Bestfriend's Heartaches

3128 Words
Ilang linggo din ang nakalipas at gaya ng nakagawian ay marami na naman ang nanood sa pinakaaabangan na performance ng mga dancers ng DBS Club noong gabing iyon. Nagkaroon ang mga ito ng extra 30 mins para sa mga nagre-request na makilala at mai-table ang mga dancers. At dahil doon ay 30 minutes din na kailangang magtagal sa trabaho ang iba pang empleyado bago tuluyang makauwi, isang bagay na medyo ikinainis ni Emerald. Hindi sa against siya sa idinagdag na oras sa kanila , kung hindi nabubwisit siyang makita pa ng mas matagal si Gold. Magmula noong nakaraan na nag-umpisa ulit itong pumunta sa club ay hindi na ulit ito pumalya ng pagbisita doon. Linggo linggo na naman itong nanonood lalo na at inaabangan ang pagsayaw ng kaibigang si Kristal. Nagtataka si Emerald kung bakit sa sunod sunod na linggo ay laging may special participation talaga si Krystal sa mga production ng mga ito. Hindi man halata sa mga ibang dancers ay palagi na itong laman ng usapan ng mga ito. May favoritism na daw si Mamu. Ever since kasi na naging star of the night ito ay mas dumami pa ang mga customer ng club. Hindi naman din masisisi si Mamu, pinagbibigyan lang nito ang mga lalaking pumupunta doon. Nagkataon na si Krystal ang madalas hanapin ng mga iyon kaya si Krystal ang may extra exposure pwera pa sa star of the night sa gabing iyon. May ilang gabi na rin dati rati na konti lang ang mga bisita nila, ayaw na nilang mangyari iyon. Kaya nagmamaktol man sa espesyal na pagtrato ni Mamu sa dalaga ay iniintindi na lang nila ang lahat. Kailangan. Nakikinabang rin naman sila dahil may bonus silang natatanggap sa tuwing puno ng mga customers ang club. Sa club na iyon, kung ano ang hilig ng mga customer, iyon ang dapat nilang ibigay kahit hindi maiwasan ang may palihim na inggitan. “Nakita n'yo ba si Krystal?” minsang tanong ni Emerald sa mga babae sa dressing room ilang minuto pagkatapos ng mga itong mag-perform. May isang businessman kasi na gusto itong makilala. Umiling ang mga babaeng pinagtanungan ni Emerald. Pero may isa na sumagot na siyang nakarinig sa katanungan nito. “Kinausap siya ni Mamu kanina. May gusto yatang makipag-table sa kanya,” sabat ng babae. Napasimangot na naman siya, mukhang alam niya na kung sino ang kasama nito ngayon kung nakipag-table nga ito. Sa bawat linggo ay hindi talaga nababakante si Krystal. Minsan bago pa lang magsimula ang sayaw ng mga ito ay may nagre-request na agad na gusto itong maka-table. Hinanap niya ito sa bandang unahan, sa mga lamesa sa harapan ng entablado. Bagama’t konti na lang ang mga natitirang customer na nandoon ay hindi niya pa rin ito makita. Pabalik na siya sa may kusina ng club para i-check kung tapos na maglinis ang mga empleyado doon nang madaanan niya ang nakahanay na secret room sa bandang likuran ng stage kung saan pwede isolo ng customer ang isang dancer. Sa limang may katamtamang laki ng mga kwarto doon ay may isa na nakasarado pa rin at tila bukas ang malamlam na ilaw mula sa loob. Hindi na siya nagdalawang isip at ipinihit niya agad ang door knob para makita kung may tao pa sa loob ng kwartong iyon. Bumulaga sa paningin niya si Krystal na paharap na nakakandong sa nakaupong lalaki. Nakalingkis din ito dito at tila kahalikan ang lalaki na iyon na ang dalawang kamay ay dakot dakot ang pisngi ng pwetan ng babae. Nagulat pa ang mga itong napatingin sa kanya na noo’y nakahawak pa rin sa doorknob ng pinto. “Sorry!” paumanhin niya na ang totoo ay nagulat din sa ayos ng mga ito. Alam niyang nagambala niya ang privacy ng mga ito sa loob ng kwarto ngunit sandali rin siyang natigilan ng tangkang isasarado na ang pintuan. Naalala niyang hindi tama ang ginagawa ng dalawa. Okay lang na mag-usap sa loob ng secret room, ginawa talaga iyon para sa extra service gaya ng lap dance sa customer ngunit hindi allowed na hipuan man lang ang kanilang empleyado lalo na ang halikan ito. “Guys, this room is not for making out. Pwede ninyong pag-usapan na magkita sa labas at doon iyan gawin after work, but not here and not this time,” mataray niyang sabi sa mga ito bago pa isarado ng tuluyan ang pintuanng iyon. Narinig niya mula sa ingay ng suot na stilettos nito ang tila pagtayo ni Krystal. Tuluyan na siyang umalis bago pa man makalabas ang mga ito mula sa may konting kadiliman na kwartong iyon. Sarado na ang club ng hindi sinasadyang magkasabay silang lumabas ni Krystal mula sa establisyementong iyon. “Em!” banggit sa kanyang pangalan ng babae nang makalabas sila mula roon. “What?” sagot niya na halata sa tono ng boses na may tampo dito. “Sinabi mo ba kay Mamu?” tanong nito na tila nag-aalala. “Ang ano?” kunwaring hindi nito alam ang tinutukoy ng kaibigan. “Alam mo na ang tinutukoy ko,” turan nito tungkol sa nakita ng kaibigan kanina sa secret room. Mahigpit si Mamu sa patakaran tungkol doon. “Hindi. Gusto mo sabihin ko?” may pagtaas ng kilay na sabi nito. “Beshie naman. Sorry na. Huwag mo na lang ipaalam sa kanya please,” pakiusap nito na may paglalambing ang tono ng boses. “Krystal, alam mo ang rules ng club. Mabuti nga at iniisip ni ninang ang kapakanan ninyo bilang dancer! Paano kung bastos bastusin lang kayo habang nasa loob kayo ng secret room? At tsaka kelan ka pa nakikipaghalikan kay Gold Salazar huh?” may inis na nitong sabi. Hindi naman nakasagot si Krystal. “So, all these time na sinasabihan mo akong huwag akong mag-alala dahil hindi mo naman nakakalimutan ang masakit na napagdaanan namin sa lalaking iyon eh, kasinungalingan lang pala ang mga iyon?” ismid nito sa kaibigan. “Hindi sa ganon beshie. Ang totoo nadala lang ako sa kanya. I’m sorry. Pero alam mo naman na galit din ako sa lalaking iyon 'di ba.” “Krystal, it's fine with me kung makita kang nakikipaghalikan sa ibang lalaki, huwag lang sa Gold Salazar na iyon. Alam mong marami na iyon nabiktimang babae. Huwag mong hayaang makaranas ka ng kalupitan ng lalaking iyon at sa bandang huli ay masali ka sa mga napaiyak ng Gold Salazar na iyon!” “Besh, I can handle myself, okay. Huwag kang mag-alala. I promise, hindi na mauulit. I will be more careful kapag kasama ko siya,” marahang ikinalang nito ang braso sa braso ng kaibigan. She rolled her eyes. She can handle herself daw, eh sa pagkakakita niya sa mga ito kanina, kulang na lang ay mag-s*x na ang mga ito doon mismo sa loob ng secret room. Paano’y grabe ang pag-indayog ng katawan ng kaibigan sa ibabaw ng lalaking iyon. Hindi na siya umimik pa. Hahaba lang ang kanilang usapan. Wala din siyang gana makipagtalo sa kaibigan. May pakiramdam kasi siya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Binusinahan na sila ng naghihintay na service para makaalis na at maihatid na sila sa kani-kanilang bahay. Mag-aalas tres y medya na ng madaling araw. Pagkauwi ay matutulog lang siya at pagkagising ay aasikasuhin niya na ang resume na balak niyang ipasa sa Lunes. Mag-a-apply siya ng trabaho kung saan. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataon habang pumapayag pa ang kanyang tatay na dagdagan ang kanyang source of income. Hindi sa naliliitan siya sa nakukuhang pera sa pagtatrabaho bilang trainer sa mga serbidora sa club, katunayan sapat na ang isinasahod niya doon kahit twice a week lang ang pasok dito. Nasasayangan lang kasi siya sa iba pang mga araw. Tutal naman every weekend lang ang trabaho niya sa club at sa gabi pa ito, so sa weekdays pwede siya pumasok ng ibang trabaho lalo pa at karamihan ng trabaho ay pang-araw. Miyerkules. Isinuot niya ang pang-business attire niyang itim na pencil cut skirt na ang puting blouse ay inibabawan ng itim na blazer noong umagang iyon. Pagkapatak ng alas siyete y medya ay gumayak na siya para makarating ng maaga sa interview na naka-schedule ilang araw pagkatapos niyang ipasa ang kanyang resume. Doon lang siya nag-apply mag trabaho sa kalapit na lugar malapit sa sentro ng Baguio. Iyon ang dahilan kaya napapayag niya ang kanyang tatay na humanap pa ng ibang trabaho, as long as hindi siya lalayo ay walang problema dito. Company secretary ang inaplayan niya sa isang sikat na kumpanya sa isang building doon, tamang tama sa natapos niya. Sakay na siya ng isang jeep ng madaanan niya ang mismong apartment na tinitirhan ng mga dancers ng club. Kumunot ang noo niya nang may makitang isang magarang sasakyan na paparada pa lang sa tapat nito. Tamang tama huminto ang jeep na kanyang sinasakyan para magsakay pa ng ibang pasahero. Pinahaba niya ang leeg para makita ang taong iniluwa ng magarang sasakyang iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumaba mula doon si Gold at kasunod na lumabas sa sasakyan si Krystal habang nakahawak ito sa kamay ng lalaki na tila inaalalayan ang babae. Tila umusok ang ilong niya sa nakita. Nadala lang daw ang kaibigan noong nakita niya itong nakakandong kay Gold habang nakikipaghalikan dito? Ngayon kaya? Sigurado siya na nadala din ito, nadala na rin ito sa kama ng lalaking iyon! She breathed in and breathed out. Nakakapag-init ng ulo ang kaibigan. Bakit ba niya tinanggap ang paliwanag nito noong nakaraan eh may pakiramdam naman na siya na nagsisinungaling lang ito? Naniningkit ang mga mata sa galit na ibinaling na lang ang paningin sa ibang bagay. She took another deep breath. Hindi niya muna hahayaang guluhin ng mga ito ang kanyang isip. In a few minutes ay interview niya na sa trabahong pinag-apply-an at kailangan niyang mag-focus para makapasa sa job interview. Kapag nakuha na niya ang trabaho tsaka niya kokomprontahin ang kaibigan. Ipapaalala niya lang ulit kung sino si Gold Salazar, baka lang ay nakakalimot ito at nadadala sa mabulaklak na dila ng lalaking iyon. Magmula nang pumasok siya ngayong Biyernes ng gabi sa club ay hindi niya na inalis pa ang paningin sa dalawa. Kay Krystal na tila panay ang pagpapa-cute kay Gold na as usual ay nasa pinakaharapan ng mga VIP table na nandoon. Ang kinasusuklamang lalaking iyon, na halos hubaran ng tingin nito si Krystal habang pinapanood ang babae. Umiinit talaga ang ulo niya sa tuwing nakikita ang lalaking ito. Kung pupwede lang na ipa-banned ang lalaki sa lugar na iyon para hindi na niya makita ay ginawa na niya. Busy ang club noong gabing iyon. Muntik pa ngang magkagulo dahil dalawa pang lalaki ang gusto pang mag-table kay Krystal pero knowing Gold Salazar, sino ba naman ang gustong kalabanin ang taong iyon? Natagpuan niya si Krystal na ka-table ulit si Gold nang matapos na ang performance ng mga ito sa stage. Tamang tama nang mapadaan siya sa tapat ng lamesa ng mga ito ay tinawag siya ng lalaki para umorder ng isa pang bote ng wine na maiinom. Itinaas ng kilay niya ang pag-uutos na iyon ng lalaki. In the first place hindi siya nakapang waitress na uniform. Oo nga at siya ang may hawak ng mga waitress doon at may konting hawig ang uniform niya sa mga ito pero hindi siya waitress dito. Anyway, kahit anong pagtataray niya ay sumunod pa rin siya dito at kinuha ang in-order nitong isa sa pinakamahal na wine na tinda nila sa bar doon. Bumalik siya na may another set of wine glasses. Pagbalik niya upang ilagay ang mga dala dala sa lamesa ng mga ito ay napansin niya ang kanang kamay ng lalaki, nasa ilalim ng lamesa, hindi lang nakahawak sa legs ni Krystal, kung hindi nasa ilalim pa iyon ng mini skirt ng babae. Habang nakangiti ang dalawa sa isa’t isa habang nagkukwentuhan. Naningkit ang kanyang mga mata sa galit sa nakita. Padabog niyang inilagay ang mga hawak sa lamesa at nagsalin ng alak sa kopita kahit hindi na niya trabaho iyon. Ibinigay niya sa lalaki ang baso na may laman na alak at sinadyang bitawan iyon bago pa mahawakan ng lalaki ang baso. Nahulog iyon sa mismong lap ni Gold dahilan para mabasa ang suot nitong mamahalin na pantalon. “Sh*t!” napatayo si Gold nang maramdaman ang malamig na likidong bumasa sa suot suot na pants. “What the hell! I saw you dropped it on my pants!” malakas ang boses na saad nito habang pinapagpag ang basang kasuotan. “Ooops! I’m sorry!” sarkastiko lang na sabi ni Emerald at nagtuloy tuloy na sa paglalakad palayo sa mga ito. Hindi na inisip ang ginawang gulo. Samantalang galit na galit si Gold na panay ang mura na gusto sanang habulin si Emerald pero napigilan ito ni Krystal. Nagkaroon ng komusyon sa loob ng club dahilan ng paglapit ng mga bouncer pati na rin ni Mamu na nag re-ready na sanang umuwi noong oras na iyon. “Em, alam kong galit ka kay Gold pero hindi mo kailangang gawin iyon!” may pagtaas ng boses na saad ni Krystal nang magtipon sila sa loob ng office ni Mamu pagkatapos nitong paauwiin na ang lahat ng empleyado sa club. “What? Iyon lang? What’s the big deal with that? Hindi naman asido ang naitapon ko sa kanya ah!” magkasalubong ang kilay na turan ni Emerald. “Hindi lang iyon tungkol doon. Gumawa ka ng gulo! Kilala mo naman kung sino si Gold Salazar hindi ba. Baka madamay pa ang club dahil sa ginawa mo!” “Oh, really? Yan lang ba ang concern mo? O baka nagwo-worry ka na hindi mo na siya makikita once na hindi na siya pumunta dito?” “Tama na yan Em and Krystal!” pumagitna na si Mamu sa dalawa. “Naturingan kayong mag bestfriend dito kayo pa ang nag-aaway ng ganyan,” saad nito. “Em, may point si Krystal, hindi mo na dapat ginawa iyon,” baling nito sa inaanak. Natahimik lang si Emerald. “Ikaw naman Krystal, marami akong nababalitaan tungkol sa inyong dalawa ni Mr. Gold Salazar, totoo ba ang mga 'yun?” dagling baling din nito sa isa pang dalaga sa harapan. Matalim na tinitigan muna nito si Emerald tsaka nagsalita. “Ano po iyon Mamu?” sagot nito na kunwaring walang kaalam alam sa mga tinutukoy ng baklang may-ari ng club na pinapasukan. “Yung pagsundo sundo sa iyo madalas ni Gold sa apartment at paghatid sa iyo ng umaga na? Totoo ba ang mga iyon?” mariing tanong nito. Hindi agad nakasagot si Krystal. “I know hindi ko na saklaw ang mga bagay na iyon Krystal, pero ikaw as bestfriend ni Em-Em, alam mo ang pinagdaanan ng ate niya kay Gold. Hindi na lang sa ate ni Em, pati na sa ibang dancers natin dito dati na nahumaling kay Gold. Huwag mo na ipagpatuloy iyan habang maaga pa,” mahinahong advice nito sa dalaga. “Mamu alam ko naman po iyon. Pero sa mga araw na nakakasama ko si Gold, hindi naman po ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Alam ko iba siya magalit pero kahit naman po tayo kapag nagagalit nag-iiba rin ang ugali natin,” mariing paliwanag ng dalaga. “See, nahumaling ka na nga talaga sa lalaking iyon,” nagpalabas ng sarkastikong ngiti si Emerald. Parang nagpanting ang mga tenga ni Krystal. “Oo Em, nahuhumaling na ako sa kanya. Actually mahal ko na nga siya eh!” singhal nito sa kaibigan. Matalim na napatitig dito si Emerald. “And ang totoo ay sinabihan niya na ako na anytime kapag umalis na ako sa pagsasayaw, open ang house niya para sa akin,” dugtong pa nito. Sarkastiko ulit itong napatawa. “At naniwala ka naman? Oo, open ang house niya, pero hindi lang sa para iyo, kung hindi para sa inyong lahat na sinasabihan niya ng ganon! Krystal, paganahin mo nga ang utak mo! Nagiging tanga ka na!” singhal niya pabalik dito. “Shut up Em! Oo at niloko niya ang ate mo, pero hindi naman ibig sabihin na ang nangyari sa ate mo ay mangyayari rin sa akin!” galit na hinarap na nito si Emerald. Pumagitna ulit si mamu sa nagkakainitan ng dalawang magkaibigan. First time nitong masaksihan na mag-away ng ganito ang dalawa. “So, what are you trying to say Krystal? Sinabi mo sa kanya na may balak ka ng umalis dito?” si Mamu naman ang sumabat. “Mamu, he promised me that he will take care of me and Lola. Gusto niya na akong tumigil sa pagsasayaw,” nagbaba na ito ng tono ng boses ng harapin ang baklang kumupkop sa mga ito ilang taon na rin. “But Krystal, ngayon na lang ulit lumakas ang business natin. And that's because of you. Alam mo naman kung gaano katagal nating hinintay itong panahong ito,” mahinahong sabi ni Mamu sa dalaga. “Hindi sa pinipigilan kita umalis, pero inaalagaan ko rin naman kayo dito. I know mas malaki ang maibibigay sa inyo ni Gold compare sa ibinibigay ko pero I assure you na hindi ka namin pababayaan dito, isa na tayong pamilya dito, alam mo iyan,” pagsusumamo pa nito. “Alam ko naman po iyon Mamu. Hindi naman po mag-iiba ang pakikitungo ko sa inyo, pamilya pa rin po tayo. Aalis lang po ako sa pagsasayaw at baka pati na rin sa apartment, pero kapag may time ako ay dadalawin ko pa rin kayo dito,” sagot naman ng dalaga. Natahimik ang bakla sandali at waring nag-iisip. “Kung iyan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Hindi ko naman hawak ang puso at isip mo,” may paghihinanakit na sambit pa nito. Lumapit si Krystal kay Mamu at niyakap ito. “Salamat Mamu. Promise ko po ibabalik ko lahat sa iyo ang lahat ng naitulong ninyo sa amin,” anito. “Don’t mention it. Sa mga nakaraang linggo na paggiging star of the night mo, sapat na iyon para matulungan ang club,” niyakap naman nito pabalik ang isa sa mga alaga. Ibinaling ni Krystal ang paningin sa kaibigang si Emerald. Halata dito na umiiwas ito ng tingin. Tangka pa sanang lalapitan nito ang kaibigan para yakapin at makipagbati na nang tumalikod ito at iwan sila sa kuwartong iyon. May pagkamatigas talaga ang puso ni Emerald pagdating sa ibang bagay, lalo na siguro sa sitwasyong gustong pasukin ng kaibigan ngayon. Hindi naman kasi madaling tanggapin na pagkatapos paalalahanan ang kaibigan ng paulit-ulit tungkol sa pagkatao ni Gold Salazar ay ito, pinili parin nitong mapaibig sa lalaki. Alam ni Krystal na galit ang kaibigan, pero kilala niya ito, hindi rin magtatagal ay hindi rin siya nito matitiis. Darating din ang araw na patatawarin din siya nito at matatanggap ang desisyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD