Chapter 15: Mahal Ka Niya

1877 Words
"I'll go f-first," paalam ko sa dalawa nang makarating kami. Natakot ako sa sinabi ni Tim. Bago pa ako tuluyang makalabas ng sasakyan ay dinig ko ang mahinang tawa nito na ikinainis ko lalo. Papansin din ang taong iyon. "Ma'am, tawag daw kayo ni Sir Tim." Inis akong napatayo sa inuupuan ko. Kauupo ko nga lang tapos ngayon pinapatawag na naman ako ng mokong iyon? Padabog akong naglakad papunta sa pinto pero gulat ako nang makita si Tim na nasa labas. Hindi niya kasama si Lester. Tanging si Tim lang ang nandoon. Hawak niya ang stick niya na gumagabay sa dadaanan niya. "What are you doing here?" inis kong tanong. "Won't you welcome me?" Huh? Saan? Nanlaki ang mata ko nang maintindihan ang sinabi niya. Pumasok siya sa loob na parang wala lang. Mabuti na lang at hindi ako humarang sa daan baka nagkabanggaan pa kami. "Why are you here? Anong gagawin mo?" tanong ko sa kaniya. Medyo naiinis na ako sa kaniya pero parang wala lang siyang narinig at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis kong sinarado ang pinto para puntahan siya. Mawawalan ka talaga ng kinabukasan kapag makulit ka. Paano ba naman kasi, diretso lang siya sa paglalakad. Muntik na siyang masagi ang table ko. Hinila ko siya at pinaupo sa kama ko. Sa sofa sana kaya lang ay mas malapit siya sa kama ko kaya roon ko na lang siya pinaupo. Akmang aalis ako nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Ano ba... Bitawan mo nga ako." "Don't act like you have never been touched by a man before," sabi nito sa akin. Takot akong napalayo pero mahigpit niya pa rin na hinawakan ang kamay ko. Ano? May humawak naman talaga sa akin kaya lang si tito iyon. Pang-aabuso ang nakuha ko sa kaniya kaya sinong hindi matatakot? Lalo na ngayon at may lakas ang pagkahawak niya sa akin. "What do you want to say then?" Hindi na ako nakipaglaban pa para hindi na ako masaktan. Hinayaan ko na lang siyang hawakan ako sa kamay. "Tell me... How many men have touched your hand?" nakakatakot na tanong nito sa akin. Parang may kung ano sa boses niya na hindi ko maintindihan. "H-hindi ko alam. Pwede ba bitawan mo na ako?" "You don't know? You've been touched by many that's why you lost count?" Kita ko ang pag-igting ng panga niya pagkatapos. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito? Bakit kasi hindi na lang niya sabihin nang diretsahan para maintindihan ko? Bakit ganiyan siya magsalita? Malamang may humawak na sa kamay ko kasi tao naman ako at nahahawakan ng kung sino-sino. "Ano ba!" gulat kong sambit. Hinila niya ako dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Hawak niya ang magkabilang kamay ko. Sinubukan kong tumayo pero malakas ang kamay niya. Kinulong niya gamit ang bisig niya. "What? Can't accept the fact that I am your husband? Can't accept that the man you love is already married and has kids?" "Ano bang pinagsasabi mo?" Halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Tinitigan ko ang mukha niya. May suot pa rin siyang shades kaya hindi ko makita ang mga mata niya. Magkalapit lang ang mukha namin at kung pipilitin ko na kumawala ay baka iba ang mangyari. Inayos ko ang pag-upo ko sa kandungan niya dahil mahuhulog na ako. Wait... Kailan pa kami naging ganito ka close? Bakit parang ang komportable ko masyado sa pwesto ko ngayon? Hindi... "Stop wiggling... You won't like it if something knocks at your entrance," babala niya sa akin. Anong knocks at my entrance? Sino naman ang kakatok? Nakabihis na siya ng sweatpants pero ang sa itaas ay ganun pa rin kanina. Kung ano ang isinuot ko sa kaniya kanina ay iyon pa rin ang suot niya. Wait lang... Nanlaki ang mata ko nang maisip na nakaligo at nakabihis na nga pala ako. Iba na ang damit ko. Hindi na ako naka-porma. Pinikit ko ang mga mata ko sa sobrang hiya. Bakit hindi ko naalala na wala nga pala akong suot na bra? Ang plano ko ay hindi na maghahapunan dahil busog naman ako sa kinain namin ni Angela kanina. Matutulog na sana ako kaya ganito ang damit ko. "Why are you so silent? Scared?" Mas lalo kong pinikit ang mata ko nang marinig ang boses niya. Hindi niya ba naramdaman na hindi bagay ang suot ko sa ganitong sitwasyon? Bakit nga ba naisipan kong mag-dress ngayon sa pantulog ko? Kapag gagalaw ako baka masagi ng kamay niya ang dibdib ko. Baka mahubaran ako. Tumingin ako sa hita kong nakabalandra na sa kaniya. Should I be thankful na hindi siya nakakakita? Dapat ba akong magpasalamat na hindi niya makikita ang dapat niyang makita? "Bitawan mo na a-ako..." Nanghihina kong sabi sa kaniya. Sobrang nakakahiya. Sana lang ay walang pumasok. Hindi ko pa naman na-lock ang pinto. Pero... Bakit naman dapat naka-lock? Wala naman kaming gagawing kakaiba rito. "Mom is eager to have a grandchild. What do you think?" Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. Loko! Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Anong apo? Bakit niya sasabihin iyan nang ganito ang posisyon namin? "Anong what do you think?" I heard him chuckle at my response. Nababaliw na ba siya? Bakit may apo na siyang sinasabi? Wala naman iyon sa naging usapan namin ni Ma'am Sasha. Tinanggal niya ang paghawak niya sa kamay ko kaya ginawa ko iyong depensa sa dibdib ko. Halos mawalan naman ako ng hininga nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko. Niyakap niya ako. Isang mahigpit na yakap. Ano ba ang nasa isip ng lalaking ito? Bakit bigla na lang siyang naging ganito? Ano ba ang nakain niya? "You are so skinny... I thought you were ---" "Ano?" tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya at umiling. Nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. Sa sobrang lapit namin ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. "Nothing... What made you decide to marry me? Aside from the wealth. Why did you decide to marry me knowing I am like this? I am b-blind..." Ramdam ko ang sakit sa boses niya nang banggitin ang huli. Tama nga ako. He acts like a cold person dahil sa pagiging bulag niya. Siguro ang lungkot ng buhay niya. Mayaman nga siya, nasa kaniya na ang lahat pero may bigat naman siyang dinadala. "I w-was forced. I don't have any other choice," pagsasabi ko nang katotohanan. I am forced to do this para makawala ako sa pangangalaga ng tito ko. Wala akong ibang choice dahil kung hindi ay baka mamatay ako sa pang-aabuso ni tito sa akin. I chose this kahit na alam kong walang patutungohan ang bagay na ito. Malalaman at malalaman nila ang katotohanan. Sa huli ay mawawala rin ako sa buhay nila. Pero kahit na ganun ay gusto ko pa rin gampanan nang maayos ang trabaho ko. Kahit na alam kong hiram lang ang katauhan kong ito ay handa pa rin akong sumugal para sa kalayaan na gusto ko. "By your father?" tanong niya. Umiling ako at tinulak siya para makawala na ako sa hawak niya. Nawala ang lakas niya kaya mabilis akong tumayo mula sa pagkaupo ko sa kandungan niya. "Let's not talk about it." "Are you scared of me?" "No..." Takot ako sa kaniya pero ako takot na takot. Takot ako kapag galit siya pero naiintindihan ko ang lahat. Lahat naman tayo ay nag-iiba kapag may pinagdadaanan sa buhay. Umayos siya ng upo sa kama ko. Magkaharap kami ngayon. Nakaupo siya samantalang ako ay nakatayo naman sa harap niya. Tumahimik siya saglit. Tinitimbang niya ang sagot ko. "Were you trying to escape earlier?" Huh? Kunot noong tumingin ako sa kaniya. Anong tatakas? Sinong tatakas? Ako? Bakit naman ako tatakas? "Me?" tanong ko sa kaniya. Baka sakaling nagkamali lang ako ng pandinig. He confirmed it by nodding at me. Bakit naman ako aalis? "Bakit? Why did you think of that? Sa tingin mo, bakit naman ako aalis?" "Nothing." Tumayo na siya kaya dinaluhan ko na para hindi na siya mapunta sa kung saan-saan. Madami pa namang matutulis na corner ang room ko. Baka masugatan pa siya. Sinamahan ko siya hanggang sa pinto. Tumigil ito sa paglalakad kaya tumigil din ako. "By the way, I bought the land you requested. My lawyer will send an original copy to your lawyer," sabi nito. Land? Wala sa sariling pinagbuksan ko siya ng pinto. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa makarating siya sa room niya. Lupa? Bumili siya? Hindi naman ako nagpabili ng lupa sa kaniya. Ano naman ang gagawin ko sa lupa? Kabibili niya nga lang ng bahay hindi ba? Ilang minuto akong tulala habang nakatingin sa pinto ng room niya. Bakit? Totoo ba ang sabi-sabi nila? Piniperahan lang ba ni Ma'am Sasha si Tim? Pero bakit naman iyon gagawin ni Ma'am Sasha? Mayaman naman siya. May pera naman ang pamilya niya? Bakit panay siya pabili kay Tim? Walang imik akong bumaba sa baba para kumuha ng tubig. Gamit ang mahaba kong buhok, tinakip ko iyon sa dibdib ko. Mabuti na lang at wala si Lester. Ako lang mag-isa ang nasa baba. Umakyat din agad ako bago pa may lumabas na mga kasambahay. Baka may ginagawa pa sila. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Tim. Ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kaniya kung ganito palagi? Palaging may pinapabili si Ma'am Sasha sa kaniya. Ako ang nandito kaya sa akin lahat ng responsibilidad ng pinanggagawa niya. Tama ba ang naging desisyon ko na pumasok sa ganitong bagay? Hanggang kailan ba ako magpapanggap? "Parang ang lalim ng iniisip mo, ma'am. Nag-away na naman po ba kayo ni Sir Tim? Malalim din kasi ang iniisip niya habang kumakain," sabi sa akin ni Angela. Nakapasok na pala siya. Hindi ko namalayan sa sobrang lalim ng iniisip ko. "Kumain na siya?" tanong ko sa kaniya. Nilagay niya ang pagkain ko sa table kung saan ako nakaupo. "Opo, ma'am. Sabi niya ay huwag na kayong pababain baka pagod daw kayo. Inutusan na lang po niya akong dalhan kayo ng pagkain." "You shouldn't have listened to him. Busog pa naman ako---" "Nako, ma'am. Hindi pwede ang ganiyan. Sabi nga ng doctor ay bawal kang malipasan ng gutom. At saka si Sir Tim na rin ang nagsabi," kinikilig na sabi nito. "Magka-away po ba kayo? O nagka-ayos na po? Parang bigla siyang naging sweet," sabi nito sa akin. "Wala... Ikaw talaga." Kumain na lang ako nang dala niyang pagkain para hindi na siya magtanong pa sa akin. Bakit nga ba biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin? Ano ba ang nakain niya? May sakit ba siya? Noong isang araw lang ay galit na galit siya sa akin tapos ngayon... May iba sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano pero may iba talaga sa kaniya. Bakit nga ba niya naisip na aalis ako kanina? Bakit pumasok iyon sa utak niya? Bakit ko naman siya iiwan? Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Angela. Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad, na para bang ang lalim ng iniisip niya. "Alam ko na, ma'am!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Anong alam niya na? Matamis ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman tinanggal ang tingin ko sa kaniya. Naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin. "Baka mahal ka na niya, ma'am!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD