Writers note: Mature scenes ahead. Tila nanlumo rin siyang napaluhod sa harapan nito. Tiningnan ang mga matang iyon ng lalaki. Nakita niya at naramdaman kung gaano kasinseridad ang pagsasabi nito ng mga salitang iyon. Naisip niya ang mga ipinagbibintang noon sa lalaki na kahit wala siyang sapat na katibayan ay pinilit pa rin na mamuhi rito. Ngayon ay tila ay napahiya siya sa pagkakadiskubre noong nakaraan na wala pala itong kinalaman sa pagkakapahamak ng kanyang kaibigan. Nagdadalawang isip na tuloy siya na baka wala rin itong kaalam alam sa nangyari sa kanyang kapatid. Mariing naipikit niya ang mga mata at inalis ang mga bagay na iyon sa kanyang isipan. Bakit nga ba hindi niya tuluyang papasukin sa mundo niya ang ama ng kanyang anak? Gold felt devastated. Hindi ganito ang pagkakakila

