bc

MALAYA (His Virgin Stripper)

book_age18+
13.3K
FOLLOW
58.8K
READ
revenge
dark
playboy
arrogant
aloof
twisted
bxg
office/work place
virgin
prostitute
like
intro-logo
Blurb

SPG/R18 THIS STORY HAS MATURE CONTENT.

Kasunod ng hiyawan ng mga manunuod ay ang pagbaba niya ng natitirang strap ng bra sa kanyang balikat. Hinayaan niyang malaglag iyon sa dance floor pero ipinangtakip muna ang isang braso at kamay sa malulusog na dibdib bago humarap sa mga lalaking manunuod sa loob ng strip club. Itinuon niya ang paningin sa iisang tao. Nang nakakasigurado na siyang sa kanya lang nakatuon ang pansin ng lalakeng iyon ay dahan dahan niyang inalis ang kamay na takip takip sa dibdib at sa saliw ng erotic music ay umindayog ang kanyang katawan.

Siya si Emerald Marquez, Malaya ang tawag sa kanya sa loob ng Dare to Bare Strip Club. Ang totoo ay hindi talaga siya dancer dito, ngunit para sa planong paghigantihan ang lalaking dahilan ng pagpapakamatay ng kapatid at pagpapakapahamak ng matalik na kaibigan na kapwa naging dancer sa club na iyon ay inaral niya ang maging strip dancer para akitin at paibigin si Gold Salazar na isang parokyano doon at siyang may-ari ng pinakamalaking Gold Mining Corporation sa Pilipinas. She will make sure Gold will go crazy for her. She will make sure Gold will suffer.

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Mula sa malakas na pagsabog ay yumanig ang kanilang kinalalagyan. Kapwa sila napayuko , sapo ang kanilang ulo na noon ay may suot suot na dilaw na safety helmet. Nasaksihan nila ang pagbagsak ng mga maliliit na tipak ng mga bato at lupa mula sa may kababaang kisame ng mining site na kanilang kinapapalooban. Nakiramdam sila sa paligid, sa pangalawang pagkakataon ay isang pagsabog ulit ang kanilang naulinigan hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Alerto na mabilis na kumilos si Gold at lumapit kay Emerald. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga upang tumakbo at kapwa tahakin ang kabilang tunnel papunta sa isang ligtas na parte ng lugar na iyon na may mga nakatukod at nakaalalay na mga malalaking troso ng kahoy upang magbigay tibay sa mga dingding at kisame ng tila kwebang kinalalagyan. Nang ilang saglit pa ay isang malakas na pagsabog ulit ang kanilang narinig, dahilan ng kanilang paghinto at pagkawalan ng balanse. Kapwa sila napahiga sa lupa. Halata ang pagkatuliro ng lalaki. Sa unang pagkakataon, nakitaan ni Emerald si Gold ng takot at pangamba sa mukha nito. Mabilis na kumilos ang lalaki na binuhat ang katawan ng dalaga at malalaki ang ginawang paghakbang ng mga paa na tinungo ang gilid ng isang parte ng tunnel na kung saan alam nito ay mapoprotektahan sila mula sa posibleng pagguho ng parteng iyon ng mining site. Ilang sandali pa, malalakas na ugong mula sa pag-collapse ng lugar na iyon ang kanilang naulinigan kasunod ang pagsaklaw ng kadiliman sa paligid ng kanilang kinaroroonan. Kinapa ni Emerald ang kaniyang dala-dalang maliit na handbag na nasa kanyang tabi upang kunin ang telepono. Pagkadukot nito doon ay binuksan iyon at agad na in-on ang flashlight nito. Marahang itinutok pa nito ang ilaw sa madalim na paligid, partikular na sa mabigat na bagay na kasalukuyang nakadagan sa kanyang katawan. Dagli niyang nakita si Gold, walang malay na nakadapa sa ibabaw ng kanyang katawan na tila pinrotektahan siya mula sa mga batong tatama sana sa kanya kani-kanina lamang. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Napansin niya ang duguang ulunan nito na nagbigay ng kaba sa kanyang dibdib. Bigla siyang nahintakutan nang may maalala. Ito ba ang sinasabi ng kaibigang businesman na may malaking surpresa raw ito para kay Gold na siguradong magugustuhan niya once maisakatuparan ang kaniyang pakikipagsabwatan dito? Oo nga at parehas ang kanilang intensyon na paghigantihan ang lalaki ngunit wala sa hinuha niya na mangyayari ito. Lalo na at kasalukuyang kasama pa siya ng lalaki. Nakaramdam siya ng galit. Na frame up ba siya? O nagamit, para lang maisakatuparan ng businessman na iyon ang sariling intensyon na pabagsakin ang negosyo ni Gold? Napailing siya. Hindi siya makapaniwala na nagpagamit siya sa taong iyon. Inilibot niya ang paningin sa kanyang paligid gamit ang flashlight ng telepono. Lalo siyang nahintakutan. Ang magkabilang daan ng tunnel ay naharangan ng malalaking tipak na nag-collapse na bato. Walang na siyang makitang daan palabas. Sa taranta ay niyugyog niya ang lalaki, buong lakas na itinaas ang katawan nito at itinihaya. Pinakinggan niya ang dibdib nito kung may pulso. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman ang pagtibok ng puso nito. Gamit ang telepono ay kinontak niya si mamu para humingi ng tulong, ngunit tila mahina ang signal ng kanyang telepono sa loob ng tunnel na iyon lalo na at nahaharangan sila ng malalaking tipak ng bato. Ilang beses siyang sumubok na kontakin ang ninang nang magpasyang ibaba na ang telepono. Doon ay may napansin siyang medyo mabilis na pagpatak ng dugo mula sa kanyang noo. Sinalat niya ito, at napag-alaman na kanina pa pala umaagos ang dugo mula doon nang tingnan niya ang kanyang balikat. Maging siya ay may sugat din. Lalo siyang nahintakutan at ipinagpatuloy ang paggising sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa mga oras na iyon. Paano kung walang nakarinig ng pagsabog ng minahan? Ibig sabihin ay matatagalan pa ang pagka-stuck nila doon. Paano kung hindi na talaga magising ang lalaki? Biglang nakaramdam siya ng pag-aalala para dito. Hindi naman ganon ang intensyon niya sa lalaking ito? Oo nga at gusto niyang pagdusahan nito ang mga nagawa nitong kasalanan sa kanyang kapatid at kaibigan pero kailanman ay hindi niya ninais na bawian ito ng buhay. Hindi pa siya ganun kasamang tao na nanaisin na mangyari iyon sa lalaki. Nasa isang tabi siya, umiiyak, nang magising si Gold. Halata ang distress sa mukha nito, umungol ito na tila may sakit na nararamdaman, ngunit nang imulat nito ang mga mata at maibaling ang pansin kay Emerald ay bigla itong napakislot at biglang napabangon. “Are you okay, love?” buong pag-aalalang tanong nito sa dalaga nang malapitan ito. Pinahid nito ang mga luha ni Emerald at nataranta nang makita ang patuloy pa rin sa pagdaloy ng dugo mula sa may kalakihang sugat nito sa bandang noo. “I’m okay. Ikaw?” hindi niya naiwasang ibalik ang tanong na may kalakip na pag-aalala sa lalaki. May paghanga din siyang naramdaman towards dito dahil kahit may nararamdaman itong sakit sa katawan ay siya pa rin ang unang inasikaso. Hinubad ng lalaki ang suot na t-shirt at pinunit iyon, kumuha ng sapat na tela upang ipangtali sa uluhan ng babae upang mailapat sa sugat nito sa noo. “Don’t worry, we’ll be fine." Pagkatapos asikasuhin ang babae ay kinuha ang telepono na nasa bulsa at may tinawagan. Galit ang tono ng boses nito, ma-awtoridad ang bawat salitang lumalabas mula sa bibig nito. “Get us out of here as soon as possible!” mga huling katagang binitawan nito bago ibaba ang bagay na iyon. Umupo ito sa tabi ni Emerald at niyakap ang patuloy pa rin sa pag-iyak na babae. She can’t believe na sa kabila ng tapang na ipinapakita niya kay Gold noong mga nakaraang araw, ay masasaksihan nito ang kahinaan niya dahil sa nangyari sa kanila ngayon. Biglang napahawak din ang lalaki sa sariling balikat nito at sa ulunan. Oo nga pala at may sugat din doon ang lalaki. Kumilos siya at tiningnan ang mga iniinda nito. Nakita niya ang patuloy na pagdurugo ng sugat nito sa bandang likod ng ulunan nito. May malaking galos rin ito sa likuran ng balikat. Mariing pinasadahan niya pa ng tingin ang kabuuang hubad na pang-itaas na katawan nito para alamin kung may iba pa itong galos, ngunit sa iba nabaling ang kanyang atensyon. Mala-bato ang abs ng tyan nito at matitigas din ang mga balikat at braso ng lalaki mula sa mga muscles nito. Hindi sinasadya ay na-ihaplos niya ang palad doon na dahilan din ng pagpikit ng mga mata ng lalaki na tila ba dinama ang malambot na kamay ni Emerald. May kung anong malakas na kuryenteng dumaloy sa katawan ni Gold mula sa simpleng paghaplos na iyon ng dalaga. Nagdulot iyon ng init sa pakiramdam ng lalaki. Nahawakan nito ang kamay ng dalaga pagkatapos ay nagtagpo ang kanilang mga paningin na bumilang din ng ilang minuto. Nasa ganoon silang pagkakaayos nang biglang may marinig silang tila pagbagsak ulit ng ilang mga bato kung saan. Napayakap si Emerald kay Gold, si Gold naman ay tila iniharang ang sariling katawan sa posibleng pagtama ng mga tipak na bato sa babae. Sa ilang sandaling nagdaan ay nakiramdam ulit sila kasunod ng pagtahimik ulit ng paligid. Halos sabay silang nag-angat ng paningin na huminto sa pagtitig sa bawat isa. May kaba parin sa dibdib ng babae ngunit napawi iyon dahil sa lalaking handang ipagsanggalang ang sarili huwag lang siyang masaktan. She stared at his eyes, gusto niyang makita kung ano ba talaga ang nasa isip at puso ng lalaki? Na sa kabila ng masamang pagkakakilala niya dito ay kabaliktaran naman ang ipinapakita nito sa kanya. Ramdam niya ang init ng mga yakap nito kanina, ang mga malalamyos na mga paghaplos nito sa kanyang mukha ilang minuto lang ang nakakalipas, ang pag-aasikaso nito sa kanyang sugat na tila punong puno ng pag-aalala at pagmamahal. Nabasa ni Gold ang sariling mga labi habang palipat lipat ang paningin sa mga mata, ilong, at mga labi ng babae na tila kinakabisado ang lahat ng anggulo ng mukha ni Emerald. Samantalang, napalunok siya ng laway. Yakap pa rin ng kanyang mga kamay ang hubad na katawan ng lalaki, meanwhile ang mga kamay nito ay nakaalalay din sa kanyang likuran. Ilang sandali pa ay bumaba ang mukha ni Gold at kasunod ng pagpikit ng mga mata nito ay ang pag-asinta ng mga labi nito sa kanyang mamula mula ngunit medyo nanunuyong labi. Naglapat ang mga iyon. He gently kissed the upper part of her lips then the bottom. Hindi niya na namalayan ang pagpikit ng mga mata, parang may mahika rin na awtomatikong umawang ang mga nakasaradong labi at hinayaang damahin ng mga ito ang malalambot na mga labi ng lalaki. Sa mga sumunod na mga minuto ay sandaling nakalimutan niya ang totoong pakay kay Gold Salazar...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.1K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.8K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook