Gaya nang sabi ni Ma'am Sasha ay maaga akong nagising. Hindi para makipagkita agad sa lalaking sinasabi niya kung hindi para mag-ayos sa sarili. May babae ngang dumating at tinuruan lang naman ako kung paano ang tamang pag-upo, paglakad, at kung ano pa.
Marami siyang pinasuot sa akin na heels at ang masasabi ko lang ay muntik na akong mawalan ng hininga bawat hakbang ko. Ilang oras din kaming nasa harap ng salamin. Tinuruan niya akong gamitin lahat ng make up na nandoon. Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi alam ko naman ang mga basic ng make up.
At 'yung ibang nandoon pala ay skincare daw. Marami siyang sinabi sa iba't-ibang nandoon at ang ginawa ko lang ay tango. Pumapasok naman sa utak ko lahat ng sinasabi niya kasi nakikinig naman akong mabuti. Marami pa siyang tinuro sa akin hanggang sa sinabi niyang aalis na raw siya.
"You told me, you love reading books, right?" tumango ako sa tanong niya. Nasabi ko nga iyon sa kaniya kanina. "So, you know how to speak english naman siguro since I have been talking in that language earlier at naiintindihan mo naman," tumango ulit ako sa sinabi niya. "Then you are good to go!" nakangiting sabi niya.
Marunong naman talaga akong magsalita ng english sadyang nahihiya lang ako minsan. Ganoon kasi ako kausapin ng mama ko noong nabubuhay pa siya. English ang gamit naming lenggwahe kahit na mahirap lang kami at syempre dagdag kaalaman na rin ang hilig ko sa pagbabasa.
"Salamat po sa inyo. Marami po akong natutunan!" Pagkatapos ng ilang minuto ay umalis na rin siya kaya naiwan akong mag-isa.
Ni-lock ko ang pinto bago ako pumasok sa loob ng banyo para maligo. Pawis na pawis ako kanina pa dahil sa dami ng ginagawa namin. Nakabukas naman ang aircon pero pinagpawisan pa rin ako lalo na noong pinapasuot niya sa akin ang mga heels.
Hala! Nakalimutan kong itanong kay Ma'am Sasha ang tungkol sa lalaki. Wala akong ideya tungkol sa lalaking iyon. Hindi ko nga alam kung ano ang pagmumukha niya, ang alam ko lang ay ang pangalan niya, Tim. Medyo may pandidiri rin sa mukha ni Ma'am Sasha kapag binabanggit niya ang pangalang Tim.
Pagkatapos kong maligo ay inayusan ko na ang sarili ko. May binigay ang kasambahay kanina na susuotin ko raw para sa dinner. Medyo maraming balat ko ang makikita sa binigay nilang damit pero ayos lang. Gabi naman at alam ko na kung para saan ang concealer, iyon na lang ang gagamitin ko para matakpan ang mga pasa sa katawan ko.
Iyong pasa ko pala sa mukha ay medyo nawawala na rin. Iniisip ko lang kung ano ang reaksyon nila noong makita ang pasa sa mukha ko. Alam kong pansin pa rin naman nila iyon pero wala silang sinabi kahit isa, maging si Ma'am Sasha.
Medyo natagalan akong magtakip ng mga pasa sa katawan ko. Mabuti na lang at kahit kita braso ko ay hindi makikita ang legs ko. Mahaba kasi ang binigay nilang damit pero kita lang masyado ang itaas na bahagi ng katawan ko pero okay na rin iyon kasi mas maraming pasa ang binti ko kaysa sa braso ko.
Nakaharap sa salamin, hindi ko alam kung ako ba itong nakikita ko. Medyo nagmukha akong tao dahil sa nilagay ko sa mukha ko. Ilan lang naman na mga produkto ang nilagay ko sa mukha ko pero parang nagmukha akong tao. Sobrang ganda rin ng damit na binigay nila sa akin. Hindi ako mahilig sa mga nakakasilaw na mga kulay pero hindi ko inakalang bagay sa akin ang pula na damit.
Parang mas lalong tumingkad ang kulay ng balat ko dahil sa suot kong damit. Hindi ko mawari ang sayang naramdaman ko. Totoo ba lahat ng ito o panaginip lang? Baka mamaya ay magising na lang akong nasa bahay na naman ako ni tito.
"Ma'am, nandito na raw po ang sundo niyo."
Sundo? Mabuti na lang at tapos na ako. Hindi ko alam na susunduin pala ako. Kinuha ko ang maliit na bag na nasa kama. Iyon lang kasi ang feeling ko kasya ang cellphone na bigay ni Ma'am Sasha. Iyong ibang nandoon sa closet ay parang wala ka ng mailagay na mga gamit.
"Palabas na po," sabi ko sa kasambahay.
Nang lumabas ako ay kita ko ang lapad ng ngiti ng kasambahay na nakausap ko kagabi. Hindi ko kasi siya nakita kaninang umaga, siguro ay ngayon ang oras ng trabaho niya kaya wala siya kanina. "Ang ganda niyo po, ma'am," nakangiting puri niya.
Hindi ako sanay na sinasabihan ng gan'un kaya nahihiya akong ngumiti pabalik sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Medyo nakakahiya kasi kaya lang naman ako nagmukhang tao dahil sa mamahaling damit na suot ko.
"Salamat."
Hindi pa ako sanay sa mga heels na sinuot ko kanina kaya pumili ako nang hindi masyadong mataas. Sakto lang iyong komportable sa paa ko. Parang nakakahiya kasi kapag pinilit ko iyong mga matataas kasi para akong tanga kapag naglalakad.
"Nasa baba na po si Sir Tim, ma'am."
Ano? Nandito siya?
Parang nanghihina ang buong katawan ko nang marinig ang pangalan niya. Bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayong alam kong nandito na siya? "Okay lang po kayo?" nag-aalalang tanong ng kasambahay sa akin.
Anong okay? Sinong magiging okay kapag nalaman mong nandito na ang 'fiance' mo na hindi mo naman kilala. "O-okay lang. Saan siya?" tanong ko na lang sa kaniya.
"Nasa labas po, ma'am. Nasa kotse niya, hindi na siya pumasok at baka matagal pa raw po kayo."
Huminga ako nang malalim bago humakbang pababa nang hagdan. Ilang minuto na lang ay makikita ko na ang lalaking magiging asawa ni Ma'am Sasha. "Hawak na lang po kayo sa akin, ma'am. Medyo mahaba kasi ang damit niyo baka maapakan niyo pa."
Tumango ako at humawak sa kamay niya. "Kalma lang po, ma'am," sabi nito sa akin. Siguro ay ramdam niya ang lamig sa kamay ko dahil sa kaba. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang matipunong lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Akala ko ba hindi na siya bumaba ng sasakyan niya?
Hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan o kung paano ko siya babatiin. "Hello. Sorry to keep you waiting," nahihiya kong sabi nang makalapit kami sa kaniya.
"It's okay, ma'am. Sir Tim is waiting po sa labas," biglang ng lalaki na halos ikalugmok ng mundo. Hindi pa pala ito si Tim? Nakakahiya! Mabuti na lang at iyon lang ang sinabi ko kung hindi baka hindi ko na alam kung ano ang ihaharap ko sa Tim na iyon.
Sabay kaming lumabas ng bahay at totoo nga ang sinabi ng kasambahay na nasa loob si Tim. Alam ko na agad na siya iyon dahil unang kita ko pa lang ay nanginginig na ang tuhod ko. Pinapasok ako ng lalaking napagkamalan kong si Tim kanina. Nang isarado niya iyon ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba ko.
Akala ko ay makikita ko ang mga tao na nasa harapan pero wala. May nakaharang na parang isang pader. Anong gagawin ko? Hindi naman ako sanay makipag-usap sa lalaki. Mabuti nga kanina at bumati pa ako tapos hindi pala siya iyon.
"How are you?" biglang sambit niya matapos ang nakakabinging katahimikan.
"I'm fine," tugon ko. Ramdam sa boses ko ang nginig dahil sa kaba. Hindi ko naman talaga maiiwasan eh dahil parang kami lang dalawa tapos ngayon ko pa lang siya nakita at ang malas pa roon ay magiging asawa ito ni Ma'am Sasha, na magiging asawa ko?
Hindi ko na alam!
"Do you see any envelope in front of you?" tanong niya. Mabilis agad akong tumingin sa harap ko at may envelope nga! Nilahad ko sa harapan niya iyon pero parang hindi niya nakita. Bakit naman kasi kailangan niya pa na magsuot ng shades wala naman ng araw.
"Read it and sign it after."
Sinunod ko naman ang sinabi niya at tahimik iyong binasa. Gaya ng kung ano ang sinabi ni Ma'am Sasha ay ganoon ang nasa papel. Sa papel nga lang sila ikakasal. Ganito talaga siguro kapag mayaman. Magpapakasal na lang dahil sa katayuan sa buhay.
Pagkatapos kong pirmahan iyon ay binigay ko na ulit sa kaniya. "Nakakangalay," mahinang sabi ko kasi hindi niya kinuha. Hindi naman talaga nakakangalay pero parang ang sungit lang nitong lalaking ito. Ayaw man lang hawakan ang envelope.
"I am blind. If that's not obvious. You can put it back from where you got it," masungit na sabi niya na ikinagulat ko. Bulag siya? Kaya ba ayaw ni Ma'am Sasha sa kaniya.
Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay tinitigin ko agad ang mukha niya na hindi ko nagawa kanina dahil nahihiya ako. Ang gwapo ng lalaking ito pero bakit ayaw ni Ma'am Sasha? Siguro dahil ayaw niya sa bulag? Gwapo naman si Tim. Iyong pang-modelo ang mukha.
"Sorry."
"I thought you already know?" masungit niya pa rin na tanong. Si Ma'am Sasha siguro alam niya pero ako hindi. "But anyway, I am here to tell you that we are going to get married next week. As you knew, my grandmother is dying and she wants me to get married before anything happens."
What?! Bakit parang hindi ko alam ito? Bakit walang sinabi si Ma'am Sasha tungkol dito? Kaya ba parang madalian iyon pagtuturo sa akin kanina?
"Bakit parang ang bilis?" naguguluhan kong tanong.
"Don't worry, you will get the wedding dream that you want. We will have a beach wedding just like what you wanted." Ano?! May sinabi ba akong gan'un? "I also bought the house that you wanted. Anything else?"
"W-wala.'
"Then, that's it. Hell welcomes you, Miss Shantelle."