantalang modelo at ngayon ay representative naman ako. Ayoko isipin niya na dahil malapit ako kay Jack ay dapat iba na ang trato niya sa akin. "So Mr. Tam I'll just leave things at your end and I hope this event will be a success," nakangiti na sabi ko at nakangiti na tumango naman siya. "We have to get going now. We have so many things to check for the upcoming fashion week," paalam ko. "Okay Queensley you can always count on us. Give my regards to Jack and hope he gets well soon," tugon niya at tumayo na kami. Nakipag-kamay muna ako kay Mr. Tan bago tuluyang lumabas ng office niya. Dinaanan nami si Joshua sa lobby kung saan siya naghihintay. Tumayo na siya ng makita niya kami at naglakad na kami palabas ng building. "Sir Felix sana po huwag mo na po akong tawaging Maam sa susunod. Mas mataas pa nga po ang posisyon mo sa akin at kung hindi po dahil sa pakiusap ni Jack ay hindi naman po tayo magkakasama. Representative lang po niya ako kaya please lang po Sir Felix nakikiusap talaga ako," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Kung tutuusin hindi naman naglalayo ang edad namin, matagal na siya nagtatrabaho kay Jack at siya na ang nag-train sa akin. Dapat kasi ay magiging assistant niya ako pero nagbago ang isip ni Jack. Isang taon akong naging Secretary ni Jack bago niya ako nilagay bilang endorser ng company. May mga nahanap sila pero it's either masyadong mataas ang demand, hindi qualified or hindi maganda ang image. May nag-suggest mula sa board na gawin akong endorser at ako ang maraming boto. Sa una ay ayoko pumayag kasi pakiramdam ko hindi ako qualified at hindi ko deserve. Nakiusap sa akin si Jack na subukan ko muna hanggang kalaunan ay ako na nga ang naging brand ambassador para sa La Bella clothing and cosmetic products. Sinusunod ko lahat ng gusto ni Jack dahil alam kong para 'yon sa ikabubuti ko. Siya na halos ang tumayong guardian ko mula ng mamatay si Nanay. Willing naman akong gawin ang lahat bilang kapalit ng lahat ng ginawa niya sa akin. "Oo nga naman Baby. Akala ko pa naman masunurin ka pero mukhang napasobra ata. At saka ano ka ba halos magkakasingedad lang tayong tatlo," biro ni Joshua pagkasakay namin sa sasakyan at tumawa si Felix. "Korek. Akala ko pa naman friends na tayo Felix. Mukha na ba akong thunder? Boss mo ba ako?" pabiro na tanong ko at nakangiti na umiling siya. "Pasensya na talaga kung lagi kong nakakalimutan Queen este Queensley." Napapa-kamot sa ulo na sagot niya at tumango ako. Tinapik ko ang braso niya para ipaalam na okay lang. Ayaw ko naman na ma-pressure siya dahil sa sinabi ko. Hangga't maaari kailangan namin magkasundo at magtulungan habang hindi pa okay si Jack. "No worries Felix. Basta next time huwag mo na po akong tawagin na ganoon. Parehas lang tayong empleyado. Parehas lang po tayo na nagtatrabaho at sumusweldo. Wala naman po tayo masyadong pinagkaiba kaya huwag mo akong tratuhin na mas mataas pa sa 'yo. Okay po ba Felix?" paalala ko at nakangiti na tumatango siya. "Dahil friends-friends na tayo guys manlilibre na si Felix." sabi ni Joshua at gulat napalingon si Felix sa amin kaya napuno ng tawanan ang sasakyan. "Bakit kaya?" nagtataka na tanong ko ng makita ko sa screen ang pangalan ni Dr. Abuel. "Hello po Dr. Abuel," magalang na bati ko pagsagot sa phone. "Queensley, can you drop by here in the hospital?" tanong niya at bigla akong kinabahan. Today ang monthly check up ni Jack hindi siya pumayag na sumama ako sa hospital. Kahit anong pilit ko ay ayaw niyang pumayag kaya hindi ko na siya kinulit. Sinabi niya na mas importante ang magiging meeting namin kay Mr. Tam kaysa ang marinig ko ang sasabihin ng Doctor na paulit-ulit. "Okay Doc, I'll be there. Bye." sagot ko. "Bakit daw, Bes?" nagtataka na tanong ni Joshua ng mapansing bigla akong natahimik. "May problema ba Queensley?" tanong ni Felix at napatingin ako sa dalawa. "Pasensya na pero pwede mo ba akong ihatid sa hospital?" tugon ko kay Felix. "Oo naman," sagot niya. "Sorry Bes, pero pwede ba kayo na lang ni Felix ang mag-check ng set up at venue. Pasuyo na rin pa check 'yong sa lights and sound system pati na rin 'yong mga nasa checklist. Tawagan mo na lang ako if may problem," bilin ko kay Joshua at ngumiti siya. Pagdating sa hospital ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Jack. Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagpasok ko pa lang ay narinig ko na ang boses ni Jack at Dr. Abuel na parang nagtatalo. Tumigil lang ang dalawa ng makita ako, tumango ako saka ngumiti ngiti ng makita ako ni Dr. Abuel. Humalik naman ako sa pisngi ni Jack pagkalapit ko sa kanya. "So we will proceed now with the tests," sabi ni Dr. Abuel at nakakunot ang noo ko. "Para po saan Doc ang mga test?" nagtataka na tanong ko at napatingin ako kay Jack. "Really?!" gulat na tanong ko sa kanya ng tumango siya. Isa lang ang ibig sabihin ng mga lab test na gagawin. Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay pumayag na siya sa operasyon. Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa sobrang kaligayahan dahil sa wakas ay pumayag na siya. Finally ay makakahinga na ako ng maluwag knowing na maging okay na ang kalagayan ni Jack. "Akala ko pa naman matutuwa ka sa desisyon ko bakit umiiyak ka? Ayaw mo bang gumaling ako?" biro niya. Hinampas ko siya sa braso dahil sa pagbibiro niya at agad kong pinahid ang luha sa mga mata ko. Parang batang yumakap ako sa kanya na tinugon naman niya at hinimas ang likod ko. "Tahan na ang Baby ko." Natatawa na sabi nito. "Jack it's confirm," sabi ni Tita Rose at natigilan kami. Dahil siguro sa naging emosyonal ako kaya hindi ko namalayan ang pagdating ni Tita Rose. Kumalas ako sa pagkakayap kay Jack at pasimpleng pinahid ang natitirang luha sa pisngi ko. Nilapitan ko si Tita Rose at nakipag-beso sa kanya kahit pa nga alam kong labag sa kalooban niya. "Confirm po ang alin Tita?" tanong ko pero mukhang wala siyang balak sagutin ang tanong ko kaya hindi ko na inulit pa. "Magpahinga ka na muna Jack at bukas na natin simulan ang mga test mo. I'll go check on you later," sabi ni Dr. Abuel bago siya umalis. "Queensley, can you get the folders in my car," utos ni Tita Rose at napatango na lang ako bago umalis. Alam kong ginawa niya iyon para saglit ako paalisin. Ayaw niya marinig kung ano man ang pag-uusapan nila kaya inutusan niya ako. Pagbalik ko ay inabot ko agad sa kanya ang mga pinakuha niya. Hinugasan ko ang apple na nasa lamesa habang nag-uusap ang dalawa. Ilang sandali lang ay nagpaalam na rin si Tita Rose dahil may mga aasikasuhin pa siya. "We only have three more weeks before the event. Although okay na naman lahat kailangan pa rin ng monitoring para maiwasan ang aberya. Bukas ay pupuntahan ko naman ang warehouse para check ang supply bago kami pumunta sa production. The next day ay fitting naman ng mga damit at rehearsal. Sabi nga pala ni Mr. Tam pagaling ka," pagre-report ko habang binabalatan ang apple. "That's great Dear. No doubt this event will be a huge success. Just don't stress yourself too much," nakangiti na sabi niya. "Just in time," nakangiti na sabi niya at natigilan ako sa paghihiwa ng apple. "What do you mean?" nagtataka na tanong ko ng hindi ko na gets ang sinabi niya. "Finally he is coming home," masiglang sagot niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan pati na rin ang kakaibang kislap sa ngiti niya. Nahulaan ko na agad ang lahat ng nangyayari. Mula sa pagpayag niya sa operation at sa sinabi ni Tita Rose kanina. May puso rin naman pala ang lalaking 'yon kahit na masama ang ugali. Napangiti ako dahil ibig sabihin ay successful ang plano ko. "Buti naman at uuwi na siya. Magkakaroon na naman ako ng panibagong kaagaw sa attention at oras mo," biro ko saka inabot ang apple at tumawa siya ng malakas. "I can't wait to see him it's been a long time. By the way you need to show him around in the company and factory," sabi niya at nanlaki ang mga mata ko. "Bakit ako?!" gulat na tanong ko at parang mas nagulat pa siya. "Why not Queensley? You know very well the way around in the company and factory," sagot niya at sunod-sunod akong umiling. "Nandyan naman si Felix mas alam niya ang lahat since matagal na ako nag-resign sa pagiging Secretary mo. Pwede rin naman na si Tita Rose na lang ang sumama sa kanya tutal close sila. In case you forgot he doesn't like me," paliwanag ko. "Can you please do it for me? He doesn't like you because he don't know you well. If he sees what I saw in you he will understand why I love you so much," pakiusap niya at yumuko ako. Wala sa plano ko ang bagay na ito. Hindi ko rin ma imagine na makasama ang lalaking 'yon. Hindi niya ako kailangan makilala dahil wala akong balak na mapalapit sa kanya. Wala rin ako pakialam kung magustuhan ba niya ako o hindi dahil wala akong pakialam sa opinyon niya. Pero wala akong magagawa dahil hindi ko naman kayang tanggihan si Jack. "Please Queensley do it for me," malambing na sabi niya at napatingin ako sa kanya. "Okay." pilit ang ngiti na sagot ko. "Thank you so much Dear. It means so much to me and I really appreciate everything you did for me. I just want you two to get along while he's here. I know I can count on you and I know you won't let me down," nakangiti na sabi niya. "Kung hindi lang talaga kita Mahal," nakasimangot na tugon ko. "At mahal na mahal din kita," nakangiti na sabi niya at napangiti ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD