Chapter 6: Girlfriend?

1729 Words
Maaga akong nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa kama. Napunta ang tingin ko sa kaganapan sa kama. Gising na si Sir Tim. Mukhang hinanap niya ang sunglasses niya kaya nahulog ang ibang gamit na nandoon sa maliit na table. Nahanap din naman ng kamay niya iyon at agad na sinout. Buong gabi akong walang imik sa kaniya dahil sa kagagohang ginawa niya. Pero wala rin naman akong magawa dahil ako naman ang mag-aalaga sa kaniya. Kailangan ko pa rin naman siyang asikasuhin kahit na medyo masama ang loob. “Do you want to take a bath now? What do you want for breakfast? Gusto mong kumain sa labas o rito na lang?” tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siya. Sa palagay ko ay maliligo na siya dahil iyon ang nakita ko kahapon. Noong bumaba siya kahapon kasama si Lester ay tapos na siyang maligo. Baka ngayon din ay maliligo na siya. “I’ll have breakfast on my own,” matigas na naman na sabi nito. Siya pa itong may galit. Dapat nga ay ako ang magalit dahil sa ginawa niya kagabi. "Where? I'll accompany you. Don't worry lalayo naman ako," sabi ko naman. Kailangan ko siyang pakisamahan dahil baka ako ang pagbuntungan ng galit ng mga magulang niya kapag nawala siya o may mangyaring masama sa kaniya. "I said, I will have breakfast on my own," may diin nang sabi nito. Tipid na lang akong ngumiti. Inaasahan ko na talagang magagalit siya dahil alam kong ayaw niya sa makulit na katulad ko. Kaya wala lang sa akin nang marinig iyon. Padabog niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kaniya. "Stop holding me." Hindi ko na siya hinintay na matapos maligo. Pagkatapos ko siyang sundan sa paningin ko hanggang sa mapasok sa loob ng banyo ay kumuha na ako ng damit na susuotin niya. Medyo nasasanay na ako kaya parang wala lang sa akin kahit na makita ko ang damit na panloob niya. Pagkatapos kong ilagay iyon sa kama ay lumabas ako para maligo sa isang banyo. Kahit na alam kong kaya niyang kumilos mag-isa ay binilisan ko pa rin na maligo para man lang makita siya o matulungan siya kapag medyo nahihirapan na. Kaya lang sana pala ay hinintay ko na lang siyang matapos magbihis. "S-sorry..." nauutal kong sambit nang makitang hubo at hubad siyang nasa loob ng kwarto. Dapat ba akong magpasalamat na hindi siya nakaharap sa akin? "Leave." "Ahh... Oo... Sige..." nanginginig ang kamay kong sinarado ang pinto. Hindi ko naman sinasadya na pumasok agad at makita siya sa ganoong sitwasyon. Akala ko kasi nasa banyo pa siya. Hindi ko naman alam na tapos na pala siya. Nakakahiya... Hindi ko talaga alam. Hindi ko naman gusto na makita siya na walang suot. Sorry po. Hindi ko na tuloy alam kung paano ako haharap sa kaniya. Maganda naman ang katawan niya. Ang perfect nga eh kaya lang ay… Hindi nga pala siya nakakakita. Hindi niya makikita ang pagmumukha ko. Sana pala kumatok muna ako para hindi ako magkasala. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng lalaking walang suot sa katawan. Kahit na hindi tama ang ginagawa sa akin ni tito na alipustahin ako ay hindi niya naman nagawa ang ginawa ng ibang lalaki kapag babae lang ang kasama nila. Siguro nakatulong na rin ang pagsusuot ko noon ng malalaking damit. Iyong hindi ko pagpapakita ng kaunting balat kahit sa mainit na panahon. Kahit na halos mahimatay na ako sa sobrang init. “Iwanan ko na lang kaya muna siya? Sabi naman niya ay kakain siyang mag-isa eh,” kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa harap ng salamin. Hindi na ako masyadong nag-ayos kasi nga nagmamadali ako kanina. Nagbihis ako ng panibagong damit kasi sa labas ako kakain ng umagahan. Gusto ko sanang magluto kaya lang ay baka hindi rin kakain si Sir Tim. Masasayang lang ang lulutuin ko kasi hindi naman ako ganun kadami kumain. Mahabang puting palda ang suot ko at croptop na long-sleeved ang pang-itaas. Hindi pa rin ako komportable sa mga damit na nakikita kong binili nila para sa akin pero wala na akong magawa. Mabuti na lang at nawawala na ang mga pasa sa katawan ko. Iyon lang naman ang tanging problema ko. Hindi na rin masakit ang katawan ko. Gumigising na akong masagana ang umaga ko, na walang iniindang sakit sa katawan, na walang pasa sa katawan, at higit sa lahat na hindi bugbog ang katawan. “I will just eat my breakfast!” sigaw ko sa labas. Hindi ko alam kung maririnig niya iyon o hindi. Ang mahalaga ay nagpaalam ako nang maayos kahit wala naman siyang pake sa akin. Nang makalabas ako ay sobra akong namangha sa nakikita. Kumikinang ang dagat dahil sa repleksyon na nanggagaling sa araw. Ang gandang tingnan! Parang gusto ko tuloy maligo kahit nakakatakot maligo mag-isa. Totoo nga ang mga nababasa ko sa libro. Nakakawala nga ng problema ang dagat. Kaya siguro dagat ang unang nasa isip ng mga tao kapag gusto nilang magbakasyon kasi totoo namang nakakawala ng problema. Matutuwa ka sa magagandang tanawin. Lalo na ang dagat na nakakahalina. Kinuha ko ang phone na bigay sa akin ni Ma'am Sasha. Medyo sanay na akong gumamit. Sa pagkuha ng mga litrato ko lang naman din ito nilalabas o kung di kaya ay may tumatawag sa akin. Hindi kasi ako mahilig sa social media. Ginagamit ko rin ito minsan kapag may gusto akong malaman kay Sir Tim at sa pamilya niya. Hindi naman masyadong pribado ang mga impormasyon tungkol sa kanila. May mga nakukuha pa rin naman akong maayos na impormasyon siguro dahil simula noong bata pa sila ay masyado na sila babad sa mata ng mga tao. Kahit anong galaw nila ay inaalam ng mga tao. Tinigil ko lang magbasa ng mga impormasyon tungkol kay Sir Tim noong kasal na namin kasi natatakot ako sa kung ano ang sabihin ng mga tao sa akin. Alam din naman ng lahat na arrange marriage ang magaganap. Hindi naman iyon nila tinago sa publiko. "I will be with him right now. I'm just waiting for him to come," narinig kong sabi ng isang babae sa likod ko. Binaba ko ang phone ko at nilagay sa bulsa. Nilingon ko ang babaeng nagsalita pero nakatalikod na ito sa akin. Ang ganda at ang sexy ng katawan niya. Kahit nakatalikod ay alam mong maraming lalaki ang nahuhumaling sa kaniya. Suot niya ay black na two-piece. Kitang-kita ang kurba ng katawan niya. Sobrang kinis ng katawan. Ang kutis ay parang gatas sa sobrang puti. Mabuti rin naman ako pero kakaiba ang puti niya parang gatas na talaga. Parang katulad lang din siya ni Ma'am Sasha. Alam mo talagang maalaga sila sa katawan nila dahil wala kang makikitang imperfections sa katawan nila. "Sir Tim?" wala sa sariling sambit ko nang makita si Sir Tim. Nakaupo sa isang pangdalawahang mesa at dahil open lang ang lugar ay kita ko siya nang maayos. Suot niya ang nilagay kong damit sa kama kanina kaya alam ko talaga na siya iyon. Maraming tao ang nandoon. Akmang pupuntahan ko sana siya pero biglang tumigil ang mga paa ko nang makita ang babae na humalik kay Sir Tim bago umupo sa harapan nitong upuan. Siya iyong babae kanina na sinasabi kong maganda. Magkakilala sila? Parang biglang luminaw ang mata ko nang makita ang dalawa. Kita ko ang pagngiti ni Sir Tim. Kakaiba ang ngiti niya, ngiti ng mga taong nagmamahal. Iyon ang nakikita ko. Ang tamis ng ngiti niya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Sa ilang beses namin na nagsama ay ngayon pa lang. Ito ang unang beses na ngumiti siya. Hindi ko man makita ang mga mata niya pero alam kong totoo ang ngiti niya. Girlfriend niya ba ang babae? May girlfriend ba siya? Kaya siguro palagi siyang galit sa akin kasi may girlfriend siya. Masakit na ang sinag ng araw kaya naghanap ako ng pwedeng silongan na makikita ko pa rin sila. Ayaw kong lumapit sa kanila baka makilala ako ng babae at sabihin pa niya iyon kay Sir Tim. Gusto ko lang malaman kung ano ang meron sa kanila para alam ko kung saan ako lulugar. Wala lang naman sa akin kung may girlfriend si Sir Tim. Hindi naman namin mahal ang isa't isa ni hindi nga namin gusto ang isa't isa kaya okay lang sa akin. Bilang isang babae ay gusto kong makasiguro na sila nga para malaman ko kung lalayo ba ako. Ayaw ko naman makasakit ng damdamin ng iba. Hindi pa ako nakaranas na magmahal pero may alam naman ako. Sa rami ba naman ng libro na binabasa ko ay alam na alam ko na talaga ang mga nararamdaman ng mga taong nagmamahal. "You can sit right there, Miss," mabait na sabi sa akin ng isang babae. Nakatayo lang ako sa gilid habang ninanakawan sila ng tingin. Nagtatago ako sa init ng araw. Nagtatago rin ako sa babae at kay Sir Tim. "Thank you," pasasalamat ko. Pupunta ba ako sa sinabi ng babae? Paano kung malaman ni Sir Tim na nandito ako? Paano kung makilala ako ng babae? Hindi masyadong kita ang pwestong sinasabi ng babae dahil may isang halaman na nakalagay sa gitna kaya lang ay ang katabi na mesa noon ay ang mesa nila ni Sir Tim. Nakatalikod sa akin ang babae. Kapag uupo ako ay hindi naman siguro nila ako makikita kasi hindi naman nakakakita si Sir Tim. Bago pa may maupo ay inunahan ko na lang. Mahinang tawa ng babae agad ang narinig ko. Nakatalikod ako sa kanila para kung sakaling lumingon ang babae sa likuran niya ay hindi niya makikita ang mukha ko. Nang may dumating na waiter ay mabilis kong tinuro ang juice nila dahil sa sobrang taranta. Ayaw kong magsalita. Takot na baka marinig iyon ni Sir Tim. Umalis din ang waiter matapos ang order ko. Kaya ko naman bayaran ang inorder ko kahit malula ako sa presyo na nakita ko kanina. Parang gusto ko na nga lang sabihin sa waiter na tubig na lang kaya lang ay nakakahiya naman. "Do you want to sleep with me tonight?" Tumaas ang kilay ko. Pasimple akong lumingon sa gilid para makita ko sila sa gilid ng mga mata ko. "Can I?" tanong naman ni Sir Tim pabalik. Kahit na hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ito habang nagtatanong. "Of course, babe. Anytime..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD