Chapter 3: The Wedding

1661 Words
Masyadong mabilis ang pangyayari at heto na ako ngayon naglalakad papunta sa lalaking hindi ko gaanong kilala. Kasama ang mga tao sa paligid na ni isa ay hindi pamilyar sa mga mata ko. Mag-isa akong haharap sa bagong hamon ng buhay. “You looked pretty, iha,” puri sa akin ng isang ginang na sobrang ganda. Parang nakakahiya dahil halos ang gaganda at mukha silang mamahalin sa mga galaw at maging sa suot nila. Isang linggo akong tinuruan kung paano kumilos na may delikadisa. Kung paano makitungo sa mga tao at kung ano-ano pa. Mabuti na lang din at mabilis ko lang nakuha ang mga tinuturo sa akin. Isang linggo kong hinanda ang sarili ko para sa araw na ito pero hindi ko pa rin maiwasan kabahan. “Thank you po, ma’am,” magalang ko sabi sa kaniya. “Ano ka ba, iha. You can call me mommy already. Ikakasal na kayo ng anak ko. You better call me that kung hindi ay magtatampo ako sa ‘yo. Sabi ni Tim, hindi ka pumayag na makipagkita sa akin last week kasi busy ka, nakakatampo but I do understand it naman. Maybe we should schedule a date na tayo lang dalawa after your honeymoon with him. What do you think?” “Po? O-okay lang naman po,” nauutal kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang makikipagkita sana siya pero hindi raw ako pumayag kasi busy ako. Wala akong alam sa sinasabi niya. Baka si Ma’am Sasha ang sinabihan nila. “Your father isn’t here. It’s your special day. Sana naman naglaan muna siya ng oras para rito.” Wala rito ang ama ni Ma’am Sasha? Kaya pala parang may kulang kasi wala ang ama niya. Sa pagkakaalam ko kasi ay ama niya lang ang kasama niya sa buhay pero palagi itong busy. Wala akong alam sa ibang pamilya ni Ma’am Sasha kasi iyon lang ang tanging sinabi sa akin. Hindi na rin kasi ako nagtanong pa kasi nakakahiya. “Sige aalis muna ako because your husband is coming,” paalam sa akin ng ginang na ina ni Sir Tim. Tapos na ang kasal at nasa reception na kami. Maraming kinausap si Sir Tim na mga taong dumalo kaya naiwan akong kasama ang ina niya. Hindi rin kasi ako sumama kasi medyo masakit na ang paa ko sa suot kong heels. Hindi ko rin naman kasi kilala ang mga tao rito. Hawak-hawak siya ng isang lalaki na kanina niya pa kasama. Siya iyong lalaki na kasama niya rin noong pumunta siya sa bahay ni Ma’am Sasha para sunduin ako. Noong gabing iyon pala ay wala kaming ginawa kung hindi nag-usap lang tungkol sa kontrata ng kasal. Mabuti na lang at medyo sinabihan ako ni Ma’am Sasha tungkol sa kasal nila kaya medyo may alam ako. Alam ko kung ano ang dapat kong sabihin kasi alam ko ang usapan. "Let's go," biglang sabi ni Sir Tim nang makarating ito sa pwesto ko. Kita ko ang pagtango sa akin ng lalaki na nasa likod niya. Saan naman kami pupunta? Aalis agad kami kahit madami pa ang mga tao rito? Kahit na gusto kong magtanong ay wala akong nagawa at tumayo na lang para sundan sila kasi paalis na agad ang mga ito kahit hindi pa ako sumasang-ayon. Nakasunod lang ako sa likod nila. Kita kong kumaway ang ginang na kausap ko kanina. Ngumiti siya nang kay tamis sa akin at kumaway bago siya mawala sa paningin ko. Nang tuluyan na kaming makalabas ay may isang sasakyan na nakaparada sa harapan namin. Naunang pumasok si Sir Tim sa tulong ng lalaking kasama niya. Nang tuluyan na itong makapasok ay saka pa ako pumasok sa loob. Magkatabi kami ni Sir Tim habang ang lalaki ay nasa unahan katabi ang driver. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan nang makapasok kaming lahat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at takot din akong magtanong kay Sir Tim dahil parang galit siya palagi kahit na hindi ko nakikita ang mga mata niya. May suot siyang shades kahit na gabi na. Naiintidihan ko naman at wala naman akong balak makialam tungkol diyan. Tinanggal ko na lang ang heels na suot ko. Masakit na talaga ang paa ko. Palagay ko ay may paltos na ito. "I heard you already moved your things sa bahay sa na pinapabili mo. You are really eager to have that house by yourself," basag ni Sir Tim sa sobrang nakabibinging katahimikan. Ano raw? Tama ba ako nang narinig? Nilingon ko siya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Noong unang kita namin ay sinabi niya ang tungkol sa dream wedding ko raw at sa bahay na pinabili ko sa kaniya. Alam kong hindi naman ako iyong tinutukoy niya dahil si Ma'am Sasha iyon pero parang may hiya akong naramdaman kapag sinasabi niya iyon. Na parang pera lang ang habol ko sa kaniya. Na ginagamit ko lang siya. “Aren’t you happy? Won’t you say thank you to me? I just did you a favor,” dagdag niya pa. Kita ko ang pag-igting ng panga niya matapos sabihin iyon na animo’y galit na galit. “T-thank you,” nauutal kong sabi. Hindi ko alam kasi hindi naman sa akin sinabi ni Ma’am Sasha ang tungkol sa bagay na iyan. Wala naman siyang nabanggit tungkol sa bagay na iyan noong huling tumawag siya sa akin. Ang tanging sinabi niya lang ay ako na raw ang bahala basta maikasal lang kaming dalawa ni Sir Tim. “Pathetic woman,” dinig kong sabi ni Sir Tim at muling nanahimik. May pangungutya sa boses niya nang sabihin niya iyon. Walang imik ang dalawang nasa unahan namin. Ganun din ako. Natatakot akong baka magalit siya lalo kapag nagsalita ako. Walang umimik hanggang sa makarating kami sa isang bahay na sobrang laki. Sa sobrang laki ay halos ayaw ko nang pumasok sa loob. "Someone will lead you to your room later," sabi ni Sir Tim nang makapasok kami sa loob ng bahay. Kung maganda ang labas ay mas lalong maganda ang loob. Ang mga matitingkad na ilaw at ang chandelier sa taas ay ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. Maraming kasambahay ang sumalubong sa amin at lahat sila ay nakasuot ng uniporme. Sabay-sabay itong nagsiyuko nang makita kami. Walang sabing umalis ang dalawa para umakyat na sa taas. Ako naman ay naiwan kasama ang mga kasambahay na masayang nakangiti sa akin. "Good evening, Ma'am Shantelle," sabay-sabay nilang bati sa akin. "Good evening," bati ko naman sa kanila. Kung ako lang ay gusto ko silang pagsabihan na Sarah na lang ang itawag sa ako pero sabi sa akin ay dapat masanay na akong tinatawag gamit ang mga pangalan na hindi ko nakasanayan kasi iyon na ang maririnig ko palagi. "Gusto niyo na po ba na makita ang room niyo, ma'am?" nakangiting tanong sa akin ng isang magandang babae na parang kasing-edad ko lang. "Yes, please." Tumango ito sa akin. Nakita kong pinasadahan niya nang tingin ang mga paa ko. Saka ko lang napag-isip na tinanggal ko nga pala ang heels na suot ko kanina dahil sa sobrang pula na ng paa ko. Kaya pala komportable akong naglalakad papasok nang bahay dahil wala akong suot na sapin sa paa. Malinis naman din ang loob. Medyo malamig nga lang dahil sa aircon. Katulad ng bahay ni Ma'am Sasha na kahit sala ay may aircon. Ganito talaga siguro kapag mga mayayaman. Hindi na nila alintana ang mga bayarin basta komportable sila. "Sunod na lang po kayo sa 'kin." Sumunod naman ako sa kaniya. Akala ko sa pangalawang palapag lang kami ng bahay pero umakyat pa kami hanggang sa ikatlong palapag. Nakapagtataka. Marami namang mga pinto sa pangalawang palapag pero bakit dito kami? Tumigil kami nang tumapat sa isang pinto na hindi kalayuan sa may hagdan. "Ito po ang room niyo, ma'am. Nandiyan na rin ang mga gamit niyo na pinabili ni Sir Tim." Binuksan niya ang pinto at hindi ko mapigilan ang pagkamangha ko sa nakita ko sa loob. Kung maganda ang room na binigay sa akin ni Ma'am Sasha sa bahay niya ay mas lalong maganda ito. "Iyong walk-in closet niyo po ay ayos na rin, according sa gusto niyong design." Walk-in closet? May sariling walk-in closet ang kwartong ito? Pumasok kaming dalawa sa loob ng kwarto. Nang makita kong may tsinelas ay nilapitan ko iyon para sana isuot pero pinigilan ako ng kasambahay na kasama ko. "Wait lang po, ma'am. Kukuha lang po ako ng wipes at alcohol," sabi nito sa akin. Okay? Akala ko ay lalabas pa siya pero pumunta ito sa harap ng isang salamin na sobrang ganda at ang daming mga make-up na nandoon. Hindi ko iyon napansin kanina ah. "Thank you," sambit ko nang ibigay niya sa akin ang panglinis ko sa paa. Pagkatapos kong linisan ay sinuot ko na iyon. "If you want to add something ay sabihin niyo lang po sa amin. Alis na po ako." Nang makaalis siya ay nilibot ko muna ang buong silid ko. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko. Sobrang laki rin ng kwarto ko na halos dalawang buong bahay na ito sa sobrang laki. Naligo muna ako bago humiga sa napakalambot na kama. Ginamitan ko na rin ng blower ang buhok ko para mabilis matuyo at makatulog na agad. Kinuha ko rin ang cream na binigay sa akin para mabilis mawala ang mga pasa sa katawan ko. Medyo okay naman na ang balat ko. Wala ng bakas ng mga masasamang kahapon. Ano na kaya ang nangyari kay tito ngayon? Halos matanggal ang kaluluwa ko nang may biglang nagsalita. "We're going somewhere tomorrow." Nagsalita si Sir Tim gamit ang intercom na nasa table ko na tabi lang ng kama. Pinindot ko naman iyon para sagutin ang sinabi niya. “Okay,” tipid kong sabi. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi palasalita si Ma’am Sasha. Hindi naman problema sa akin iyon kasi ilang taon din naman na sarili ko lang ang kausap ko minsan. “Shut up, woman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD