Hindi pa tumataas ang araw ng magising sila sa tunog ng alarm clock sa kanilang telepono. Ngayong umaga ang flight nila papuntang Switzerland, sa isang town doon sa Grindelwald. That is their dream destination, ang makita ang napakalaking bundok ng Alps at maexperience kahit sandali ang simpleng buhay sa napakagandang lugar na iyon na sabi pa ng iba ay isa sa pinakamagadang lugar para idaos ang honeymoon. Pupungas pungas na bumangon si Emerald para patayin ang alarm clock sa cellphone ng lalaki na naka patong lang sa maliit na lamesa sa tabi ng kanilang hinihigaang kama. Gumapang siya sa ibabaw ng lalaking nakadapa habang natutulog pa noong oras na iyon. She was reaching his phone nang pumihit paharap ang lalaki at tamang tamang dumako ang dibdib ni Emerald sa mukha nito. Kasalukuyang

