bc

Borrowed Love

book_age16+
47
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
powerful
boss
bxg
lighthearted
campus
office/work place
substitute
like
intro-logo
Blurb

Sarah, isang pangkanirawang pangalan para sa isang simpleng babae. Lumaki siya sa bubong ng kaniyang tiyuhin na kahit kailan ay hindi nakita ang halaga niya bilang isang tao.

Timothy, biniyayaan siya ng marangyang buhay. Ngunit sa isang iglap, lahat ng kaniyang pagkatao ay nawala kasabay ng kaniyang pagkabulag.

Isang namamalimos ng tunay na pag-ibig at isang itinataboy ang lahat ng pagmamahal na kaniyang natatanggap.

Pagpapanggap. Alagaan ang hiram na pag-ibig kapalit ng salapi. Hindi ito trabaho, pero ito ang ipinasok ni Sarah bilang pagtakas sa buhay na kaniyang pilit lisanin.

Ngunit paano nalang kung ang kaniyang pusong sugatan ay nahaplos ng lalaking kailanman ay hinding-hindi magiging kaniya?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ano hindi ka pa rin aamin? Mana ka talaga sa nanay mo!" galit na singhal sa akin ni tito. Napapikit ako nang lumapat na naman ng isang beses ang sinturon niya sa katawan ko. Ramdam ko na agad ang hapdi bawat dampi nito. May mga sugat pa akong hindi pa rin naghihilom at mas lalo pa itong sumakit ng tamaan ng sinturon. "Wala po talaga akong ginagawang masama, tito. Maniwala ka po," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Anong wala? Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? Hindi ka na nga nagluto ng ulam tapos makikita ko pang nakikipaglandian ka sa mga lalaking iyon?" Impit akong napaiyak nang malasahan ko ang kalawang sa bibig ko. Isang malakas na sampal galing kay tito ang nagpatigil ng mundo ko. Isang nakakabinging tunog ang narinig ko matapos ang sampal na iyon. "Palibhasa kasi mana ka sa mama mo! Kahit kailan talaga hindi ka na natuto!" galit niyang utas bago lumabas ng kwarto ko. Nanghihina ang katawan ko sa ilang ulit niyang pagpalo sa akin gamit ang sinturon. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang sa lahat ng sakit na naramdaman ko. Palagi namang ganito pero parang mas dumoble lang ngayon ang galit ni tito sa akin. Walang araw na hindi lumapat ang kamay niya sa katawan ko. Walang araw na walang sakit ang katawan ko. Palagi na lang may sugat bawat parte nito dahil sa kalupitan ni tito. Wala naman kasi akong masamang ginagawa. Hindi naman totoo ang sinasabi niya. Wala naman kasi siyang pera na iniwan para ipangbili ko nang ulam niya kaya gusto ko sanang mangutang na lang kay Aling Myrna. Nakikipag-usap lang naman sa akin ang kababata kong si Noel. Hindi naman ako nakikipaglandian sa mga lalaki. Alam naman niya rin na kababata ko lang si Noel. Wala naman kaming ginagawang masama. Tiningnan ko ang damit kong halos puno na naman ng dugo. Maraming sugat pa ang hindi pa rin naghihilom. Masakit pa rin kapag nadadampian ito ng kung anong bagay. Nang mag-umaga ay maaga akong nagising dahil alam kong maagang aalis si tito. Kailangan kong magluto para sa umagahan niya. Alas singko pa lang ay gumayak na ako para kumuha ng mga gulat sa maliit na hardin. Nagtanim ako ng mga gulay sa maliit na bakuran ni tito dahil ayaw kong palagi na lang siyang kinukulit para manghingi ng pambili ng pagkain. Kumakain naman ng gulay si tito kapag umaga sadyang kapag gabi lang ay nagagalit siya kapag may gulay sa hapagkainan. Medyo may kirot akong naramdaman bawat kilos ko pero hindi ko na iyon iniinda pa. Dapat ay makaluto na ako bago pa magising si tito kung ayaw kong magalit na naman siya. Pinakuluan ko lang ang mga okra na nakuha ko sa hardin. Medyo tinitipid ko iyon dahil hindi naman kalakihan ang bakuran ni tito at medyo wala rin akong pera para bumili ng mga itatanim. Hindi kasi pumapayag si tito na magtrabaho ako dahil wala raw maiiwan sa bahay. Kaya minsan kapag wala na siya ay rumaraket ako ng labada kay Aling Myrna para kahit papaano ay mabayaran ko ang mga utang ko sa tindahan niya. "Kain na po," pag-aaya ko kay tito nang magising siya. Wala siyang imik na tiningnan ako at ang handa sa mesa. "Ayusin mo 'yang pananamit mo. Hindi kita pinalaki para maging manang," sambit niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata at tumango na lang sa sinabi niya. Palagi naman kasing ganito ang damit ko. Malalaki naman talaga at balot na balot ang katawan ko. Ganito ako manamit kasi ayokong makita ang mga pasa at mga sugat galing sa kaniya. Tinatakpan ko ang lahat ng mga iyon gamit ang mga malalaking damit. Halos takpan ko na ang katawan ko para hindi lang mapansin ng iba. Ang hindi ko lang matakpan ay ang mga pasa sa mukha ko. Kaya minsan kapag may pasa ako sa mukha ay hindi ako lumalabas o hindi ako naglalabada kay Aling Myrna. Hinintay ko na matapos si tito para mahugasan ko ang pinagkainan niya. Hindi ako sumasabay sa kaniya kapag kumakain. Ang ginagawa ko lang ay naghihintay hanggang matapos siya para mahugasan ang pinakainan niya. Kakain lang ako kapag wala na siya. Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin kapag wala na siya. Hindi naman kasi namamalagi si tito sa bahay kasi palagi siyang umaalis. Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya. Hindi rin naman ako nagtatanong sa kaniya. Minsan ay galante siya kapag umuuwi dahil minsan may dala siyang ulam, pero minsan kapag badtrip siya ay nadadamay ako. Sa akin niya binubuhos ang lahat ng galit niya sa trabaho. Nang makaalis si tito ay saka pa ako kumain. May natira pa namang isang nilagang okra, kasya pa iyon sa akin. May toyo pa naman kaya iyon na lang ang uulamin ko kapag hindi nagkasya. Pagkatapos kong kumain ay naglinis na lang ako ng buong bahay. Hindi naman madumi dahil palagi naman akong naglilinis pero wala kasi akong magawa kaya lilinisan ko na lang. Ayaw kong pumunta kay Aling Myrna para maglabada ngayon kasi medyo pansin ang pasa sa mukha ko dahil sa pagsampal ni tito kagabi. Hindi ko naman matatakpan iyon kaya dito na lang muna ako sa bahay. Maglalaba rin ako pagkatapos. Inuna ko muna ang kwarto ko dahil medyo nagkagulo iyon kagabi. Maganda naman ang bahay ni tito. Akala mo ay may kaya sa buhay ang nakatira dahil semento ang bahay at tiles din ang sahig. May dalawang kwarto rito, kwarto ko at kwarto ni tito kaya lang ay bawal akong makapasok sa kwarto niya. Kaya hindi gaanong nakakapagod kapag naglilinis kasi medyo maliit naman ang bahay, hindi naman gaanong malaki. Ang nakakapagod lang ay ang labahin ni tito dahil palagi siyang naka-maong kapag aalis siya. Medyo mabigat dahil kamay ko lang naman ang ginagamit ko sa paglalaba at masakit din dahil sa mga pasa at sugat. Walang ibang kapatid ang ina ko kung hindi si tito lang. Hindi ko rin alam kung sino ang ama ko dahil namulat akong kami lang ng ina ko ang magkasama. Kaya lang ay nung nawala siya ay si tito na ang kumupkop sa akin. Kaya wala akong ibang mapuntahan kahit na gustong-gusto ko nang umalis sa puder niya. Gusto ko nang makawala sa pangmamalupit niya pero hindi ko magawa kasi wala akong mapuntahan. Sinubukan ko namang tumakas noon sa kaniya kaya lang ay nahanap niya pa rin ako at mas lalo lang siyang naging malupit sa akin noon. Mas lalong lumaki ang galit niya sa akin kaya hindi ko na ginawa iyon ulit. Nanatili na lang ako dahil wala akong magawa. Habang naglalaba ay hindi ko maiwasang hindi makarinig sa ingay ng mga kapitbahay. Palagi naman silang maingay kaya lang ay parang mas lalong lumakas ang ingay nila ngayon. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila kasi medyo malayo ang mga ito. Hindi rin naman ako interesado sa mga pinag-uusapan nila. Mas gusto ko pa na matapos ang ginagawa ko para makapagpahinga na ako pagkatapos. Hindi naman masyadong madami ang labahin ko dahil araw-araw naman akong naglalaba. Nang sa wakas ay magsasampay na ako ay nakita kong medyo nalalanta na ang bagong tanim kong mga talong kaya pagkatapos kong magsampay ay diniligan ko naman ang mga halaman ko. "Ang ganda naman ng babaeng iyon! Bakit kaya siya nandito? Parang may hinahanap eh," rinig kong sabi ng kapitbahay namin. Medyo rinig ko na sila dahil malapit lang sila sa bahay. Hindi naman nila ako makikita dahil may yero na ginawang bakod ni tito na nakapalibot sa buong bahay. "Oo nga eh. Parang artista sa sobrang ganda at kinis! Kung anak ko lang iyon paniguradong ibibigay ko lahat sa kaniya." "Hindi talaga ako matutulog, huwag lang siyang madapuan ng lamok." Medyo natawa ako sa mga pinagsasabi nila pero patuloy lang ako sa pagdilig. Hindi ko alam kung ano at sino ang pinag-uusapan nila. Hindi ko naman ugaling makipag-chismisan gaya nila. Kaya pagkatapos kong magdilig ay sinarado ko ang bayay at natulog buong maghapon sa kwarto ko. Sanay na akong hindi kumakain ng tanghalian dahil minsan ay nakakatamad kumilos. Kaya dinadamihan kong kumain sa umaga para kasama na ang tanghalian at ang susunod kong kain ay sa gabi na. Nang magising ako ay basa ang buong katawan ko ng pawis. Wala namang electric fan sa kwarto kaya medyo mainit talaga kapag tanghali at medyo nasasanay naman ako. Ang ginagawa ko lang ay nagbibihis para hindi matuyuan ng pawis. Akala ko ay may araw pa pero gabi na pala. Patay ako nito! Mabilis akong lumabas ng kwarto ko para tingnan kung nakarating na ba si tito pero laking ginhawa ko nang makitang sarado pa rin ang pintuan. Mabilis ang naging kilos ko para magluto. Nakakapagtataka lang ay kung bakit wala pa rin si tito hanggang ngayon. Anong oras na? Nang tingnan ko ang orasan ay mas lalong kumunot ang noo ko. Malapit ng mag-alas otso ng gabi pero wala pa rin siya. Kapag alas singko o alas sais ay nandito naman na siya. Ganoon din ba ako kapagod para ganoon kataas ang tulog ko? Ilang oras din akong natulog. Medyo masakit pa rin ang katawan ko pero okay naman na ako. Sa palagay ko ay tapos naman ng kumain si tito kaya hindi na ako nag-abala pa na magluto ng ulam na para sa kaniya. Kumuha na lang ako ng gulay sa hardin para lutuin. Alam kong ako na lang naman ang kakain. Hanggang sa matapos akong magluto ay hindi pa rin dumating si tito. Kumain na lang ako kasi kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na gutom na ako. Nang tingnan ko ulit ang orasan ay nakita kong malapit ng mag-alas nuwebe. Hindi ba siya uuwi ngayon? Parang nakakapanibago naman? Kahit na pagod na pagod siya ay umuuwi naman 'yun palagi. Nang matapos akong kumain ay hindi muna ako pumasok sa kwarto ko. Naghintay muna ako ng ilang oras para hintayin si tito. Hindi naman ako na bored kasi may libro naman na pwede kong basahin. Kaya lang ay halos mag-uumaga na ay wala pa rin si tito kaya mas lalo akong kinakabahan. Hindi na ako mapakali kung ano na ang nangyari sa kaniya. Pero sa kabila ng iyon ay may parte rin sa akin na medyo masaya dahil parang nabigyan ako ng pag-asa para makaalis sa puder ni tito. "Sarah! May naghahanap sa'yo!" Iyon ang gumising sa akin nang mag-umaga na. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sala kahihintay kay tito. Tumingin ako sa kwarto niya at napansin kong wala pa ring bakas niya ang nandoon. Hindi pa rin siya nakauwi! "Sino raw po?" tanong ko habang binubuksan ang pintuan. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa. Medyo okay rin naman ang suot ko kaya hindi ko na iyon alintana. "Hi! You must be Sarah?" isang magandang babae ang bumungad sa akin ng buksan ko ang munting gate sa bahay ni tito. Naglahad siya ng kamay pero hindi ko pinansin iyon dahil nakatitig lang ako sa kaniya. Kita niya sigurong naguguluhan ako kaya ngumiti siya at nahihiyang kinuha ang kamay niya. "Hi! My name is Sasha. I know you may not know me but I am a friend of your uncle," pagpapakilala niya sa sarili niya. Ano? Si tito may kaibigan na ganito kaganda? Parang ang hirap naman paniwalaan. "Nasaan po siya ngayon?" tanong ko, binalewala ang pagmamagandang loob niya. "Can we talk about it inside?" Tumango na lang ako kasi medyo madami ring nakikinig na mga kapitbahay sa paligid. Nilakihan ko ang bukana ng gate para makapasok siya. Sinarado ko rin agad pagkatapos niyang pumasok. Mukha naman siyang mapagkatiwalaan kaya okay lang. "Your uncle is still working with us and I guess he won't be here anytime soon because of work. He told me about you, that's why I am here," pag-uumpisa niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya pero mas gusto kong makinig lang sa kung ano ang sasabihin niya. "We already talked about it. I asked for his permission to take you with me." Kukunin niya ako? Kukunin niya ako! Ibig sabihin ba ay makakaalis na ako sa puder ni tito? Kukunin niya ako! "I would like to take you with me and pretend to be me." Naguluhan ako sa sinabi niya pero sa kagustuhan kong makaalis sa buhay at bahay ni tito ay mabilis akong tumango sa kaniya. Hindi na ako nag-isip pa at tanging tango lang ang naging tugon ko. Pero... "Paano po ako magiging ikaw?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin. "You'll see," iyon lang ang huli niyang sinabi at ngayon ay nasa sasakyan na ako patungo sa hindi ko alam kung saan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
475.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
522.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
614.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook