Star of the Night

2946 Words
It was 10:30 in the evening ng magsimulang magsidatingan ang mga manunuod ng sikat na Dare to Bare Strip Club. Ilan pang minuto ang nakalipas nang isa isang na rin magsidatingan ang mga VIP na manunuod na ang iba ay naka business attire pa na tila nanggaling pa sa mga trabaho at dumiretso na lang doon. Naka-assist ang mga may naglalakihang katawan ng mga lalaki na tila bouncer ng club sa mga ito at isa isang pinaupo sa VIP area sa pinakaharapan ng malaking entablado. Ang table at chairs ng mga VIP customers ay iba sa mga pangkaraniwang table and chairs doon. Ito ay de-foam na mahabang upuan na nakapalibot sa kalahati ng bilog na lamesa. Ginaya iyon mula sa club na pinagtrabahuan din ni Mamu noon. Sinigurado nito na magiging komportable ang mga ito habang nanonood. Samantala, nakahanay na ang mga kababaihan sa likod ng malaki at mataas na pulang tabing na tumatakip sa likurang parte ng malawak na entabladong iyon. Kanya kanya rin silip ang mga ito sa kaonting awang sa pagitan ng mga makakapal na kurtinang nakatabing sa kanila. Lahat ay excited na makita kung sino sino ang mga VIP na darating ngayong gabi. Kanya kanya din ang mga itong bulungan na minsan pa ay may kasamang impit na pagtili sa tuwing mapagsisino ang mga lalaking nakaupo na sa harapan. Medyo marami ang mga VIP ngayong gabi. Konti na lang din at puno na ang mga nagkalat na mga single chair katapat ng may kaliitan din na mga lamesa na nakalagay sa bandang likurang parte ng malaking establisyementong iyon. Maya maya pa, mula sa entrance ng club ay may pumasok na isang matipunong lalaki na sandaling inilibot muna ang paningin sa loob. Inayos nito ang suot na leather jacket bago in-eskort-an ng mga bouncer papunta sa lamesang io-occupy nito. Noon pa man madalas na dito mismo ito nauupo. Sa katunayan ay nakasave na ang harapang lamesa para sa lalaking iyon na ilang buwan din na namahinga mula sa pagbisita sa Dare to Bare Strip Club. Nagsimula na kumuha ng mga order ang mga serbidora. Karamihan ay pumunta sa mga guest VIP at inuna ang mga itong kunin kung anong mga io-order. Pagpatak ng eksaktong 11 PM nang mamatay ang maliwanag na ilaw sa loob ng club at pinalitan ng dim lights sa parte ng mga manonood. Iba’t ibang kulay naman ng ilaw ang nakita sa background ng stage. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang soulful music na may mix ng malakas na tunog ng drum at iba pang music instruments. Nagsimulang umangat ang mataas at makapal na kulay pulang kurtina ng entablado. At kasabay ng paglabas ng mga magpe-perform na mga pangunahing set of dancers mula sa likod ng kurtina ay ang pagsindi ng maliliwanag na spotlight na nakatutok sa bawat isa sa mga ito. Hiyawan agad ang mga kalalakihan sa nakitang suot ng mga itong sexy red one piece showgirl outfits na kumikinang sa mga beads at ang sa ulunan ng mga ito ay nakapatong ang ostrich feather headdress na kulay pula rin. Sabay sabay ang mga itong umindak sa saliw na sexy music. Habang busy ang mga customer sa panonood sa mga nagpe-perform sa stage ay abala rin si Emerald sa pagsipat sa mga baguhang hired na serbidora na kasalukuyan nang nagbibigay ng mga alak at mga appetizer sa mga guest lalo na sa mga VIP na nasa mismong harapan ng may kataasang entablado. Kahit na medyo may kadiliman ang kabuuang parte ng mga kostumer ay tamang tama na nahagip ng paningin niya ang ang isang serbidora na balisa at tila nagkakaroon ng problema sa isang lalaking nakaupo sa mismong harapan. Agad siyang kumilos upang lapitan ang mga ito. She was going to approach the customer nang bigla siyang natigilan. Kilala niya ang lalaking nakaupo na iyon sa may harapan. Tila ilang segundo siyang napaatras abante sa paglalakad. She was having a second thought kung lalapit ba siya sa mga ito lalo na sa kilalang lalaking iyon. Ngunit dahil nakikita niya na nahihirapan ang serbidora sa pakikipag communicate dito ay tuluyan na siyang lumapit sa mga ito at kinausap ang lalaki. “What seems to be the problem sir? I’ll be happy to help!” tanong niya sa lalaki habang nasa tabi ng empleyado. Pinilit niya pang maging friendly sa pagtatanong na iyon na sa totoo lang ay nang malapitan ito ay nagsimula na namang umusbong ang galit na naramdaman sa kanyang puso. “She was insisting that this is the right brand of wine that I used to order before, which is not. I know the difference from the taste of it. C’mon, ilang months lang ako nawala nakalimutan n’yo na agad ang wine na lagi kong inoorder dito?” may pagka-inis na sabi ng lalaking iyon habang nagpapaliwanag sa kanya. Medyo padabog pa itong ibinaba ang hawak hawak na bote ng wine na ipinakita sa kanya. Medyo naitaas niya ang isang kilay sa inakto nito. Ayaw niyang sabihin na baguhan pa lamang ang serbidorang iyon kaya hindi pa nito talaga alam ang partikular na wine na inoorder ng lalaki. Baka kasi sabihin ng lalaki na bakit hindi man lang nila tini-trained muna ang mga bagong empleyado bago isalang sa mismong trabaho ng mga ito. Hahaba pa ang usapan. Kinausap niya na lang sandali ang serbidora at inalam kung ano ang order ng may kayabangang lalaking iyon. “I apologize sir. If you don't mind to wait for a few minutes, I will just get the right one for you,” sabi nito ng mapag-alaman na mali nga ang kinuha ng waitress. Kinausap nito ang babae na puntahan ang iba pang costumer at magpatuloy sa pagtatrabaho. Siya na lang ang mag-aasikaso sa lalaking iyon. Pumasok siya ulit sa bar at mabilis na kinuha ang wine na order nito. Ito ang pinakamahal na wine na meron sila sa club. At ilan lang sa mga VIP ang umuorder nito dahil na rin sa mahal ng presyo. Naalala niya nga na ito ang madalas na order-in nito noon. Hanggang ngayon ito pa rin pala ang paborito nitong inumin. Bumalik siya na dala na ang isang bote na nakapaloob sa isang maliit na metal bucket na may nakalagay na maraming yelo. “Here you go sir!” inilapag niya iyon kasama ang ilang bagong wine serving glass sa lamesa. “Would that be all for you sir?” dugtong na tanong niya pa na pigil ang pagsusuplada. “Yes! Thank You!” walang emosyong sagot ng lalaki na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Agad naman na siyang tumalikod na inismiran pa ito. May advantage rin ang pagkakaroon ng dim light sa lugar na iyon dahil taasan mo man ng kilay o ismiran ang costumer ang kinaiinisang customer ay hindi sila agad mapapansin ng mga ito. Iniwan niya ang lalaki na dumikwatro na sa pagkakaupo at ini-enjoy na ang panonood sa mga babaeng nasa taas ng entablado. Tatlong oras kung mag-operate ang club na iyon. From 11 PM to 2 AM, dirediretso ang pag-entertain ng mga dalawampung babaeng dancers doon na kung minsan ay nagsasalit salitan din sa pagsasayaw. Ang pinakapahinga nila ay ang batch per batch na performance ng mga ito dipende sa haba ng tugtog. At hindi lahat ng dancers ay nag-strip dance, pero mandatory na na kapag nag-apply ka bilang dancer doon ay i-expect mo na na kailangan mong magsuot ng mga sexy costumes. Ilang oras na ang lumipas at nasa last performance na sila sa gabing iyon. At kapag final na ay may mahabang exposure na ang Star of the night ng club. Ito ang ilang minutong pagsasayaw nito ng mag-isa sa ibabaw ng entablado. Mula sa likod ay um-entrance si Krystal papunta sa harapan habang ginagawa ang paekis ekis na nakakaakit na mabagal na paglakad. Nakasuot lang ito ng katiting na pulang panty at bra na pinalamutian ulit ng makikinang na beads. Meron itong hawak na malaking bagay na parang pamaypay na yari sa mahabang feather na ipinangtatakip minsan sa katawan. Habang ginagawa nito ang sariling step ay hindi magkandamayaw ang mga lalaking audiences. Sa ganda ng hubog ng katawan ni Krystal at angking kagandahan nito ay walang lalaki sa mga oras na iyon ang hindi nito nabighani. Itinapon nito sa gilid ng stage ang hawak hawak na pamaypay at sabay sa sexy background music na umaalingawngaw sa kabuuan ng club ay umindayog ang katawan nito. Tumalikod ito at gamit ang isang kamay ay inalis sa likuran ang pagkaka hook ng bra habang nakaalalay ang isang kamay sa harapan nito, making sure na hindi muna ito malalaglag. Nagsigawan ang mga taong nanonood. Usually ang pag-strip ng mga babae sa mga suot na pang-itaas ay ang huling parte na ng performance ng mga ito. Dahan dahang inalis ni Krystal ang suot na bra habang ang mga balikat at balakang ay walang tigil sa paggiling. Nang malaglag ang suot na bra ay ipinantakip nito ang kaliwang kamay at braso sa mga iyon at dahan dahang humarap. Ilang sandali pa ay inalis na rin nito ang kanang kamay na tumatakip doon at bumalandra ang malulusog nitong dibdib. Ipinagpatuloy nito ang paggiling ng katawan nang sabay sabay nang nagsisulputan ang iba pang dancers na wala na rin saplot sa pang itaas, ngunit dahil si Krystal ang Star of the night, ang kanyang dibdib lang ang namumukod tangi na walang takip, the rest of the dancers ay may nakatakip na makikinang na glitters sa mga n*****s ng mga ito. Lahat ng mata ay nakatingin kay Krystal. She gracefully shook her breast and caressed them with her own fingers. Sa huli ay kumuha ang mga babae ng tig-iisang malaking feather fan at itinutok kay Krystal na siyang nasa gitna ng entablado habang nakapamewang ang isang kamay at ang isa ay itinaas at ipinilantik ang mga daliri. Kasunod non ang unti-unting paghina ng musika at kalaunan ay paghinto nito. Kasabay noon ang pagbaba ng kurtina ng malaking entabladong iyon. Nagsitayuan habang naghihiyawan ang mga manonood kasabay ng malakas na palakpakan. Ang iba ay pinituhan pa si Krystal. Lahat ay tuwang tuwa sa performance ng mga babaeng dancers noong gabing iyon. “Congratulations girls! It's a successful night tonight!” bati ni Mamu nang pumasok ito sa malaking dressing room ng mga dancers. May hawak pa itong malaking bouquet ng bulaklak na ibinigay sa star of the night na si Krystal. Nanlaki ang mga mata ng mga babaeng nandoon, especially si Krystal nang makita ang may iba’t ibang kulay ng dalawang dosenang roses. Unang beses nitong makatanggap ng ganoong kalaking bouquet ng bulaklak. “Girls, this is not from me, this is from Mr. Gold Salazar,” pagki-clear ni Mamu sa mga ito upang hindi mag-isip ng kung ano. “Krystal,” baling ulit nito sa dalaga, “Gusto ka niyang maka-table ng ilang minuto,” sabi pa nito dito. Pinapayagan nitong may mag-table sa mga alagang dancers pero sa loob lamang ng tatlumpong minuto. Hindi rin pwede ang mga itong ilabas. Kapag gusto ng isang VIP na masolo ang dancer ay meron silang secret room na ibinibigay dito pero bukod sa pakikipag-usap dito in private at pagsayaw nito sa harapan ng costumer ay ipinagbabawal na ang iba pang gustong gawin dito ng taong nag-request, isa na ang paghipo dito lalo na ang pakikipagtalik sa loob ng kwarto. Tila natulala si Krystal sa narinig mula kay Mamu. Hindi siya makapaniwala na sa unang gabi ng pagiging Star of the Night ay may magre-request na i-table siya at iyon ay si Gold Salazar pa. Katunayan kasi, karamihan ng kababaihang kasama niya sa pagsasayaw ay may matagal ng crush sa lalaking iyon. Samantala, mula sa kung saan naman ay sumulpot si Emerald sa kwartong iyon. Nakasimangot ito. Napunta ang pansin ng lahat dito. Tila natahimik ang buong kwarto. Alam ng lahat ang kung anong kwento ang meron sa pagitan nina Emerald at Gold Salazar. Ever since nangyari ang trahedya sa kanilang kaibigan na kapatid ng dalaga ay wala ni isang nag-papaalala ng bagay na iyon sa loob ng bar, alam ng mga itong hindi magiging maganda ang mood ng lahat especially si Emerald. Kalaunan, lahat ay bumalik na sa mga pinagkakaabalahang gawin kani-kanina lang, nagkanya kanya ulit na alis ng makakapal na make-up ang mga ito at palit ng kasuotan. Kinuha ni Krystal ang bouquet sa kamay ni mamu at nakangiting sinimsim ng amoy ang iba’t ibang kulay ng bulaklak na nandoon. Nang matapos titigan ang mga iyon ay inilapag ito sa harap ng kanyang vanity table at isinuot ang medyo may kakapalang uri ng tela ng robe na ipinangtakip sa kasalukuyan pa rin na hubad na pang-itaas na katawan. Palabas na ito nang harangin ng kaibigan. “Don’t tell me, ititable mo ang taong iyon?” may pagtatampo sa tono ng boses nito. “Besh, trabaho lang naman eh. At tsaka first time ko ‘to, pagbigyan mo na ako,” ngiti nito sa kaibigan na may kasamang paglalambing. “Don't worry besh, hindi ko naman nakakalimutan,” tapik pa nito sa balikat ng kaibigan bago lumabas sa kuwartong iyon kasama si Mamu na siyang nagdala dito sa lalaking nakaupo na sa VIP table. Napasimangot lang ulit si Emerald na halatang hindi sang-ayon sa desisyon na iyon ni Krystal. Sinundan pa niya ito ng tingin nang lumabas ito mula sa kwartong iyon papunta sa pwesto ng lalaking naghihintay dito. Malaki naman ang pagkakangiti ng lalaking sinalubong si Krystal. Mula sa madilim na parte ng lugar na iyon ay nakamasid lang si Emerald kina Mr. Gold Salazar at sa kaibigang si Krystal. May dilim na mababanaag sa mukha nito. Hindi siya masaya sa nakikita ng kanyang mga mata. Lalo na sa mga ngitian ng mga ito sa isa’t isa. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang masamang karanasan ng pamilya patungkol sa lalaking ito. Kung gaano ang galit na naramdaman niya dito isang taon na ang nakakaraan ay ganun pa rin ang galit na nararamdaman niya dito hanggang ngayon. Muhi at pagkasuklam. Madalas niyang ipagdasal na sana dumating ang araw na makaharap din ng lalaki ang bagsik ng balik ng karma. Gusto niyang maranasan din nito ang naranasang sakit sa dibdib ng kanyang pamilya. Si Gold Salazar ay ang 32 taong gulang na isa sa mga suking customer ng Dare to Bare Strip Club. Ito ang panganay sa sikat na tatlong lalaking anak ng mag-asawang Salazar na siyang nagmamay-ari ng ilang malalaking lupain doon. Ang mga magulang ni Gold ay orihinal na mga scientist bago pa man magkaroon ng maraming iba’t ibang negosyo na matatagpuan mismo sa Baguio. They were so fascinated about gold, silver and copper kaya naman nang magkaanak ng tatlong sunod sunod na lalaki ay dito na kinuha ang mga pangalan ng mga ito. Lumaki ang unang negosyo ng mga ito na minahan ng gold kaya ito ang ipinamana sa naunang anak na si Gold. Ang kumpanyang Gold Mining Corporation ay isa sa pinakamalaking minahan sa Pilipinas. Ang iba pang sumunod na mga negosyo gaya ng malaking taniman ng grapes at tomatoes, kasama ng mga alagang kabayo at baka sa kanilang malaking lupain na pinangalanang Hacienda Salazar ay ibinigay ng mga ito sa pangalawa nilang anak na si Silver. Samantala, ang ilang ekta-ektaryang lupain sa sentro ng Baguio na pinagtayuan ng mga buildings and business establishment ay ipinamana ng mga ito sa bunsong anak na si Copper. Sa kabila ng karangyaan ay simpleng namuhay ang magkakapatid noong maliliit pa ang mga ito, ngunit nagsimulang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan nang mamatay ang mga magulang mula sa isang aksidente nang bumagsak ang pag-aari ng mga itong private plane na sinasakyan ng mga ito isang araw mula sa business na pinuntahan. Iba-iba ang personality ng mga ito. Kung noon ay magkakasundo ang magkakapatid, noong lumaki at maging mature ay tila kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan na. Gold is a responsible guy subalit dahil unang anak, ito ang unang pinaglaanan ng mga magulang ng lahat ng atensyon, maging pagdating sa mga material na bagay. Sanay ito na kung ano ang hilingin ay madaling nakukuha. Ugali nito ang hindi nagpapatalo sa mga kapatid kahit sa anong bagay. At dahil doon ay yumabang ito, naging mapagmapataas. He is smart yet boastful and self centered. Pero kahit ganoon ay mabait sa mga kaibigan at sa mga taong sa tingin ay makakatulong sa pag-angat ng sariling kumpanya. May isa din itong downfall, matindi ito magmahal at ibinibigay nito ang lahat para sa kanyang iniibig, na minsan ay dahilan ng pagiging agresibo, controlling, and unpredictable. “Huwag mo nang alalahanin iyang bestfriend mong si Krystal. Malaki na iyan. Alam na niyan ang ginagawa niya,” mula sa likuran ay tinapik ni Mamu si Emerald. “Alam ko po ninang," lingon nito dito. “It's just everytime I see him, bumabalik ang lahat ng alaala at sakit,” anito habang nakatingin pa rin sa kinaroroonan ng lalaking tinutukoy. “Alam ko, ako man din ganoon. Pero hindi naman pwede mabuhay nalang tayo sa galit, masama rin iyon,” advice pa nito sa dalaga. “Sige ka at baka ikaw naman ang magkaroon ng sakit sa puso niyan,” pabiro pa nitong sambit. Lumabi lang si Emerald. “Sige na at gabi na. Tapos na rin naman ang trabaho mo kaya makakauwi ka na. Hahanapin ka na naman ni Pareng Tisoy sa akin. Baka pumunta na naman dito si Burnok, malalagot na naman tayo sa tatay mo,” saad pa nito sa dalaga. Tisoy ang palayaw ng kanyang ama dahil sa pagkatisoy nito na nakuha niya dito. Tipid lang itong napatawa at pumunta na sa locker at girls bathroom para makapagbihis. Pagkatapos ay diretso nang sumakay ng van para maihatid siya sa kanilang tahanan may 15 minutes din ang layo mula sa pinagtatrabahuang club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD