Kaba

2043 Words
Napatakbo si Emerald sa bandang exit ng club nang tila may nagkakagulo doon isang gabi pagkatapos ng ilang set ng pagsasayaw ng mga strip dancers. Pagdating doon ay nandoon na ang mga bouncer at iba pang guard para alamin kung anong kaguluhan ang nangyayari.. “Bakit hindi ninyo sinabi na wala na si Krystal? Nagsayang lang ako ng pera! Nandito ako tuwing weekend dahil lang sa kanya!” galit na pakli ng isang medyo tila nakainom na na customer. May dala itong isang bote ng beer sa isang kamay. Kinausap ito ni Mamu ngunit hindi ito tumatanggap ng kung anong pakiusap. Tuloy ay agad na pinalabas iyon ng pinagsamasamang guard at may malalaking katawan na bouncer ng club. Napa-iling lang si Emerald ng paulit-ulit. Kanina pa may nagrereklamo kung bakit hindi nila makita si Krystal sa entablado. Pangalawang linggo na ito na wala si Krystal at akala ng iba noong isang linggo ay may sakit o may inasikaso lang ito kaya hindi nila nakitang sumayaw ang babae. Ito ang gulong naidulot ng dalaga sa club pagkatapos tuluyang umalis doon ilang araw pagkatapos nilang magkaroon ng bangayan. Sinundo daw ito ni Gold sa apartment ng mga dancers isang gabi at bitbit ang ilang gamit ay hindi na ito bumalik pa doon. “I guess we have to find a new star of the night na kahuhumalingan nila, Ninang!” sambit nito nang magkausap sila ni Mamu sa office nito. Problemado ang baklang may-ari ng strip club kung ano ang gagawin para hindi ulit mangyari ang nangyari dati sa club nila na pagkatapos mawala ni Emily, ang ate ni Emerald, ay nangonti na ang mga customers nila. “How? Eh lahat naman ng dancers natin nakilala na nila. Si Krystal talaga ang gusto nila eh!” pangalumbaba ng baklang ninang. “Mag-hiring ulit tayo, ipost mo rin kung magkano ang pwede nilang makuhang pera if makapasa sila as star of the night natin. Marami pa naman diyan magaganda at sexy na babae, Ninang. Don't worry, babawi ulit ang club,” suhistyon ng dalaga. Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ng bakla. “Kamusta na nga pala ang bago mong trabaho?” pag-iiba nito ng usapan. “Ikaw ha, mag-ayos ayos ka nga, nakita kita noong nakaraan papunta sa work mo, ang ganda ganda mo tingnan. Kung tutuusin ay mas maganda ka pa at mas malakas ang appeal kesa kay Krystal eh. Pagdating dito hindi ka man lang mag-lipstick!” Biglang natawa si Emerald. Ilang araw na siyang pumapasok sa bagong trabaho at inaamin niya mas feel niyang mag-ayos kapag papasok sa opisina kesa sa club. Nakapasa siya sa interview sa pinag-apply-ang kumpanya. At mismong ang pinaka owner ng company ang kumuha sa kanya para maging secretary nito. “Huwag mong sasabihin na iiwan mo rin ako dito?” may pagtatampo nitong pakli sa dalaga. “Ang OA mo Ninang ha!” natatawang sagot nito. “Tayo na lang nga ang magkasangga dito, iiwan pa ba kita? At tsaka pang-umaga naman ang pasok ko, at weekdays naman, so don't worry, okay. I just want to use my degree, sayang naman ang pinang paaral mo-sa akin,” saad nito. “Hindi naman nasayang, napapakinabangan naman kita dito. Kung siguro pagiging dancer ang trabaho mo dito siguro nga sayang, eh hindi naman,” sambit rin nito. “Dagdag sahod rin po ninang. Si Burnok graduating na, alam mo naman kapag graduating ang daming gastusin,” saad nito na ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid na si Emerson. “Basta huwag mo akong iiwan dito. Ikaw lang ang katuwang ko dito,” may paglalambing na sambit nito. Ilang beses lang tumango si Emerald. Hangga’t may club at nakakatulong sa kanya ay hindi niya ito iiwan. Isa pa ay pamilya na rin ang turing niya sa baklang ninang na nag-iisa narin sa buhay. Ilang minuto na lang bago magsimula ulit ang opening presentation ng mga strip dancers kinabukasan ng gabi nang sandaling magkagulo ulit ang mga customers. Akala niya ay may nagwawala ulit na parokyano nila, nang medyo makalapit siya bandang entrance ng club ay nakita niya ang pagdating ni Krystal. Nakakapit ito sa braso ni Gold habang naglalakad papasok sa loob ng club na kinalaunan ay kapwa umupo sa VIP table sa mismong harapan ng stage sa usual table na inuokupa nito palagi. Nakita niya ang paglapit din ni Mamu sa mga ito at magiliw ang mga itong kinausap. Pasimple siyang lumapit at kunwaring may ginagawang kung ano sa kabilang lamesa upang mapakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito. “It’s good to see you here again Krystal,” malaki ang pagkakangiti ni Mamu nang batiin ang mga ito. Bumeso ang dalaga sa bakla, “Gusto pong manood ni Gold sa mga performance ng mga dancers tonight so sinamahan ko na rin po siya dito,” sabi ni Krystal na pagkatapos ay umupo na habang inaayos ang mahabang damit na may slit sa gilid ng binti. Napakunot noo si Emerald. Isn’t it weird? Bakit pa manonood ang lalaking iyon doon kung may girlfriend na ito na dating nagtatrabaho rin doon? Hindi pa ba ito kuntento sa araw araw na panonood sa hubad na katawan ng kasintahan at kailangan makakita pa ng ibang hubad na katawan? At bakit pumayag si Krystal sa kagustuhan nitong manood pa si Gold doon? Nagsimula na ang presentasyon ng mga dancers. Iba ngayon ang mga costumes ng mga ito. Bago at sadyang itinulad sa mga strip dancers sa Las Vegas. Ito ang bagong pakulo ng club, baka sakalaing makahatak pa ng mga manunuod kapag may bago sa mga dancers. Bago rin ang mga steps ng mga sayaw ng mga ito. Mas lalo pang pina-sexy ang mga pag-galaw ng kanilang katawan. As usual ay mula sa gilid at madilim na parte ng club ay nagmamasid lang din si Emerald. Pinapanood niya ang mga serbidora as well as sila Krystal at Gold. Halata sa mukha ng babae ang kagalakan at pagmamalaki na kasama ang lalaking nakaakbay dito sa upuan. Kahit pa marami ang gustong lapitan si Krystal ay wala rin namang magawa ang ibang lalaking umiidolo dito dahil bantay sarado ito ni Gold at mga security sa paligid. Nag-hire pa sila ng ilan pang security guard dahil napapadalas na ang panggugulo ng ibang manunuod lalo na kapag hindi nakikita ang dancers na gusto ng mga itong makita. Ilang sandali pa ay napansin niya na tumayo si Gold at tila nagpaalam kay Krystal. Tumungo ito sa gilid ng club kung saan matatagpuan ang banyo ng establisyementong iyon. Ilang minuto pa lang nang mapag-isa ang kaibigan sa kinauupuan nito nang makita niyang may lumapit dito na isa ring lalaki. May edad na ang lalaking iyon subalit may itsura pa rin at maganda pa rin pumorma. Sinino niya ang lalaking malaki ang pagkakangiti na lumapit sa kaibigan at kalaunan ay namukhaan niya rin naman iyon. Madalas din ang lalaking iyon doon. Isa iyong politiko at kilalang matinik sa mga babae sa kabila ng meron na itong asawa. Umupo ang lalaking iyon sa tabi ni Krystal na bagama’t bahagyang nagulat sa tinuran ng lalaki ay hindi man lang ito sinaway ng dalaga, instead ay magiliw pa itong kinausap ng kaibigan at nakipagkwentuhan dito habang paminsan minsan ay napapahampas ito sa balikat ng lalaki. Medyo bumilis ang t***k ng puso niya nang sa gilid ng mga mata ay mapansin na pabalik na si Gold sa inuupuan nito. Nasaksihan niya ang pagdidilim ng reaksyon ng mukha nito nang madatnang may kausap at may katabing ibang lalaki si Krystal. Mabilis na kinompronta ni Gold ang lalaking iyon nang ilang sandali pa ay nagkagulo na ang mga ito. Sinuntok nito ang politikong lalaking tila walang pakealam nang komprontahin ni Gold. Inawat ni Krystal ang kasintahan ngunit hindi nagpapigil si Gold at isang suntok pa ang pinakawalan nito sa lalaking hindi man lang makalaban dito dahil na-corner-an din ng lamesa. Nagkumpulan ang mga kalalakihang nakiusyoso, na sinundan ng mga guard at bouncer. Nang tuluyan ng maihiwalay si Gold sa may kaedaran nang lalaki ay nagpasya itong lumabas na mula sa club na iyon hila hila sa braso si Krystal na halos madapa na sa pagkaladkad ng lalaki. Nakaramdam si Emerald ng kaba sa nasaksihan. Dati niya nang nakita ang mga ganoong eksena. Noong maging girlfriend din ni Gold ang kanyang ateng si Emily. Kapag may nakakausap lang sandali na lalaki ang ate niya, asahan na agad ang paghuhurumintado nito. Seloso si Gold at once na maging kasintahan nito ang isang babae, walang ibang lalaki ang pwedeng lumapit o kumausap dito. Bigla siyang nag-alala para sa kaibigan. Tinakbo niya ang exit para habulin ang mga ito. “Ano yun? Alam mo namang magkasama tayo nag-eentertain ka pa rin ng ibang tao?” singhal nito sa babae. “Is he the guy you were talking to last time, na grabe ang pakikipaglandian mo sa telepono?” hinawakan nito sa braso si Krystal at bahagyang iniangat. Ang tagpong iyon ang naabutan ni Emerald na pasimple din na napatago sa gilid ng entrance ng club. “No. Hindi naman ako nakikipaglandian sa iba,” tanggi naman ni Krystal na napangiwi sa sakit na naramdaman sa ginawang pagpisil ng lalaki sa braso nito. “Alam mo kung anong tinutukoy ko Krystal!” tila nanggagalaiti nitong sambit. “At alam mo rin na sa lahat ng ayaw ko ay yung nagsisinungaling at niloloko ako!” dugtong pa nito na mula sa pumaradang sasakyan sa harapan ng mga ito ay itinulak nito ang dalaga papasok sa loob ng sasakyan as soon as bumukas ang pinto nito. Napadapa si Krystal sa likurang upuan ng sasakyan. Padabog na sinarado ng lalaki ang pintuan. Ilang sandali pa ay humarurot na ang magarang awto nito ng makapasok na rin sa drivers seat ng kulay itim na sasakyan. Halo-halong kaba at pag-aalala ang nararamdamn niya para sa kaibigan pagkatapos masaksihan ang eksenang iyon nila Krystal at Gold. Dati noong magpasya rin na ibahay ni Gold ang kanyang ate, madalas niyang makitang may maraming pasa ito sa tuwing dadalaw sa kanilang bahay. Katunayan isa siya sa tumutulong sa kapatid sa paglagay ng makeup sa mga pasa nito upang hindi ito mahalata sa entablado habang sumasayaw ito. Ito ang mga panahon na hindi pa niya alam ang totoong nangyayari sa kapatid. Kung nalaman niya lang sana ng maaga naagapan niya sana ang pagpapakamatay ng ate isang taon pa lang ang nakakalipas. At alam niya ay dahil iyon sa arogante at mapanakit na si Gold Salazar. Ngayon, kailangan niyang gumawa ng paraan para sa kaibigan. Alam nito kung paano umibig si Krystal, isa rin ito sa mga martir na babae. Na handang ibigay ang lahat mapaligaya lang ang lalaking minamahal kahit pa hindi na tama. Na siyang kabaligtaran niya naman. Madali siyang ma-disappoint sa lalaki lalo na kapag pinapakitaan siya ng hindi maganda. Sa totoo lang, dahil sa nangyari sa kapatid ay nagkaroon ng bad image ang mga lalaki sa kanya. Marami na siyang naging boyfriend dati lalo na noong nag-aaral pa. Pero she was proud na pinipili niya pa rin ang sasaguting lalaki. HIndi siya kagaya ng iba na puso lang ang pinapairal. And kahit na bata pa dati she never tried na gawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng magkasintahan. Yes, nakikipaghalikan siya, she knows how to tease a guy, nakikipag-flirt din siya. She even let a guy na hawakan ang dibdib niya noong isang beses na mapagsolo sila sa bahay ng lalaki, na actually she regretted after at hindi na iyon naulit. She still believes na mas maganda pa rin ang ikasal na birhen ka. Ito pa rin ang pinaka importanteng maibibigay mo sa lalaking pakakasalanan mo at pipiliing ibigin habang buhay. Of course, hindi naman siya nagsasalita ng tapos, hindi pa naman kasi siya na-inlove ng todo sa isang lalaki. Sabi pa ng mga kaibigan niya dati, once na maramdaman mo ang tunay na pag-ibig hindi mo na mapipigilan ang sarili, ibibigay mo na lang ang lahat. Oh well, kung mangyayari man iyon, sisiguraduhin niya na hindi siya magagaya sa iba na magpapakamartir dahil lang naibigay na nila ang virginity sa isang lalaki. Wala sa bokabularyo niya ang pagiging martir, hindi gaya ng kaibigan. Itaga man sa bato, bahala nang maging old maid, basta hindi siya makakaranas ng pananakit galing sa isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD