Chapter 5: Drowned

1775 Words
Nagising akong walang Sir Tim sa kama. Agad akong napabalikwas nang bangon dahil sa sobrang pag-aalala. Umalis ba siya? Bakit hindi ko man lang narinig ang pag-alis niya? Tiningnan ko sa cr pero wala siya. Halos matalisud pa ako nang tumakbo ako papunta sa pinto, palabas ng kwarto namin. "Jusko naman!" sambit ko nang makitang nakaupo ito sa isang mesa. Makalat ang mesa. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya pero sa palagay ko ay gusto niyang kumain. Umorder ba siya nang hindi nagsabi sa akin? May pagkain sa mesa na alam kong galing sa isang catering. Maayos naman na nakalagay iyon sa mesa kaya lang ay medyo makalat na. Hindi naman gaanong makalat pero makalat pa rin. "Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin?" tanong ko sa kaniya at kinuha ang mga kanin na nasa mesa. Nahulog niya yata noong kumuha siya ng kanin. Habang ginagawa ko iyon ay padabog niyang binitawan ang kutsara at tinidor na hawak niya. "I'm done," buo ang boses na pagkasabi niya. Mukhang galit na naman. "Do you want me to change your clothes for you?" malumanay ko pa rin na tanong sa kaniya kahit na alam kong galit siya. Mahaba naman ang pasensya ko at sanay na ako sa mga ganitong bagay dahil kay tito. Naintindihan ko naman ang galit sa akin ni Sir Tim. Hindi ko rin kasi kayang magalit sa kaniya. May parte kasi sa akin na naaawa sa kaniya. Baka naman may dahilan siya kung bakit ganiyan niya ako tratuhin. "I'm only blind, not paralyzed," sabi naman nito sa akin. Okay... Kukunin ko sana ang isang butil ng kanin na nasa mukha niya pero bigla siyang nagsalita. "Don't lay your dirty hands on my face." Nakikita niya ba ang mga galaw ko? Bakit alam niya kung ano ang gagawin ko sana? Hindi ko naman sinabi. "You have a---" "I know," sabi lang niya at tumayo na. Hindi ko alam kung susundan ko ba siya o hindi. Hindi naman ako na-insulto sa sinabi niya. Totoo naman kasing marumi ang kamay ko. Pero paano ko naman siya babantayan kong hindi ko siya hahawakan? Sa mukha lang naman ang sinabi niya na huwag hawakan. Baka sa kamay niya ay pwede pa rin? "I'll just clean the table." "As you should," sabi lang nito at umalis na. Mabagal ang ginawa niyang paglakad. Inuuna niya ang mga kamay niya para malaman kung tama ba ang nilalakaran niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tumapat siya sa isang glass na pinto, palabas ng room namin. May sariling swimming pool pala ang room namin. Nasa labas lang iyon. Hindi gaanong kalakihan, tama lang para sa dalawa o apat na tao. Pupuntahan ko na sana siya para pagbuksan ng pinto pero naunahan niya na ako. Nabuksan niya nang walang kahirap-hirap ang pinto. Paglabas mo ng pinto ay may dalawang lounge chair sa labas at may isang table. Doon huminto si Sir Tim. Naupo siya roon. Base sa mga galaw at kilos ni Sir Tim ay sanay na siya sa lugar na ito. Parang ilang beses na siyang nakapunta rito dahil alam niya ang mga pasikot-sikot sa mga lugar. Sa kanila ba ang resort na ito o talagang palagi siya rito nagbabakasyon? Sobrang yaman ng pamilya nila Sir Tim, iyan ang lagi kong nababasa. Dalawa silang magkakapatid. Ang isang kapatid niya ay ang tumutulong sa negosyo ng pamilya nila. Noong hindi nangyari ang aksidente ay si Sir Tim ang nangangalaga sa ari-arian nila pero nagbago iyon nang na-aksidente siya. Maraming nagsasabi na wala na siyang kwenta dahil hindi na makakakita pa. Sobrang toxic talaga ng mga tao sa internet. Kung ano-ano na lang ang sinasabi. Kaya rin hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil alam kong iyan din ang naiisip niya minsan. "Ang gwapo mo rin kasi." Nagulat ako nang bigla na lang iyong lumabas sa bibig ko. Ano 'yun?! Tiningnan ko ang kalat niya sa mesa. Hindi naman ako maarte na tao. Medyo gutom na rin kasi ako. Kumakalam na ang sikmura ko. Hindi kasi ako kumain ng tanghalian kasi medyo nahihilo nga ako kanina. Hindi rin kasi kumain si Sir Tim. Palaging "no" lang naman ang sinasabi niya kapag may tinatanong ako. Kinain ko ang naiwan na pagkain sa mesa. Sayang din naman. Medyo marami rin kasi ang pagkain. Sobra pa sa dalawang tao. Kung matakaw lang ako ay baka naubos ko na ito. Sabi rin kasi ni Ma'am Sasha na kahit hindi ako mataba ay dapat i-maintain ko lang ang weight ko. Hindi ako pwedeng tumaba kasi baka kapag lumubo raw ako ay mandiri ang mga tao sa akin. Maraming paalala sa akin si Ma'am Sasha at lahat naman ng paalala niya ay pinapasok ko naman sa utak ko. "Magalit ka lang muna riyan. Kakain lang ako," natatawang sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Sir Tim. Pagkatapos kong kumain at maglinis ay kumuha ako ng bagong damit niya. Medyo natapunan kasi iyon ng ulam kanina. Kahit kami lang ang nandito ay dapat na malinis pa rin siya. Baka mamaya ay lalabas ako at isasama ko siya. Kung ayaw niya ay okay lang naman. Hindi rin naman ako maglalakad ng malayo. Gabi na rin kasi. Gusto ko lang tumingin kung anong meron sa labas. Gaya ng inaasahan ko ay hindi siya pumayag na ako ang magbihis sa kaniya. "Teka lang, do you even know how to swim?" takot kong tanong nang sabi niya ay maliligo siya sa pool. "I'm not dumb like you." "Baka malunod ka," may pag-alalang tanong ko. Kung ano man ang mangyari sa kaniya ay tiyak na ako ang mananagot. Kaming dalawa lang naman ang magkasama. Pwera na lang kung magpapakamatay din ako kasama siya para walang masisi. "Then you should be happy." Ano? Sinundan ko siya ng tingin. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Hindi ko siya maililigtas sa tubig. Teka nga marunong ba talaga siyang lumangoy? Naupo siya sa gilid ng pool. Lumapit ako at tumayo sa likod niya. Bakit kasi wala akong makitang salbabida rito? Oh di kaya ay life jacket para naman masagip ko siya kung sakaling malunod siya. "Careful, please." Paano ba naman bigla niyang hinulog ang katawan niya sa pool pero nakahawak pa rin ang kamay niya sa gilid ng pool. Kumakapit pa rin naman siya. Hindi pa naman siguro magpapakamatay ang lalaking ito. Kumunot ang noo ko nang umahon siya at naupo ulit sa gilid. Sino ba talaga ang may kapansanan sa aming dalawa? Ako o siya? Bakit parang ako ang nawawala sa isip ko? Ngayon ko lang napagtanto na wala na siyang pang-itaas na damit. Tanging boxer na lang ang suot niya. Oh my! Namamalikmata ba ako o hindi? Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Titig na titig ako kung tama ba ang nakikita ko. Gabi naman na at kami lang naman dalawa ang nandito pero kasi sa sobrang liwanag ng paligid ay kita ko ang umbok ng nasa gitna niya. Biglang uminit ang mukha ko sa nakita ko. My innocent eyes! Bakit bigla na lang naghuhubad ang lalaking ito? Akala ko ba ay ayaw niyang masilipan pero bakit parang binabalandra na lang niya ang katawan niya sa akin? Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya... May mga tao pala talagang grabe ang biyaya na natanggap. "What's wrong with you?" tanong ni Sir Tim. Nabilaukan ako sa sarili kong laway. Nakakahiya... "Nothing. I'm just cold," palusot ko. Sinong niloloko ko? Naiinitan nga ako sa nakikita ko. Bakit naman kasi kailangan niya pa na maghubad sa harapan ko? "I'm going to take a walk. Do you want to come with me?" Okay lang naman kahit hindi ka sumama. Kaya ko naman maglakad mag-isa. "No. I don't want to be seen with an ugly woman," pang-iinsulto niya. Sino ba kasing may sabi na maganda ako? Hindi ko naman sinabi na maganda ako. Pangit nga ako! I was kind of hurt by his statement pero ngumiti na lang ako at tahimik na umalis. Kampante naman akong iwan siya roon dahil kaya naman niya. Marunong naman pala siyang lumangoy. Hindi na niya kailangan ng bantay lalo na at ganoon ang damit niya. Baka mamaya mas manganganib pa siya sa magbabantay sa kaniya at pagsamantalahan siya. Hindi ko naman gagawin iyon! Hindi naman sarili ko ang tinutukoy ko. Gaya ng sabi ko kanina ay walang masyadong tao sa resort. Kung may nakikita man ako ay iilan lang. Parang lahat ng nandito ay mag-partner. May nakita nga akong dalawa na naghahalikan sa may dalampasigan. Hindi nga lang masyadong kita dahil madilim na. Hindi na gaanong kita ang mga mukha nila kaya siguro may kapal sila ng nukha para maghalikan doon. Tahimik lang ang paligid. Wala kang ibang maririnig na ingay bukod sa mga insekto na tumutunog kapag gabi na. Ang ganda rito. Siguro kung marami akong pera ay palagi akong nandito sa sobrang tahimik ng paligid. Alam mong walang polusyon din ang hangin dito dahil walang mga sasakyan na tumatakbo. Ang ganda rin ng buhangin nila rito. Ang pino at ang puti. Alam mo talagang inaalagaan nila ang bawat sulok ng lugar na ito. Wala ka talagang makikitang basura kahit saan. Sayang at hindi ko nakita ang sunset kanina. Mahimbing kasi ang naging tulog ko kaya noong nagising ako ay gabi na. Nawala rin naman ang pagkahilo ko. Maayos naman na ang pakiramdam ko ngayon. Maliban na lang sa naramdaman kong init kanina nang makita ko si Sir Tim na halos wala ng suot. Sir Tim... Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Napagpasyahan kong bumalik na sa villa namin. Baka tapos na siyang maligo. Nakapaghanda naman ako ng mga gagamitin at susuotin niya kaya lang ay baka hindi niya mahanap kung nasaan iyon. Sinusulit ko ang oras habang pabalik sa villa. Maganda kasi ang paligid. Magaganda ang mga lights na nasa gilid ng mga villa. May mga lights din akong nakikita na nilagay nila sa mga puno at bulaklak para mas tumingkayad ang ganda nito kahit gabi na. "Sir Tim!" gulat kong sambit nang makita kong nakalutang ito. Ang mukha niya ay nasa pool habang ang likod naman niya ang bumungad sa akin. Walang pagdadalawang isip na tumalon ako para tulungan siya. Ayaw ko pa pong maging biyuda na asaw--- Teka lang... "Bwisit," sambit ko nang napagtantong hindi naman pala malalim ang pool. Hanggang dibdib ko ang tubig at dahil mas matangkad siya sa akin ay alam kong hindi siya mamamatay dito. Halos mawala ang puso ko kanina dahil sa takot na baka anong nangyari sa kaniya. Ngayon naman ay halos magwala ang puso ko dahil naisahan ako ng mokong. "I thought you were going to take a walk outside?" Bwisit siya! May gana pa talaga siyang magtanong niyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD