"What! Sinabi mo 'yon?!" sigaw na tanong ni Joshua at napatingin ako sa paligid.
Nilakhan ko siya ng mga mata ng makita kong nakatingin sa amin ang ibang mga staff na nandoon sa studio. Natigilan din ang make-up artist na nagre-touch ng make up ko. Kasalukuyang may photoshoot ako para sa isang lifestyle magazine para sa release ng summer collection. Tinaasan lang ng kilay ni Joshua ang mga nakatingin sa amin para ipakita na wala siyang pakialam.
"Nasisiraan ka na ba talaga? Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo ba naisip ang pwedeng mangyari?" gigil na tanong niya.
Sinenyasan ko ang make-up artist na iwan muna kami saglit tulal ay may oras pa naman. Kung alam ko lang na mag-hysterical siya hindi ko na muna sana sinabi sa kanya ang napag-usapan namin ni Mark. Kumukulo ang dugo ko kapag naalala ko ang pinag-usapan namin ng walang pusong lalaking 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon ang ugali ng lalaking 'yon malayong-malayo sa description ni Tita Rose. Dapat ay pakiusapan ko lang siya na umuwi para kumbinsihin si Jack pero dahil sa inasal niya nagbago ang isip ko. Sinabi ko sa kanya na ikakasal kami ni Jack para mas galitin siya. Base sa reaksyon niya siguradong successful ang plano ko.
"Wala na akong choice Josh pakiramdam ko kumukulo na ang dugo niya sa akin kahit hindi pa kami nagkikita. Balak ko lang naman ay kausapin siya at maki-usap sa kanya ng maayos pero mukhang hindi effective. Mukhang chinika na ako ng bongga ni Tita Rose sa kanya dahil marami siyang alam tungkol sa mga nangyayari rito. Ang tingin niya sa akin pera lang ang habol ko kay Jack kaya pinanindigan ko na lang. Sinubukan ko lang naman kung magre-react siya kapag sinabi ko ang bagay na 'yon. Effectiveness naman bakla dahil halos mabasag ang eardrum ko sa sobrang galit niya. Kung siguro magkaharap kami baka nagwala na iyon. Tinesting ko lang naman pero ayon kumagat naman ang loko," natatawa na sagot ko.
"Ay naku Queen! Ewan ko sa 'yong babae ka ikaw ang humahanap ng sarili mong problema," yamot na sabi ni Joshua at napanguso na lang ako.
"Alam ba ni Sir Jack na tinawagan mo ang Unico hijo niya?" tanong niya saka umupo sa katabi kong bangko.
"Hindi pa pero may blessing naman niya ang lahat ng gagawin ko. Sabi pa nga niya support niya raw lahat kung ano man ang mga plano ko. Pinaalalahanan lang niya ako sa magiging reaksyon ni Mark. Huwag kang mag-alala sinabi ko naman sa kanya ang plano ko. Kunwari lang naman 'yon at hindi naman kami talaga magpapakasal. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang pagmamatigas niya lalo na kung malaki ang mawawala sa kanya. So far mukhang effective naman dahil galit na galit siya," sagot ko at napangiti saka umiling lang siya.
"Imbes na klaruhin mo ang mga issue niya tungkol sa inyo ni Jack lalo mo lang pinababa ang tingin niya sa 'yo dahil sa mga sinabi mo. Pinatunayan mo lang sa kanya na totoo nga ang mga kumakalat ng tsismis sa iyo," nakasimangot na sermon ni Joshua at tumawa lang ako.
"Sige Queen tumawa ka lang. Tumawa ka lang nang tumawa hanggang mabaliw ka. Bibisitahin ka na lang namin ni Danica sa Mental Hospital. Basta binabalaan kita baka sa huli ay ikaw pa ang masaktan sa ginagawa," paalala niya at nakangiti na tumango lang ako.
Si Joshua ang laging umaalalay sa akin mula pa noon at higit sa lahat ay ito ang numero unong tagapagtanggol ko sa lahat ng tao humuhusga sa akin. Magkakilala na kami mula pa noong college days dahil pareho kami ng course. Laking pasasalamat ko dahil isa siya sa mga taong hindi ako iniiwan at nagmamahal sa akin. Kilalang-kilala niya ako kaya naman pinagkakatiwalaan ko siya.
"Huwag ka na pong mag-alala dahil siguradong uuwi at uuwi 'yon para pigilan ang kasal kuno namin. For sure kating-kati na ang mga paa noon na makarating dito. At kapag nandito na siya for sure magkaka-usap na ang mag-ama. Dalawa lang naman ang pwedeng mapag-usapan nila it's either ang tungkol sa pagtutol niya sa kasal or ang pagpapagaling ni Jack. Syempre bilang solong tagapagmana hindi 'yon papayag na maging kahati ako sa maiiwan ni Jack. Maiisip na ni Jack ang magpagamot at habang nagpapagaling ay mapipilitan siyang pumalit muna sa posisyon ni Jack hangang to the point na siya na ang tuluyan mag-manage sa company. Doon na matatapos ang appearance ng Lola mo kaya wala kang dapat ipangamba. Kung ang inaalala mo naman ay ang mga sasabihin niya deadma lang kasi sanay na sanay na ako. Wala siyang sasabihin na hindi ko pa narinig," paliwanag ko at kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin sa akin.
"Hindi ba ang galing ng naisip ko," nakangiti na sabi ko habang tumatango-tango.
"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang idea mong 'yan. Hindi ko rin alam kung matatawa ba ako o naiinis sa mga pinaggagawa mong lukring ka. Pero dahil nandyan na 'yan wala na tayong magagawa. We just have to wait and see. Sana lang masunod ang plano mo at Hindi mag-backfire sa iyo," sabi niya.
"Sana lang ay prepared ka sa magiging reaction ni Mark once na magkita na kayo. Kung sa phone pa lang bitter na siya naku baka mas lalo na kapag nagkita na kayo face to face," sabi pa niya at napa-isip ako kung paano nga ba kapag nagharap na kami.
"Depende na lang siguro kung mabiktima mo rin siya ng angkin mong kagandahan." tukso niya saka tumawa nang malakas at napailing ako.
"Sorry na lang siya pero hindi ko betchay ang taong katulad niya na matigas pa sa bato ang puso at makitid ang pag-iisip," nakataas ang isang kilay na sabi ko.
"Mam Queensley, start na po tayo after fifteen minutes po," sabi ng isang staff at tumayo na ako.
"OMG! Josh nawala sa isip ko ngayon pala ang dating ni Danica," gulat na sabi ko ng bigla kong naalala si Danica.
"Ako na ang susundo sa kanya at maghahatid sa condo mo kaya huwag ka ng mag-isip dyan. Akala ko naman ay tanda mo kaya hindi ko na pinaalala sa 'yo kanina. Tawagan mo na lang ako kapag maaga kayo natapos para makabalik agad ako," nakangiti na sagot ni Joshua at nakipagbeso sa akin bago umalis.
Si Danica ang bestfriend ko mula pa noong high school at kahit madalang kaming magkasama ay hindi naman kami nawawalan ng communication. Naging close din siya kay Joshua kahit pa nga totally opposite ang dalawa. Isa siyang teacher sa isang private school at dahil bakasyon sila kaya napag-usapan namin na mag-stay muna siya sa Maynila. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ginagawa ko pero hindi na ako masaya. Noong una ay nag-enjoy ako dahil nakakatulong naman ako kay Jack sa paraan na kaya ko. Habang tumatagal ay nagsasawa na rin ako at mas gusto ko ang matahimik na buhay. Gusto ko man iwan ang lahat pero hindi ganun kadali lalo na ngayon sa sitwasyon ni Jack. Pagkatapos ng photoshoot ay agad kong tinawagan si Joshua para ipaalam sa kanya. Hindi ko na siya hinintay at inayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos namin mag-usap para pagdating nita ay bubuhatin na lang. Absent kasi ang assistant niya kaya kami lang dalawa. Sobrang miss ko na si Danica kaya hindi na ako makapaghintay na makita siya.
"Maam Queensley tulungan ko na po kayo," sabi ng isang staff sa akin at napangiti ako.
"Okay lang kaya ko na naman ito," nakangiti na sagot ko.
"Kunwari ay bait-baitan pero deep inside may tinatagong kamalditahan. Ginagamit ang ganda at katawan para lang maka-angat. May mga ganyan talaga na babae gagawin ang lahat para makuha ang gusto nila. Napaka-plastic na tao." bulong ng isang staff mula sa likuran ko.
"Sinabi mo pa." sang-ayon ng kausap nito.
Napatingin sa akin ang staff na nagalok ng tulong sa akin at ngumiti lang ako. Ayaw kong patulan ang mga ito dahil wala naman akong mapapala. Hindi namin ito ang unang pagkakataon na makarinig ako ng mga ganoong comment. Buti na lang wala si Joshua dahil kung nagkataon ay nakatikim ang mga ito ng hindi kaaya-ayang salita.
"Salamat pero kaya ko na ito," nakangiti na ulit ko sa staff na hindi pa rin umaalis sa tabi ko.
"Sige po Maam," tugon niya bago umalis.
Ilang sandali lang ay nasa loob na ako ng van kasama ang mga kaibigan ko. Buong akala ko ay susunduin lang ako ni Joshua hindi ko inakala na kasama niya si Danica kaya nagulat ako.
"Grabe sobrang na miss kita," masayang sabi ni Danica bago kami nagyakap.
"Namiss rin kita Dan. Miss ko na ang mga luto mo at pag-aalaga mo sa akin," malambing na sabi ko habang magkayakap kami. Nagulat ako ng bigla siya kumalas sa pagkakayakap at tiningnan ako ng maigi.
"So pinapunta mo lang ako rito para mag-alaga sa 'yo?" nagtataka na tanong niya at natawa ako.
"Ano ka ba Dan sabi ko na miss ko 'yon pero hindi ko sinabing gawin mo unless na lang kung gusto mo," natatawa na sabi ko at kinindatan ko siya.
"Bakit hindi ka ba inaalagaan ni Joshua?" tanong niya sabay tingin kay Joshua na abala sa tablet.
"Hindi ko naman 'yan anak para alagaan ko. Malaki na 'yan at hindi na bata. At saka hindi naman 'yan nakikinig kahit anong sabihin ko," nakasimangot na sagot niya na hindi man lang tumitingin sa amin.
"Hala ka Queen na imbyerna na si Mudrakels sa iyo," natatawa na sabi ni Danica at humihikbi naman ako na parang bata.
"Totoo ba ang tungkol sa inyo ni Dominic?" tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.
Ang tinutukoy niya ay ang lalaki sa article na lumabas noong nakaraan kung saan ay nakuhanan kaming magkasama. Isa siya sa mga lalaki na na-link sa akin dahil sa pagiging close namin. Matagal ko ng kilala si Dominic, nanliligaw siya noon pero agad ko ring tinanggihan ng magtapat siya. Mula noon ay naging magkaibigan kami at kahit ilang beses namin sinabi ay hindi pa rin namamatay ang isyu tungkol sa amin.
"Kilala mo ako Dan," simpleng sagot ko at tumango siya.
"Bakit nanahimik ka lang? Bakit hindi mo ipagtanggol ang side mo? Dapat ay nagpa-interview ka para malinaw ang lahat," inis na sabi niya at napatingin ako kay Joshua.
"Labas ako diyan," sabi ni Joshua at naitirik ko ang mga mata ko.
"Sa palagay mo ba may mababago kung gagawin ko 'yon? May maniniwala ba kung sasabihin ko ang side ko? Wala na akong pakialam dahil lalo lang lalaki ang issue kapag nagsalita pa ako. Mamatay rin ang mga balita kaya hindi na ako dapat mag-aksaya ng panahon," sagot ko.
"Tagal ko na kasing sinabi sa 'yo na klaruhin mo ang issue na 'yan noon pa. Dahil sa pananahimik mo kaya kahit anong isulat at sabihin ng mga reporter okay lang. Kung ano-ano na lang ang sinasabi tungkol sa iyo dahil hindi ka naman nagsasalita," sermon ni Danica at tumango naman si Joshua bilang pagsang-ayon.
"Hayaan mo na lang sila. Huwag mo na sila alalahanin dahil lalo ka lang ma stress. Magsasawa rin sila at makakahanap ng ibang mapag-usapan," nakangiti na sagot ko.
"Mabuti pa kumain na lang tayo at nagugutom na ako," pagbabago ko sa usapan.
Nagkatinginan si Joshua at Danica saka sabay na umiling. Noong nagsisimula pa lang ako lahat ng isyu pinapatulan ko lalo na kung alam kong makakasama kay Jack. Ayaw ko kasi nadadamay siya at masaktan. Pero si Jack na rin mismo ang nagsabi sa akin na kung wala naman akong ginagawa na mali hindi ko kailangan pakinggan ang sasabihin ng ibang tao. Gawin ko lang ang ginagawa ko at hayaan ang mga naiinggit sa akin. Ang mahalaga ay kilala ko ang sarili ko at hindi lahat ng tao ay magugustuhan ako. Huwag ko hayaan na maapektuhan ako ng mga negatibong bagay sa paligid ko. Simula noon ay hinayaan ko na lang sila.
"Umiiwas ka na naman," nakataas ang isang kilay ni Danica at ngumiti lang ako.
"Gutom lang talaga ako," natatawa na tugon ko.