"It's good to know that you change your mind about going home. Tito needs you right now and I hope things will turn out good between the two of you," sabi ni Melmar.
Katatapos lang ng emergency meeting na pinatawag ko. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako sa Pilipinas kaya kailangan maayos ko muna ang mga maiiwan ko rito bago ako umalis. Nabanggit ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Queensley at nasabi ko na rin ang plano ko.
"I can't let that girl have it all," sagot ko habang pumirma ng kontrata.
Hindi na ako makapaghintay na makita si Papa at makita ang babaeng gusto kong mawala sa buhay ni Papa. Kung hindi ko man makumbinsi si Papa na makipaghiwalay sa babaeng 'yon kailangan kong gumawa ng paraan para mismong si Queensley ang kusang umalis. Walang problema sa akin kung mapunta sa foundation ang maiiwan ni Papa bukod kay Auntie Rose. Wala naman kasi ako interest sa mga iiwanan niya kaya hindi ako umuwi. Tungkol naman sa desisyon niya na magpa-opera ayaw ko siya pakialamanan dahil siya dapat ang magdesisyon para sa sarili niya.
"Paano kung talagang mahal ni Tito ang babaeng 'yon?" tanong ni Melmar at hindi ko mapigilang tumawa nang mahina.
"Impossible. Wala siyang ibang mahal kung hindi ang sarili niya at wala ng iba. Sariling kapakanan lang niya ang mahalaga sa kanya at ang kayamanan niya. After Mama died he never stop having affairs and to think that she died because his having affair. I know his doing this just to get my attention. Matanda na siya para makapagdesisyon kung gusto o ayaw niya gumaling. Alam niya na hindi ko hahayaang mapunta ang kumpanya na pinaghirapan nila ni Mama sa ibang tao," sagot ko na puno ng hinanakit.
Ang clothing company na minana pa ni Mama sa magulang niya na pinalago naman ni Papa. Napakahalaga ng kumpanya kay Mama at kung hindi lang ako lumayo malamang ako na ang nag-manage ngayon. Nagtayo rin si Mama ng cosmetic company na ngayon ay si Auntie Rose ang nagpapalakad. Hindi ako totally bothered sa naririnig kong balita tungkol sa mga naging karelasyon ni Papa at hindi na rin ako nagtataka. Hindi man ako sa pabor sa ginagawa niya pero alam kong may mga pangangailangan siya bilang lalaki. Mula ng umalis ako sa poder niya sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako makialam sa buhay niya. Pero this time ay hindi ko hahayaang mapunta sa kanya lahat ng pinaghirapan ni Papa at Mama.
"I'm still curious about that girl," sabi ni Melmar.
Kahit ako ay curious din kung ano nga ba talaga siya sa buhay ni Papa. Nagalit ako ng malaman ko na anak siya ng babaeng naging dahilan kung bakit nawala si Mama. Nakumpirmang hindi siya anak ni Papa dahil sa DNA result na pilit pinagawa ni Auntie Rose para sa ikakatahimik ng lahat. Laging sinasabi ni Papa na kaibigan lang niya ang babaeng 'yon pero hindi ako kumbinsido. Hindi na ako nagulat ng pag-aralin siya ni Papa at buong akala ko hanggang doon lang. Nagulat na lang ako ng malaman ko na pinasok ni Papa sa kumpanya kahit na sinabi kong hindi ako pumapayag. Ginagawa pa siyang brand ambassador ng kumpanya at doon na nagumpisa ang iba't ibang rumors tungkol sa relasyon niya kay Papa. Mula noon ay tuluyan na akong nawalan ng pakialam sa kanya dahil hindi naman niya ako pinakinggan. Hindi ko na rin pinansin ang mga balita tungkol sa kanila dahil alam kong hindi rin magtatagal pero iba na ngayon. Malalaman ko kung totoo ba talaga ang sinabi ni Queensley kapag nag-usap na kami. Kung sakali nga na totoo kailangan ko siya pigilan sa kahit anong paraan. Kung hindi naman totoo pagkakataon ko na iyon para paalisin siya sa buhay namin.
"Well she's just a certified gold digger who will not stop until she gets it all," sagot ko.
"Sigurado ka ba na she's that kind of girl? Kasi baka naman may reason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito," kontra ni Melmar at napailing ako.
"Like what? Why do you keep on insisting that she's not what she is? Do you think they are in a serious relationship?" inis na tanong ko.
"Baka dahil sa utang na loob niya kaya inaalagaan at hindi siya umaalis sa tabi ni Tito. Kasi if she is really a golddigger as you say bakit hinahayaan niyang may karelasyon si Tito habang nandoon siya?" tanong niya.
"Because she perfectly knows that in the end she will get everything if she stands by his side," paliwanag ko.
"Maybe Queensley don't love Tito in an intimate way but how about Tito? If that is the case maybe she's just going along with Tito set-up with the marriage. Based on her, maybe Tito just wants this marriage to settle things he will leave because you refused to talk to him about it. Maybe his the one who came up with this idea," sabi niya at nagkibit-balikat lang ako.
Tumayo ako at kinuha ko ang piraso ng papel sa vault. Nagtaka si Melmar ng inabot ko ang papel sa kanya. Tiningnan muna niya ako bago niya binasa ang papel. Kontrata 'yon na pinagawa ko kahapon. Nakasaad na ibibigay ko ang 25% ng asset ni Papa sa kanya or kahit anong gusto niya na kaya kong ibigay sa isang condition. Kailangan ay voluntary siyang umalis sa buhay ni Papa.
"Paano kung tumanggi siya Bro?" tanong niya pagkatapos basahin ang nilalaman ng papel at natawa ako.
"I'm not surprised if she refuses my offer. I'm expecting that she will demand more than that or higher than that. I'm willing to give her what she want but she need to disappear," sagot ko.
"What I mean is what if she don't want anything and she really want to marry Tito Jack," sabi niya at mariin na umiling ako.
Hindi ako kumbinsido na hindi humihingi ng kapalit ang babaeng 'yon. Sa pagkakaalam ko after niyang maka-graduate inoffer siya ni Auntie Rose ng trabaho sa ibang company pero mas gusto niya magtrabaho sa company ni Papa. Sinubukan din pakiusapan ni Auntie Rose na lumayo siya pero hindi niya ginawa. Mas lalo pa nga silang naging close. Bumili lang siya ng condo at umalis sa bahay para umiwas kay Auntie Rose. Kung talagang wala siyang interest aalis na siya at hindi na kailangang pakiusapan pa. Sigurado ako na planado niya ang lahat mula pa simula. Sinamantala niya ang pagkakataon at kabaitan ni Papa dahil sa pagalok niya ng tulong. Hindi ako naniniwala na aksidente lang ang lahat lalo na ngayon.
"The only reason why she wants to marry Papa is because of what she will get. You're saying that Papa is the one insisting marriage it's because he wants me to react this way," sagot ko.
"Okay let's say na she's after Tito's wealth then she doesn't accept your offer. What's your Plan B? Do you have Plan B?" tanong niya at napangiti ako.
Pinaghandaan ko na ang bagay na 'yan and as I always do have other plan. To be exact I have tons of plan in mind because I won't give up and I'll do everything to stop her. I want to get rid of her as soon as possible. Plano ko na kumuha ng private investigator para imbestigahan si Queensley. Kakausapin ko rin ng masinsinan Doctor na tumitingin kay Papa para alamin kung ano ba talaga ang reason ng sakit niya. Ayaw ko mag-isip ng iba pero gusto ko lang makasigurado na mali ang hinala ko. I think what my father gave to her in the past up to now are enough to compensate what she did to him. Alam kong may pagkakamali at pagkukulang ako bilang isang anak pero hindi ibig sabihin ay manahimik lang ako. Magkalayo man kami pero hindi ko pa rin maiiwasang mag-alala sa kanya. Now I have to do something kasi hindi ko hahayaang tuluyang maloko si Papa.
"Of course I have and don't worry bro I'm not planning on losing. I will take this opportunity to finally put her in place," nakangiti na sagot ko.
"But first I need to check his condition. I will convince him to take the operation there or maybe here. It's much better if he can do the operation abroad so I can easily do my plans," sabi ko.
"Dapat naman talaga na 'yon muna ang asikasuhin mo pagdating doon. Tito Jack health is way more important especially with his condition now," tugon niya.
Tumayo siya at pumunta sa bar na nasa likod ng opisina ko para kumuha ng alak. Napangiti ako ng paglabas niya ay may dala na siyang alak at dalawang baso. Lagi siya ang taong karamay ko mula pa noon hanggang ngayon. Siya lang ang pinagsasabihan ko ng lahat at hindi niya ako iniwan. Marami na kaming napagdaan na problema lalo na sa kumpanya.
"Thank you Bro for always being there for me," sabi ko pagka-abot sa akin ng baso na may lamang alak.
"Girly," pang-aasar niya at natawa ako.
"Just call me if you have any problems here. I will call you whenever I'm free just to check," sabi ko.
"Don't worry I'll handle everything here. I will call you if things get complicated. Just mind your business there and don't forget to give my regards to Tito. Hope the operation will be successful and wish for his fast recovery. Much better if you can convince him to do the operation here," tugon niya sabay tapik sa balikat ko.
"Goodluck din sa mga plano mo Bro. Don't forget to update me. Excited ako kung sino sa inyo ang magwawagi," nakangiti na sabi niya at umiling ako sa huling sinabi niya.
"Prepare yourself Queensley your time is up. I'll do whatever it takes to stop you." sabi ko sa sarili habang nakatingin sa baso na may alak.