Chapter 7: Stupid Woman

1788 Words
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Totoo nga. Girlfriend niya ang babaeng iyon. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na girlfriend niya iyon. Sa sobrang lalim nang pag-iisip ko sa kanilang dalawa ay hindi ko na namalayan ang oras. Mag-isa akong naglalakad, nakatanaw sa mga magagandang tanawin at sa mga tao na masayang lumalangoy sa dagat. Mas maganda sana kung marunong akong lumangoy para naman masulit ko ang bakasyon na ito, kaya lang ay hindi ako marunong. "It's you again." Napabuntong hinga ako nang marinig na naman ang boses na iyon. Siya iyong lalaki na kanina pa sunod nang sunod sa akin. Kinukulit ako kung may kasama ba ako o hindi. Wala naman siyang ginagawang masama o baka naman ay wala talaga, assuming lang ako. "Yeah," walang ganang sagot ko sa kaniya. Ilang minuto na lang ay lulubog na ang araw. Napaupo na lang ako sa buhangin. Gusto kong makita ang paglubog ng araw kaya rito na lang ako tatambay. May iilang tao rin na nakaabang sa paglubog nito. Karamihan sa mga nandito ay may kasama. Ako lang yata ang naiiba. Hindi naman kasi kasali itong lalaking pilit nang pilit na kausapin ako. "Watching the sunset is nice. It would be extra special if you ride a boat. Like those couples," sambit niya. Tinuro niya ang dalawang pares ng magkasintahan na nakasakay sa bangka habang nakatanaw sa paglubog ng araw. "Okay," tipid kong sagot. Ano naman ang gagawin ko sa sinabi niya? Hindi nga ako marunong lumangoy, malamang takot ako sa mga ganiyan. Paano na lang kung biglang malunod, mamatay pa ako nang wala sa oras. "Wait... Are you afraid? Or you don't know how to swim?" may pang-aasar na tanong niya. Pumunta siya sa harap ko para tingnan ang ekspresyon ng mukha ko. Mas lalo akong sumimangot nang katawan na lang niya ang nakita ko. Hindi ko na makita ang araw. "You are blocking the view. Kindly move, please," pakiusap ko sa kaniya. "I'm not kidding," dagdag ko nang ngumiti lang siya. Tumaas ang kilay ko nang umupo siya sa tabi ko. "Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang eh," sabi nito nang nakanguso. Hindi naman bagay. Para siyang bibi na nawalan ng ina. "Aren't you tired? Kanina mo pa ako sinusungitan." Hindi. Hindi ako mapapagod na sungitan siya. "Can't you see this ring?" sabay pakita ko sa kaniya nang singsing na suot. "Baka hindi mo napansin. I am already married," sabi ko. Hilaw siyang ngumiti. "Ito naman. I am just trying to be nice. Nakikipagkaibigan lang," depensa naman niya. Umiling ako. May takot sa mga ganiyan. Hindi pwede. "Why? Seloso ang asawa mo? Where is he then? Bakit kanina ka pa mag-isa? If I were your husband, I would never leave you alone." Bakit nga ba ako takot? Wala naman si tito. Iba si Tito at si Sir Tim. Wala namang pake sa akin si Sir Tim kahit ano pa ang gawin ko. Baka nga sasaya pa iyon kapag nalaman niyang may lalaking kumausap sa akin. Hindi pa rin kami nagkikita simula kaninang umaga. Hindi ako bumalik sa room namin dahil alam ko rin naman na wala siya. Narinig ko nga sa usapan nila ng girlfriend niya ay magkasama silang matutulog. "I'm going," sabi ko kahit hindi pa tapos lumubog ang araw. Nawawala ang atensyon ko sa pinapanuod ko dahil sa lalaking panay ang tanong sa akin. "Hatid na kit---" "No," putol ko sa sasabihin niya. "Sungit talaga," huling kong narinig na sinabi niya. Diretso lang akong pumasok sa room namin. Nandito siya? Bakit bukas ang mga ilaw? Ganito ba talaga rito? Bukas ang ilaw kahit walang tao? Mabagal lang akong naglakad papasok sa kwarto namin. Hindi na ako kumatok dahil sigurado naman akong walang tao rito maliban na lang siguro kung may pumasok na tagaayos ng room. "Where have you been?" "Ayy putang-na!" Napahawak ako sa puso ko. "Nakakagulat ka naman," sabi ko kay Sir Tim. Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko. Bakit naman kasi nanggugulat siya? Para naman akong tanga. Ginulat lang naman ng isang bulag. Hindi pa siya nakaalis? Sa girlfriend niya siya matutulong, hindi ba? Bakit nandito pa siya? Magpapaalam ba siya sa akin? Hindi naman na kailangan. Okay lang naman sa akin. “Were you waiting for me?” tanong ko. Napangiwi ako nang makita ang kalat sa damitan namin. Hindi ko nilayo ang maleta ko sa maleta niya. Hindi ko rin iyon nilagay sa closet na nandito sa loob ng place namin kasi alam kong aalis din naman kami. Para na rin hindi na masyadong matrabaho para sa akin. Iyong mga labahin lang ang nilalagay ko sa ibang lagayan. Mahirap naman kung ilalagay ko iyon sa maleta nang hindi nilalabhan. Nagkalat ang mga damit niya. Ganoon din sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga underwear ko na nasa labas na. Diyos ko po! Mabilis akong naglakad sa kung saan nakalagay ang mga maleta namin. Pasalamat ko na lang talaga at bulag itong kasama ko. “Why would I wait? Who do you think you are?” Wala. Sabi ko nga wala siyang pake sa akin. “Sorry. I was just enjoying the scenery. I didn’t notice the time.” Ayaw ko rin kasing umuwi rito na nandito ka, baka mamaya ay kasama mo ang girlfriend mo. Ayaw ko naman makaabala kung ano man ang ginagawa niyo. “You’ve been out the whole day and then you will say you didn’t notice the time?” masungit na tanong nito. Napansin ko naman ang oras sadyang ayaw ko lang talaga umuwi! “How about you? What were you doing noong umalis ako?” tanong ko sa kaniya. Mabilis kong tinupi ang mga damit ko na nasa labas na ng maleta at sinarado iyon. Tiningnan ko siyang nakakunot pa rin ang noo. Ano bang problema niya? Kita mo, baliktad pa ang damit niya. Maayos naman ang damit na nakuha niya. Karamihan ng damit niya naman ay itim o hindi kaya ay puti. “Sorry. I forgot about it,” sabi ko nang tumahimik lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Usapan nga pala namin na bawal magtanong sa personal na buhay ng isa’t isa. Walang pakealamanan sa buhay. Iyon ang huli niyang sinabi noong una namin na pagkikita. Pero tinanong niya ako kanina kung saan ako galing. Akala ko ba hindi pwedeng magtanong? Sumagot din naman ako. Kasalanan ko rin. “Kumain ka na?” tanong ko. Naririnig ko na ang mahinang galit ng mga alaga ko sa tiyan. Juice lang ang ininom ko kaninang umaga. Hindi rin ako nagtanghalian dahil natatakot akong baka makita ko silang dalawa. Walang laman ang tiyan ko. Gutom na ako. “I won’t eat with you, woman.” Huh? Sinabi ko ba na sabay kaming kakain? Wala naman akong sinabi. “I was just asking you. Hindi ko naman sinabing samahan mo ako,” binulong ko na lang sa sarili ko ang huling sinabi ko. “Then don’t ask stupid questions, stupid woman.” Sabi ko nga hindi na ako magtatanong sa kaniya. Kumuha ako ng isang damit para sa kaniya. May dumi ang suot niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha at ayaw ko ng magtanong pa sa kaniya. “Change your top, may dumi,” sabi ko na lang. Nanliit ang mata ko nang makalapit sa kaniya. Kitang-kita ko na kung ano ang dumi sa damit niya. Hindi ako namamalikmata. Alam kong lipstick iyon. Girlfriend niya nga talaga ang babaeng iyon. Aalis ba ako o hindi? Ayaw naman kasing sumagot kung kumain na siya o hindi. Simple lang naman ang sasabihin niya, oo o hindi lang naman. Mahirap ba na sumagot nang ganon? Paano ako kakain? “Do you wan---” Hindi ko tinapos ang sasabihin ko sa kaniya. Baka magalit na naman. “Sige bihis ka na. Lalabas na ako,” sabi ko sa kaniya. Mag-oorder na lang ako ng pagkain. Pangdalawahan na lang ang oorderin ko baka sakaling hindi pa siya kumain o kung gusto niyang kumain. Kung ayaw niya ay pwede ko naman iyon ubusin mag-isa. Sanay naman akong walang kasama kumain. Bumukas ang pinto at lumabas si Sir Tim na maayos na ang suot. Napasimangot ako nang maamoy ang pabango na gamit niya. Sana sinabi niya na gagamit siya ng pabango para malagay ko na agad sa kama ang pabango niya. Amoy babae tuloy siya. Hinihintay ko na lang na dumating ang inorder ko na pagkain. Binaba ko ang hawak kong libro. Nagbabasa ako habang hinintay na dumating ang pagkain. Lowbat kasi ang phone ko kaya chinarge ko muna. Tiningnan ko ang paa niya baka hindi pareho ang tsinelas na gamit niya. Kapag tinitingnan ko si Sir Tim ay hindi ko maiwasang mapaisip na kung babae siya ay sobrang ganda niya. Ang perpekto ng mukha niya, matangos ang ilong, mahaba ang ilong, mahaba ang pilikmata niya, maganda ang makapal niyang kilay, at ang pula ng labi niya. Iyong puti naman niya ay alam mong kutis mayaman. Mahahaba ang mga kamay niya, at ang paa naman niya ay ang ganda. May mga perpektong tao pala talaga. Ang ganda rin ng mata niya, iyong matang nakakapang-akit. Pinili kong manahimik na lang. Pinagmasdan ko na lang siyang kinakapa ang stick niyang nasa gilid ng pinto. Hindi ko napansin na meron niyan. Nakita ko lang kanina nang dumating ako. Akala ko kasi kamay niya lang talaga ang ginagamit niya. Hindi ko rin kasi siya nakikita na gumagamit niyan kasi palagi naman niyang katabi si Lester. Sana pala sinama na lang namin si Lester para hindi siya mahirapan. Ayaw niya kasing magpasama sa akin. Nang mahanap na niya iyon ay napangiti ako. Lumingon siya sa gawi ko. Alam niya sigurong nakamasid lang ako sa kaniya. Ilang segundo siyang nakaharap sa akin bago tumalikod. Gaya ng lagi kong ginagawa ay sinundan ko lang siya ng tingin. Hindi man lang siya magbibihis ng damit? Iba kasi ang pabango na nagamit niya eh. Baka magselos ang girlfriend niya. Alam kaya ng girlfriend niya na may asawa na siya? Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong tingnan ang balita tungkol sa kasal ni Sir Tim. Inaasahan ko na lalabas ang mukha ko at ang mga negatibong komento ng mga tao sa akin pero wala. Maraming balita ang lumabas na ikinasal na nga si Sir Tim pero walang litrato namin ang lumabas. Wala ni isang mukha ko ang nasa balita. Iyong ibang bisita lang ang merong litrato. May nakita rin akong litrato ni Sir Tim kasama ang kapatid niya pero wala ni isang litrato ko o litrato namin. Dapat ba akong maging masaya kasi hindi pa ako kilala ng mga tao? Hindi nga pala ako ang tunay na asawa. Binayaran nga lang pala ako para magpanggap bilang asawa sa lalaking hindi ko kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD