Dare to Bare Strip Club

2419 Words
Bumukas ang ilang maliliwanag na ilaw mula sa mataas na kisame ng malaking establisyementong iyon at itinutok sa mga babaeng nakatalikod na may magkakaparehang taas at hulma ng katawan na nasa malawak at may kataasan na entablado. Itinaas ng mga ito ang mga nakapilantik na kanang kamay habang ang kaliwang kamay ay nakapamewang. Nagsimulang gumiling ang mga bilugang balakang ng mga babae pataas at pababa, paulit-ulit habang nakalingon sa gilid ang mga mukha ng mga ito at naka-ismid. Maya maya ay iniharap ng mga ito ang mga katawan sa mga bakanteng upuan na nasa harapan ng entablado na karaniwang inuupuan ng mga lalaking manunuod, mapa VIP man o regular customers. They walk slowly yet confidently while their arms out, and their shoulders down both moving na tila umaalon alon sa hangin. Nag-iba na rin ang reaksyon ng mga mukha ng mga ito na mula sa pag-isnab ay ikinibot ang mga labi at gumawa ng mapang-akit na ngiti sa kunwaring mga taong kasalukuyang nanonood sa kanila. Nang sabay sabay ang mga itong huminto mula sa paekis ekis na paglakad ay bahagyang inikot ng mga ito ang mga katawan, tatlong beses pakanan, at ganun din pakaliwa. They pointed their right foot in front, on the floor, and started caressing their body from top to bottom, and bottom to top habang gumigiling ang buong katawan. Mababanaag ang mga emosyon sa mukha ng mga ito habang makikita ang pagpikit ng mga mata at pagkagat sa mga labi. Sabay sabay ang mga ito sa pag-indayog ng mga katawan sa paulit-ulit na pasigaw na pagbilang ng isang nakapamewang na lalaki ngunit nakabihis na damit na pang babae na nasa mismong harapan ng entablado. 5,6,7,8… Taas ang noo ng bawat babaeng kabisado na ang bawat paggalaw ng mga katawan. Hindi rin nakakalimutan ng mga ito ang golden rule sa pagsasayaw. Kailangan palaging naka stomach in, chest out para ma-emphasize pa ang hubog ng katawan ng mga ito lalong lalo na ang bilugang dibdib ng mga dalaga. Kailangan ito para magmukhang mataas at mas makurba pa ang mga katawan ng mga babae sa paningin ng mga manunuod. A few minutes of making more sexy movements and they slowly walk again, pointing their toes while throwing their hips. Nang huminto ay dahan dahang yumuko ang mga ito habang ipinapadausdos ang mga kamay sa katawan, pababa sa hita at binti at pabalik ulit while whipping their ponytailed hair. Sa huling step ay nagkanya kanyang gawa ang mga ito ng nakakaakit na pose at nag-freeze ng ilang minuto habang ang baklang nasa harapan ay pinasadahan ng tingin ang mga ito mula ulo hanggang paa na tila sinusukat ang bawat anggulo ng mga katawan ng mga babae. “Good job girls!” pinangunahan ng naka suot na mahabang buhok na wig na bakla ang pagbibigay ng malalakas na palakpak sa mga ito sa naging pulidong pagpapraktis ng sayaw para sa darating na presentasyon mamayang gabi. Sinundan din iyon ng pagpalakpak ng iba pang empleyadong nakikinood sa pag-eensayo ng mga ito na nasa gilid lang din ng entablado. Nagkanya kanyang alis sa kinakatayuan ang mga babae upang kumuha ng inumin na inilapag lang ng mga ito sa gilid na sahig ng stage. Ang iba naman ay kumuha ng mga bimpo para mapunasan ang tagaktak na pawis sa may noo at leeg. Binigyan ang mga ito ng ilang minutong pahinga mula sa mahigit na isang oras ng pag-eensayo ng sayaw. Habang abala sa pagpapahinga sandali ang mga alagang dancers ay itinuon ng bakla ang atensyon sa isang dalagang nakatayo din sa gilid at mga ilang minuto na rin na nanonood sa mga ito. “Psst! Emerald!” tawag nito sa babaeng malaki pa rin ang pagkakangiti na nakatunghay sa mga kaibigang dancers. “Anong ginagawa mo diyan?” tanong pa nito, na mula sa gilid ng mga mata ay kanina pa nito pinagmamasdan ang babaeng iyon. Nakita nitong nakikisabay din ang dalaga sa mga step ng pagsayaw na ginagawa ng mga dancers kanina. Nagulat pa ito dahil halos kabisado na ng dalaga ang mga kilos ng mga ito sa madalas na panonood nito doon tuwing Biyernes ng hapon. Pasimpleng napatayo ng diretso ang tinutukoy ng bakla. “Wala po ninang,” sambit nito kasunod ang pagseryoso rin ng mukha. Pinaka-aayaw ng bakla na ginagaya nito ang mga dance moves ng mga dancers ng club na iyon. “Ikaw talaga, huwag ka ngang madalas tumambay dito at nakakabisado mo na ang mga sayaw ng mga dancers natin,” may pamimilog ng mata na saway nito sa dalaga. “Hindi pa naman po,” medyo kimi naman na pangiti ngiting sagot nito. “Hindi pa? So, may balak ka nga talagang kabisaduhin? Aba ay gusto mo bang maging dancer na lamang Em-Em?” mataray nitong tanong habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang ang kanang kamay. “Ninang naman! Masama po bang manood?” tila may pagpoprotesta nitong padyak ng isang paa. “Hindi naman kita pinagbabawalang manood. Ang ayaw ko lang ay yung sasabayan mo pa at gagayahin ang mga kinikilos nila,” sagot nito. “At tsaka, tapos ka na ba sa trabaho mo? Pinapasok kita ng maaga para sanayin ang mga bagong hired na serbidora natin,” dugtong pa nito. “Kanina pa po kami tapos ninang. Itinuro ko na po sa kanila lahat lahat ng kanilang dapat malaman sa pagiging waitress ng club. Inilibot ko na rin sila sa kabuuan ng building para alam na rin nila ang pasikot sikot dito,” may sigla sa boses nitong turan. “Actually po pinauwi ko muna ang mga bagong empleyado at sinabihan na bumalik mamayang alas dyes y medya ng gabi, bago mag-open ang club,” dugtong pa ng may kagandahang dalaga. “Ah, ganun ba. Oh sige, umuwi ka na muna para makapaggpahinga. Mamaya mapupuyat na naman tayo,” turan pa nito dito. Biyernes ng hapon ngayon, at sa tuwing Biyernes at Sabado ng gabi ay bukas ang Dare to Bare Strip Club. Pag-aari ito ng apatnapu at isang taong gulang na baklang si Vicente, a.k.a. Venus para sa mga nakakakilala dito, ngunit Mamu ang tawag dito ng mga alagang dancers, at ninang naman para sa inaanak na dalagang si Emerald. Patalikod na ang dalaga para umalis nang pigilan ulit nito ito at utusan. "Ay, teka lang anak, nakalimutan kong wala pala ang assistant ko dito ngayon. Paki kuhaan mo muna nga ako ng isang bowl ng yelo, please!" sabi pa nito dito na mabilis namang sinunod ng inaanak. "Ok, girls, take off your shirt and let me see your breast!" baling at utos nito sa mga kababaihang dancers na noo’y nakabalik na ulit sa kani-kanilang pwesto. Luminya ang siyam na babae at walang hiya hiyang nagkanya kanyang tanggal ang mga ito ng suot na pang-itaas kabilang na ang pangloob na suot na bra. Tumayo ulit ng diretso ang mga ito nang matapos maghubad. Sinimulan namang pagmasdan ni Mamu ang mga ito isa isa. "Girls," tawag nito sa mga babae habang sinisipat ang mga dibdib ng mga dalaga. "Huwag ninyong masyadong ipapahawak ang inyong mga s**o sa mga fafa ninyo ha, mas maganda tingnan kapag hindi laylay ang mga boobsy ninyo!" anito habang isa isang nilalampasan ang mga babae. Kinawayan nito si Emerald na kararating lang at may daladalang isang plastic bowl na puno ng maliliit na tipak ng yelo. Pinalapit nito sa mga dancers ang dalaga. Sa tagal na nitong nagtatrabaho sa club na iyon ay mukhang alam na rin nito ang gagawin. Pinakuha ng dalaga isa-isa ang mga babaeng dancers ng yelo mula sa hawak hawak na bowl. Pagkatapos dumampot ng yelo ay nag kanya kanya ang mga itong lagay sa n****e ng kanilang s**o. Ang iba ay napapasigaw at napapapikit sa lamig na nararamdaman nang dumampi ang bagay na iyon doon. Pinaikot ikot ng mga ito ang maliit na tipak ng yelo sa nakausling maliit na umbok sa tuktok ng kanilang ibat-ibang size na dibdib. "Gusto ko mamaya lahat ng mga iyan ay tayung tayo ha! Marami tayong VIP na darating na nanggaling sa iba't ibang lugar, alam mo naman ang mga kalalakihan, nalilibugan na agad ang mga iyan kapag ang mga n*****s ninyo ay handa na sa bakbakan,” malaki ang ngiti nitong sabi. Naghagikhikan ang mga babaeng kinakausap nito. “Girls, gusto ko magpakitang gilas kayo mamayang gabi, okay ba?" kausap pa nito sa mga iyon. "Yes Mamu!" halos sabay sabay na sagot ng mga ito na nagsimula na rin ibalik ang mga natirang yelo sa bowl na hawak parin ni Emerald. "Okay, last two practice without the shirt, and we can all take a rest para makapag ready na for later," tumabi ulit ito sa gilid sa harapan ng entablado para bigyang distansya ang mga babaeng nakahubad sa pang-itaas na katawan. "Krystal anak, ikaw ang magiging star of the night tonight. This will be your first time kaya galingan mo ha," bumaling ito sa isang dalaga na nasa bandang gilid ng mga babaeng nakahanay. Nagliwanag ang mukha ng babaeng sinabihan ni Mamu. Excited pa itong nagtatalon papunta sa gitna at harapan ng entablado. Nagpalakpakan naman ang iba pang mga babaeng naroon. Mga nakangiti ang mga itong binati si Krystal sa pagiging star of the night mamayang gabi. Walang inggitan at sapawan, iyan ang gustong mangyari ni Mamu sa mga alaga kaya every week ay nagpapalit palit sila kung sino ang gagawing star of the night para bigyang exposure ang isa't isa. Wala rin namang tulak kabigin sa mga dancers nito dahil lahat ay matatangkad, sexy at magaganda. Yan ang palaging criteria na hinahanap ni Mamu sa mga nag-aapply na maging strip dancer sa club niya bukod sa magaling sumayaw at mag-project ng mukha. Maging sa serbidora kailangan may itsura ang mga babaeng nag-aapply. Kaya naman patok ang club niya sa mga kalalakihan. Bagamat maraming residente doon ang nagrereklamo at gustong ipasara ang negosyong iyon ni Mamu na naroroon mismo sa pinaka sentro na bayan ng Baguio ay marami pa rin gusto iyong mapanatili. Lalo na ang mga mayayaman at makapangyarihang pulitikong suki na nila every weekend. "Go, go, go beshie! Kaya mo yan!" cheer ni Emerald sa gilid. Best friend nito si Krystal na baguhan pa lamang sa ganoong trabaho. Ito mismo ang nagpasok sa kaibigan doon kahit pa ilang beses na nitong hinindian ang pangungulit ng dalaga. Malaki rin kasi ang pangangailangan pinansyal ng kaibigan kaya napilitan na lang din itong ipasok bilang strip dancer ang matalik na kaibigan. Malaki naman ang pagkakangiti ni Krystal na binigyan ng flying kiss si Emerald. Sa lahat ng tao na bilib sa kakayahan nitong sumayaw ito ay si Emerald na kasing husay din nito pagdating sa hatawan. Bata pa sila ay iyon na ang isa sa kanilang pinagkakasunduang gawin, ang magsayaw. Maya maya ay pumwesto na ang mga ito sa kanikanilang spot. Dahil star of the night si Krystal ay pumunta ito sa bandang dulo sa likuran ng iba pang mga dancers. Pumalakpak ng isang beses si Mamu at sabay sabay na namatay ang mga ilaw. Ilang minuto pa ay bumukas ulit ang mga iyon kasunod ng pag-ere ng soulful music na may mix ng malakas na beat ng drums at trumpet. Habang nagsisi-indakan ang mga dancers sa pagsayaw ay mangha namang nanonood lang si Emerald. Proud ito sa kaibigan dahil matagal na nitong hinintay ang pagkakataong iyon. Ang maging star of the night ay isang pribilehiyo para sa isang mananayaw sa Dare to Bare Strip Club. Bukod kasi sa malaki ang sahod kumpara sa karamihan ay may tsansa din itong magtable ng isang VIP. Sa pamamagitan nito ay kikita ulit ito ng malaking pera. Lahat ng mga VIP ng club na iyon ay malalaki mamigay ng tip. At alam nitong nakakatulong iyon ng malaki kay Krystal lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Kasalukuyang kasi na may sakit sa baga ang nakalakihan nitong magulang, ang Lola nito na mag-isang nagtaguyod sa babae mula maliit palang ito hanggang sa paglaki. Gaya nila mahirap lang din ang mga ito. Ang kaibahan lang ay sinwerte si Emerald dahil ang ninang nito sa binyag ang may-ari ng club na iyon na pinapasukan nila. Magmula palang ng maliit ito ay kaakibat na ng mga magulang ang baklang ninang sa pagpapalaki sa dito at sa dalawa pang kapatid. Siya si Emerald Marquez, 24 years old na katukatulong ng kanyang ninang Venus sa business nitong strip club. Tapos siya ng kusong commerce. In fact ito mismo ang tumulong para makapag tapos siya ng pag-aaral. Ngunit dahil tumatanaw siya ng utang na loob ay hindi na niya piniling magtrabaho pa sa ibang lugar. Pinagbigyan niya na lang ang request nitong magtrabaho bilang training and development officer sa club. Siya ang namamahala sa lahat ng kailangang turuan o sanayin na mga baguhang empleyado. Sa kanya rin nakaatang ang lahat ng pag-oorganize at planning pagdating sa loob ng bar and kitchen. Alam niyang malayo ang kanyang tinapos sa naging trabaho ngayon ngunit hindi naman iyon naging problema sa kanya. As long as nakakapagbigay siya sa ama para sa panggastos sa araw-araw at pangbayad sa mga bills, masaya na siya doon. Gusto niya rin naman ang idea na nakakatulong tulong sa kanyang ninang sa pamamalakad sa club na mag-isa nitong napundar mula sa pagtatrabaho nito sa Japan noong kabataan nito. Pangalawa siya sa kanilang magkakapatid. Siya na lamang ang katuwang ng kanyang ama sa pagpagpapaaral sa kanilang bunsong lalaking kapatid dahil wala na ang kanyang ate na siyang malakas na tagapagtaguyod nila pagdating sa pinansyal noon. Nagpakamatay ito dahil sa dipresyon, na sinundan pa ng pagkamatay din ng kanilang ina nang atakihin ito sa puso nang makitang nakalambitin sa kisame ang wala nang buhay na nakakatandang kapatid na si ate Emily. Iyon ang pinakamasakit na karanasan niya, ang magkasunod na mawala ang dalawang pinakamalapit na babae sa kanyang buhay. Pagkatapos ng isang round pa ng pagpapraktis ng sayaw ay nag kanya kanya na ang mga dancers na bitbit ng mga gamit na inilapag lang ng mga ito sa bandang gilid ng entablado. Malapit lang ang apartment na nirerentahan ni Mamu para sa mga ito. Sama sama ang mga ito na nakatira sa isang apartment at sabay sabay din na hatid sundo ng van na provided din ni Mamu. Libre na iyon para sa kasiguraduhan ng kaligtasan ng mga ito sa tuwing papasok sa gabi at uuwi ng madaling araw. Sa lakas ba naman kumita ng club maliit lang ang mga gastusin na iyon. Mamu always makes sure na naalagaan nito ang mga sariling dancers dahil ang mga ito ang pinaka produkto nito na siyang nagpapasok ng pera sa club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD