Chapter 4: Honeymoon

1703 Words
Maaga akong nagising para sana ipagluto si Sir Tim pero ang sabi ng mga kasambahay ay hindi siya kumakain kapag umaga. Coffee lang daw ang iniinom niya s aumaga kaya iyon ang hinanda ko. Hindi rin naman ako pinigilan ng mga kasambahay nang gumawa ako ng kape. Marunong naman akong magtimpla kasi nasanay na akong ginagawa iyon kay tito pero ngayon ay kailangan ko pa na masanay sa mga bagong kagamitan at sa mga ilalagay sa kape. “Good morning!” masayang bati ko sa kaniya nang nakita kong kapapasok niya lang sa may kitchen area. Mukhang kagigising niya lang base sa hitsura niya pero tapos na siyang maligo dahil basa na ang buhok niya. Ang tanging suot niya lang ay isang bathrobe na nakatakip sa katawan niya. Sa palagay ko ay sanay na ang mga kasambahay dahil nang makita nila si Sir Tim ay parang wala lang sa kanila. Hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin sa kaniya o hindi pero hindi naman niya ako nakikita kaya okay lang. Pagkatapos kong ibigay ang alcohol sa kaniya ay pinaupo ko na siya sa may kama. “Do you want to take a dip?” mahinang tanong ko. Hapon naman na at hindi na gaanong masakit ang init. Pwede na kaming lumabas para maligo kung gusto niya. Nakakailang naman kung nandito lang kami palagi sa loob. “No,” matigas niyang sabi. Okay. Mabilis naman akong kausap. Matutulog na lang muna ako kung ganun. Sa sofa ako matutulog dahil ayaw kong tumabi sa kaniya at alam ko rin na ayaw niyang tumabi sa akin. Hindi naman namin gusto ang isa’t isa. Pareho lang naman kaming napipilitan dito. “Can I take a nap? Medyo napagod ako sa byahe,” paalam ko sa kaniya. Hindi ako sanay na bumabyahe kaya medyo nahihilo ako. Tulog lang ang katapat nito at okay na ulit ako. Hindi siya sumagot. Tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko. “Uhm… Do you want me to change your clothes first?” tanong ko. Baka mamaya ay gusto na niyang magbihis pero nahihiya lang siyang magsabi sa akin. “I can manage it.” Bakit ba ayaw niya? Kanina pa siya tanggi nang tanggi. Okay lang naman sa akin na pagsilbihan ko siya. “I won’t take a look, I promise,” biglang sabi ko na ikinagulat ko. Mas lalong tumaas ang kilay niya sa narinig galing sa akin. Kung gulat siya ay mas gulat ako sa sinabi ko. Nakakahiya. Pero baka kasi isipin niya na pagsasamantalahan ko siya. Itinikom ko ang bibig ko baka kung ano na naman ang kagagahang lalabas dito. “I thought you are going to take a nap?” masungit nitong tanong. Oo nga pala. Pasalamat ko na rin at hindi niya ako nakikita kasi nakakahiya. Pasalamat ko na rin kasi hindi niya ako nakikitang nakatitig lang sa kaniya palagi. Baka kung ano ang isipin niya. Tahimik akong umalis sa tabi niya hindi para matulog kung hindi para kumuha ng damit na susuotin niya baka sakaling maisipan niyang magbihis ng damit kapag tulog ako. Binuksan ko ang maleta niya at kumuha ng damit na pwede niyang suotin. Isang board short lang iyon at isang putting damit pang-itaas. Nang matapos ay nilagay ko iyon sa tabi niya. Alam kong nararamdaman niya pa rin ang presensya ko dahil nakataas pa rin ang kilay niya. Hindi na ako nagsalita at umalis na sa tabi niya para matulog. Malayo ang sofa sa kama pero kita ko pa rin naman siya. Naka-sarado rin ang mga pinto baka sakaling bigla na lang siyang umalis. Maririnig ko naman kung bubukas iyon. Ilang minute akong nakatitig lang sa kaniya. Nakataas pa rin ang kilay niya pero napangiti ako nang makitang hinanap niya ang damit na nilagay ko sa tabi niya gamit ang kaniyang kamay. Bibigay ka rin pala. Pinatagal mo pa, hindi naman kita tutuksuhin. Nahiya ka pa. Gaya ng mga kasambahay ay nagpanggap akong wala lang sa akin ang nakita ko. “Coffee,” sabi ko sa kaniya sabay bigay ng kape na katatapos ko lang gawin. Mabuti na lang at nandito na siya. Hindi na ako mag-aabalang i-akyat pa ito sa itaas. “No thanks,” masungit na sabi nito. Tiningnan ko si Lester, iyong lalaking palaging kasama niya. “Coffee?” alok ko sa kaniya pero umiling din ito. Bakit? Wala naman akong nilagay na lason sa kape. “He will be eating breakfast kasi aalis kayo,” biglang sabi ni Lester nang mapansin niya na hindi ako gumalaw sa pagkakatayo ko. Hawak ko pa rin ang kape na ibibigay ko dapat sa kanila. Aalis kami? Hindi ba siya kasama? Paano si Sir Tim? Kaya ko naman siyang alagaan kaya lang ay baka ayaw niyang magpa-alaga kasi galit siya sa akin. Kagabi nga lang ay ang sungit niya sa akin. Halos hindi niya nga ako pansinin. “Hindi ka sasama?” mahinang tanong ko nang lumapit siya sa tabi ko. Gulat ako nang kuhanin niya sa kamay ko ang kape na ginawa ko. Tumango lang ito at bumalik sa tabi ni Sir Tim para ilagay ang kape sa tabi nito. Kumuha siya nang pagkain para kay Sir Tim. Hindi ko maiwasang tumingin lang sa kanila para alam ko ang gagawin ko kung sakaling kami lang ni Sir Tim ang magkasama. Kahit naman sa papel lang ang kasal namin ay kailangan ko pa rin na umastang asawa niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kasal namin o kasal nila ni Ma’am Sasha. Nakakalito pero dahil ako ang pinagpanggap ni Ma’am Sasha ay kailangan kong akuin ang katutuhanan na ako ang ikinasal kay Sir Tim. “Won’t you eat with us?” tanong ni Lester. Kita ko rin ang panandaliang pagtigil ni Sir Tim sa pagsubo pero agad din naman na pinagpatuloy. Umupo ako sa tapat na upuan. Kakain naman ako kaya lang ay nawala sa isip ko iyon dahil gusto kong pagmasdan ang mga ginagawa ni Lester kay Sir Tim. Siguro ay matagal na silang magkasama dahil komportable silang dalawa sa isa’t isa. Parang wala lang din kay Lester kahit na magalit si Sir Tim. Hindi naman nagagalit si Sir Tim kay Lester, sa akin lang naman. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko ang dalawa, lalo na si Sir Tim. Akala ko kasi ay iinom siya sa kape na ginawa ko pero hindi. Hindi niya pa rin ginalaw iyon. Parang wala siyang balak na galawin iyon. Sana pala ako na lang ang nagluto ng umagahan. Sabi kasi ng mga kasambahay ay hindi kumakain si Sir Tim kapag umaga kaya hinayaan ko na lang sila na magluto. Gusto ko sana na ako na ang maghugas ng pinagkainan namin pero hindi ko na ginawa. I should live and act like a queen. Iyan ang paalala sa akin. Kahit na sanay ako na may ginagawa ay hayaan ko na lang ang mga taong nakapalibot sa akin na gawin ang mga bagay na iyon kasi trabaho naman nila iyon. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako. Ganoon din naman ang dalawa para magbihis. Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo dahil ayaw kong masabihan na mabagal. Mga bago lahat ng mga damit ko rito. Iilan lang ang dinala kong gamit galing doon sa mga bigay ni Ma’am Sasha. Nakakahiya kasing kumuha nang madami baka sabihin na opportunista akong tao. Mabuti na lang din at marami ang mga damit dito. Tama nga ang sinabi ni Lester na hindi siya sasama kaya kaming dalawa lang ni Sir Tim ang nasa loob ng sasakyan, maliban sa driver. Papunta raw kaming airport, iyon ang sabi sa akin ni Lester bago kami umalis ng bahay. Akala ko ay lalabas kami ng bansa pero hindi. Nasa isang beach resort kami ngayon na walang masyadong tao. Hindi ako pamilyar sa mga lugar sa Pilipinas kasi hindi pa naman ako nakapagbakasyon sa mga lugar dito. “Wait,” sabi ko kay Sir Tim nang bigla na lang itong naglakad paalis sa tabi ko. Kanina pa kami magkasama at kanina pa rin siya walang ginawa kung hindi ang iwan ako at kumilos mag-isa na parang alam niya ang bawat lugar kahit hindi niya nakikita. Mabuti na lang at hindi ko palaging iniiwan ang tingin ko sa kaniya. “Comfort room,” tipid nitong sabi nang makalapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang pulsuhan niya para hilahin siya. Nasa loob na kami ngayon ng room namin. Kaming dalawa lang ang nandito. Awkward noong una pero nawala rin naman. May mga tumulong naman sa amin para dalhin lahat ng gamit namin sa loob. Wala akong dala maliban kay Sir Tim. Hawak-hawak ko lang siya buong byahe namin kasi baka biglang mawala at baka mapano pa. “Fvck them for having this fvcking honeymoon,” galit na sambit nito. Iyon ang paulit-ulit kong naririnig sa kaniya magmula nang makarating kami. Sa palagay ko ay hindi niya kagustuhan ang ganitong bakasyon. Sino ba naman ang may gusto kung ako ang kasama. Galit nga siya sa akin. Kaya malamang ay labag sa loob niya ang bakasyon na ito. Nang nasa tapat na kami ng cr ay saka ko lang napagtanto na parang may mali. Papasok ba ako para tingnan siya o hayaan na lang siya sa loob? Pero paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Hindi ako handa sa mga ganitong bagay! “Don’t come with me,” masungit na sabi nito bago pa ako makapagdesisyon. Napahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman kung ganun. Akala ko ay sasamahan ko pa siya sa loob. Sinarado ko na ang pinto nang tuluyan na siyang makapasok. Ano ba ang gagawin niya sa loob? Kung iihi siya ay okay lang naman sa akin na samahan ko siya. Baka kasi hindi niya alam kung saan siya iihi. Hindi pa naman siya pamilyar sa loob. Ilang minuto rin akong naghintay sa labas hanggang sa matapos siya. “Alcohol,” sabi niya nang hawakan ko sana siya sa palapulsuhan niya. Inikot ko pa ang paningin ko sa loob ng room kung may alcohol ba. Hanggang sa dumako ang mata ko sa may table na medyo may kalayuan sa kung saan kami nakatayo. “Wait lang,” sabi ko at mabilis na tumakbo para kunin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD