POISON LOVE
Chapter 1: Antidote
Hindi ko alam kung anong mas nakakalason.
Yung lason na nilagay niya sa kape ko.
O yung ngiti niya habang pinapanood
niya akong mahilo.
Parang mas masakit yata yung pangalawa.
Kasi habang unti-unting nanghihina ang katawan ko
siya naman ay tahimik lang na nakaupo sa tapat ko.
Nakasandal sa upuan, nakahalukipkip,
at parang walang pakialam sa nangyayari sa akin.
Parang hindi niya ako nilalason.
Parang normal na gabi lang ito.
"Drink it, Maviel."
Kalma ang boses ni Janna Marquez.
Masyadong kalma.
Parang hindi niya pinapanood ang taong unti-unting
nawawalan ng lakas sa harap niya.
"Para matigil ka na sa kakahanap sa'kin."
Napatawa ako kahit umiikot na ang
paningin ko.
Kahit parang may mabigat na nakadagan
sa dibdib ko.
"Ako pa talaga ang may kasalanan?"
paos kong tanong.
Sinubukan kong tumayo pero
agad akong napahawak sa gilid ng mesa.
Tangina.
Mas malakas ang tama ngayon.
Hindi ito ang unang beses.
Matagal na niya akong nilalason.
Hindi ko lang alam kung kailan
eksaktong nagsimula.
Ako si Maviel Reyes
Tagapagmana ng Reyes Pharma.
Anak ng isa sa pinakamakapangyarihang
tao sa Maynila.
Lumaki ako sa mundong puno ng
pera, impluwensya, at mga taong
handang gumawa ng kahit ano para makuha ang
gusto nila.
Maraming tao ang natatakot sa apelyido ko.
Marami ring gustong pabagsakin kami.
Pero sa lahat ng taong pwedeng pumatay sa akin...
Hindi ko inakalang si
Janna pa.
Yung babaeng minahal ko
nang higit sa sarili ko.
"You're crazy," bulong ko.
Ngumiti siya.
Yung ngiting minsang naging paborito ko.
Yung ngiting kaya kong titigan nang
buong araw.
Ngayon, iyon din ang ngiting dahilan
kung bakit gusto kong sumuko.
"Maybe," sagot niya.
Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin.
Bawat hakbang niya ay parang mas
nagpapabilis sa t***k ng puso ko.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil siya iyon.
Si Janna.
Kahit ilang beses niya akong saktan, siya pa rin.
Huminto siya sa harap ko.
Inayos niya ang buhok kong basa na ng pawis.
Napapikit ako nang maramdaman ko
ang malamig niyang mga daliri.
Nakakainis.
“Edi patayin muna ako ngayon"
mahina kong sabi.
Saglit siyang natigilan.
At sa unang pagkakataon ngayong gabi,
may nakita akong kakaiba
sa mga mata niya.
Sakit.
Totoong sakit.
Parang siya rin ang nahihirapan.
"Huwag mong gawing madali para sa'kin, Mav."
Napatingin ako sa kanya.
Kung galit siya sa akin,
bakit parang siya pa ang nasasaktan?
Kung gusto niya akong patayin,
bakit parang gusto rin niyang umatras?
Tahimik kaming nagkatitigan.
Maraming tanong.
Walang sagot.
Hanggang sa muli niyang itinulak palapit
sa akin ang tasa ng kape.
"Inumin mo."
Napabuntong-hininga ako.
"Kapag ba ininom ko 'to, titigil ka na?"
Hindi siya agad sumagot.
Tumingin lang siya sa akin.
Matagal.
Parang may gusto siyang sabihin pero
hindi niya magawa.
Pagkatapos ay ngumiti siya.
Yung klase ng ngiti na masakit tingnan.
"Matagal na akong hindi tumitigil, Maviel."
At doon ko na-realize...
Baka hindi yung lason ang tunay na papatay
sa akin.
Baka si Janna talaga.
At ang mas nakakatakot?
Kahit alam ko iyon...
Hindi ko pa rin kayang layuan siya.