Chapter 1: Same Name

1563 Words
"This will be your home for a month. May makakasama ka naman dito. May magtuturo rin sa'yo ng mga dapat at hindi mo dapat na gagawin. Someone will teach you everything to be perfectly fit for the role." Pagkatapos ko rito ay aalis din agad ako? Saan naman ako pupunta? "Aalis din po ako pagkatapos ng isang buwan?" tanong ko sa kaniya kasi medyo naguguluhan ako. Paano kung babalik din ako kay tito? "You are going to your new home. You are going to live with my fiancé or I'd rather say, your fiancé." Fiancé? Magpapanggap ako bilang siya. Ibig sabihin ay may fiancé siya? Ikakasal na siya? Tumingin ako sa kaniya, nagbabasakaling nagbibiro lang siya sa sinabi niya pero seryoso ang mukha niya. Walang bakas ng biro ang makikita mo sa mukha niya pero kalaunan ay tipid naman siyang ngumiti sa akin. “Okay po,” sabi ko na lang. Kung ang kapalit ng lahat ay ang pagkawala ko sa puder ni tito ay gagawin ko. Huwag lang akong bumalik sa kaniya. Kung ito ang solusyon sa lahat ay gagawin ko. Kung kailangan ko man na magpanggap sa katauhan ng iba ay gagawin ko pa rin. "First of all, maybe you should start changing your wardrobe. Your outfit doesn't suit you well," pagpupuna niya sa suot ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Hindi naman talaga bagay sa akin dahil nagmumukha akong manang sa suot ko pero ito lang kasi ang alam kong paraan para matakpan ang mga pasa at sugat sa katawan ko. Marami pa siyang mga paalala na sinabi sa akin bago siya umalis. Akala ko ay titira rin siya rito pero hindi pala. Umalis siya pagkatapos, hindi ko nga naitanong sa kaniya tungkol kay tito. Baka kasi magalit 'yun at hanapin ako kasi hindi ako nagpaalam sa kaniya nang maayos. Kumain muna ako ng tanghalian bago pinatulog sa aking bagong silid. Medyo nailang ako kanina habang kumakain kasi akala ko ay sasabayan ako ng mga kasambahay. Mag-isa lang akong kumain sa hapagkainan habang sila ay busy sa kung ano man ang ginagawa nila. Medyo busog ako dahil napasobra ng kain. Napakasarap kasi ng hinanda nilang ulam na minsan ko lang matikman sa buong buhay ko at hindi rin ako nakakain ng umagahan kanina kasi maagang dumating si Ma'am Sasha. Inabala ko na lang ang sarili ko katitingin sa buong silid. Iyong silid na parang prinsesa ang may-ari. Halos pink lahat ang makikita mo sa silid. Hindi ko alam kung sino ang may-ari ng silid na ito pero ang ganda tingnan. Maayos lahat ng gamit, parang nakakahiya ngang matulog sa kama kasi parang ang dumi ko at ayaw kong madumihan ang napakagandang kama. Sinabi ni Ma'am Sasha sa akin na ito ang silid ko. Lahat daw ng gamit dito ay pwede kong gamitin. May mga damit na rin daw siyang pinabili para sa akin. Ayaw niya kasing dalhin ko pa ang mga gamit ko kaya ang dinala ko na lang ay mga importanteng bagay. Natuwa ako nang makita ang mga make up na nakalagay sa isang vanity mirror. Alam ko ang mga iyan kasi noong bata pa lang ako, noong magkasama pa kami ni mama ay gustong-gusto ko ng magkaroon ng ganiyan. Nakikita ko kasi kay mama noon ang mga ganiyan at tuwang-tuwa ako kapag minsan ay nilalagyan ako ni mama ng make up. Sa sobrang tuwa ko ay lumapit ako roon. Isa-isa kong hinawakan ang mga make up at binasa. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon pero alam kong make up at sa mukha nilalagay. Medyo marami iyon kaya nang matapos kong basahin lahat kahit hindi ko naman alam para saan ay dumiretso ako sa isang pinto. Akala ko ay banyo pero isang hindi kalakihang silid na maraming damit ang nandoon. Hindi naman masyadong malaki pero parang kasinglaki ito ng silid ko sa bahay ni tito. Tiningnan ang mga damit na mga nakasabit. Wala akong alam sa mga damit pero alam kong mamahalin ang lahat ng ito. May isang hindi kalakihang mesa rin sa gitna. Gawa iyon sa babasaging materyales kaya kita ko sa loob kung ano ang mga nandoon. Mga alahas na sobrang nakakatakot dahil sa ganda at alam kong mahal din. Parang gusto ko na lang umalis sa loob ng silid na ito dahil sa sobrang ganda ng mga gamit dito ay alam kong sobrang sakit din sa bulsa ang mga presyo. Nakakatakot dahil alam kong sa akin ang paratang kung sakaling may mawala man sa isa sa mga gamit dito. Sinabi naman ni Ma'am Sasha na akin lahat ng ito at pwede kong gamitin pero nakakatakot pa rin. Hindi ko naman talaga pinaghirapan ang lahat ng ito kaya wala akong karapatang gumamit na lang basta-basta. Okay naman sa akin kahit simple lang basta mawala lang sa harapan ko si tito. Huminga ako nang malalim at tumingin sa mga nakahilerang damit. Naghahanap ng damit na hindi masyadong kita ang balat sa katawan ko. Hindi kami mayaman pero sabi ng mga kapitbahay namin ay may pangmayamang kutis daw ako. Mestisa ako kaya isang kalabit lang sa balat ko ay magkakaroon agad ng marka. Kaya palaging mahahabang damit ang sinusuot ko palagi. Napangiti ako nang makakita ng mga jacket at jogging pants sa medyo tagong parte ng closet. Medyo makapal ang mga napili kong damit kasi malamig din kasi sa buong kwarto. Nakabukas kasi ang aircon kahit nga dito sa closet ay malamig din. Ayaw ko naman na pakialaman at patayin ang aircon, isa pa ay hindi ko rin alam kung paano patayin kasi wala naman kaming ganito. Pagkatapos kong maligo ay natulog na rin ako. Kaya lang sa sobrang lamig ay bawat oras akong gising para umihi. Hindi naman kasi ako sanay sa lamig. Gusto kong patayin kaya lang ay hindi ko alam kung paano. Medyo masakit din ang ulo ko, parang sisipunin pa yata ako nito. Nang malapit ng mag-alas sais ay bumaba na ako. "Kain na po, ma'am," sabi sa akin ng isang kasambahay nang makita niya akong bumaba. "Sarah na lang po," nahihiyang sabi ko. Hindi ko alam kung ate ang itatawag ko sa kaniya pero nakakahiya naman siyang tawaging ate dahil parang mas bata pa siya tingnan kaysa sa akin. "Sana po hindi na kayo nag-abala pa, marunong naman po akong magluto," dagdag ko nang makita ang hinanda nila. Maraming pagkain ang nandoon pero isa lang ang pinggan na nakikita ko kaya malamang ay ako na naman mag-isa ang kakain. Kaya nga maaga akong bumaba para hindi na sila mag-abala pa na magluto, medyo nakakahiya rin kasi. Hindi naman ako ang tunay nilang amo, katulad lang din naman nila ako eh. "Ginagawa lang po namin ang trabaho namin, ma'am. Iyon din kasi ang bilin sa amin ni Ma'am Sasha. Siya nga po pala may pinapabigay siya sa inyo, nakalimutan niya raw kasing ibigay kanina," sabi niya habang may isang paperbag siyang inaabot sa akin. Ano na naman ito? Tahimik ko na lang iyong tinanggap. Wala akong ideya kung ano ang nasa loob. Nilagay ko iyon sa katabi kong upuan. Nakakapagod kasi kung ilalagay ko pa sa tinutuluyan kong silid, medyo mahaba rin kasi ang hagdan dito. "Sabayan niyo na lang po akong kumain. Medyo madami kasi ang pagkain at ako lang naman ang kakain," aya ko sa kaniya. Siya lang kasi ang nakikita kong kasambahay dito. Hindi ko alam kung nasaan ang iba at ayaw ko naman na magtanong baka may ginagawa. "Bawal po sa amin, ma'am. Mauna na lang po kayo. Pinapasabi nga rin po pala ni Ma'am Sasha na maaga kayong magising bukas kasi may darating para magturo sa'yo." Alam ko na agad kung ano ang sinasabi ni Ma'am Sasha kaya tumango na lang ako sa sinabi ng kasambahay. Nakakabinging katahimikan habang kumakain akong mag-isa. Wala akong makitang mga tao pero ayaw lang naman iyon dahil sanay naman akong mag-isa. Nakakatakot nga lang ay sobrang laki ng bahay. Nang matapos akong kumain ay balak ko sanang ako na ang maghugas kaya lang ay kakatayo ko lang may isang kasambahay na agad ang pumasok para kunin ang pinagkainan ko. Bakit ganito sila? Kaya ko naman gawin iyon kaya lang ay bago pa ako makaangal ay biglang may tumunog sa kung saan. Akala ko ay galing iyon sa kasambahay pero galing ang tunog sa binigay ni Ma'am Sasha sa akin. Cellphone ang laman? Binuksan ko ang paperbag at tama nga ang hinala ko. "Sasha" sambit ko nang makita kung sino ang tumatawag. Mahal ang cellphone na ito ah? Sa sobrang mangha ko sa ganda ng cellphone ay hindi ko nasagot ang tawag. Mabuti na lang at tumawag ulit si Ma'am Sasha kaya mabilis ko na iyong sinagot at baka magalit pa iyon sa akin. Wala akong cellphone pero alam ko naman kung paano gamitin iyon. "Hello po?” "Sarah! Thank God sumagot ka rin! Change of plan, he is already here and he said he wants to meet you tomorrow. Some sources of mine said na umuwi siya because his grandmother is in the hospital. Don't worry about anything and just act normal. We've never met kaya huwag ka mag-alala. He doesn't know my face, ang alam niya lang ay ang pangalan ko, Sarah Shantelle Wilson." "Sarah Shantelle Wilson?" pag-uulit ko sa pangalan niya. "Yes. We have the same name, Sarah," huling sabi niya sa akin bago ako tulalang nakikinig na lang sa lahat ng sinabi niya. Sarah Shantelle Wilson...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD