Pagkatapos niyang magbihis ng pantalon at simpleng t-shirt ay lumabas na siya sa backdoor ng club para sumakay sa sasakyan ni Mamu. Nagkasundo sila na ito ang maghahatid sa kanya pauwi para makapagkwenuhan na rin ng sandali. “Em, parang may sumusunod sa atin,” sambit ng bakla sa inaanak habang busy si Emerald sa kakakwento tungkol sa nangyaring performance kani-kanina lang. Napansin nitong may nakasunod sa kanila na isang sasakyan magmula pa nang lumabas sila sa parking area ng club. “Po?” sa pagtatanong na iyon ay napatingin siya sa side mirror ng sinasakyang sasakyan ng kanyang Ninang. Lumingon din siya sa likuran para maaninag kung sino ang taong nagmamaneho na nasa loob ng sumusunod na sasakyan. Pinabagal ni Mamu ang pagpapaandar ng sasakyan at bumagal din ang sasakyang nasa likura

