Mabilis pa sa kidlat ang nangyari nang agawin kong muli sa kaniya ang box. Nang mahawakan ko na ito, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Dali-dali akong humarap sa maliit na bintana at hinagis palabas ang box ng condom.
Tumunog mula sa labas ang pagbagsak nito sa dagat. Pahingal akong tumulala sa kawalan hanggang sa doon ko na natanto kung ano ang aking ginawa.
Shit. Did I really do that?
I mean, tama naman ang ginawa ko, `di ba? That’s for his sake, not mine. Kahit na sabihin pang proteksyon niya iyon para sa mga babaeng bayaran, mali pa rin kung ipagpapatuloy niyang tumangkilik ng pakikipagtalik. He’s Pacquito for a good reason. Gaya ni Yaelo, alam kong mabait siyang tao.
Marahan akong humarap sa kaniya. Doon nagsimulang umalab ang aking kaba dahil mas lumamig ang kaniyang tingin. Naka-cross arms pa siya at halos isang hakbang lang ang layo sa akin. Literal ko pang inangat ang aking pagtingala upang magtagpo nang maayos ang aming mga mata.
“Give me enough reason. Kung hindi, `di kita hahayaang lumabas ng kwartong ito,” maawtoridad niyang sambit sa malalim na boses. Kinilabutan ako.
“Hindi mo naman `yon gagamitin kaya ano pang silbi?”
“Anong `di ko gagamitin? Hindi ko `yon sinabi—”
“Puwes, ako ang nagsabi,” pagputol ko sa kaniyang litanya. “Hindi ka naman siguro susunggab sa nais mangyari ni Rael, `di ba?”
“Paano kung gusto ko?”
“Makikipag-s*x ka?”
“It’s my choice!” pasigaw niyang sagot. “Anong pakialam mo huh?”
Sa puntong ito ay napayuko na lang ako. May kung ano sa akin ang kumirot pero `di ko puwedeng i-tolerate. Why am I so affected? Ano nga naman kung m************k siya sa mga bayaran?
Napalunok ako at muling tumingin sa kaniya nang napapapikit-pikit. He’s now fuming and I can really sense how mad he is. Tama nga naman siya. Ano bang pakialam ko? Ano bang pumasok sa isip ko at natanto kong hindi niya dapat gamitin iyon?
“F-fine, hihingi ako kay Rael kung gusto mo—”
“Do not ever do that.”
“Pacquito…”
“What? Ano ba kasing gusto mo palabasin?”
“I’m sorry…”
“No you’re not,” pag-iling niya saka tumalikod. “I knew you’re not.”
**
No words could come out from my throat when I went to the quarterdeck after thirty minutes. Nakahanda na ang portable table at chairs sa bakanteng espasyo ng helm area at hinihintay na lang ang pagkaing ihahain ni Pacquito. Mga kubyertos lang ang naroon at wala pang mga laman. Umupo ako sa tapat ni Rael at pilit na ngumiti nang salubungin niya ako ng ngiti at pagbati.
“You helped him cook our food? How is he?” tanong niya sa mahinahong boses. Abala ang isang pirata sa pagmamando ng steering wheel at sigurado akong naririnig niya kami.
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang huling bahagi ng kaniyang tanong. Dahil kung pipiliin kong sabihin kung ano ang totoo, sasambitin kong galit si Pacquito dahil sa ginawa kong pagtapon sa kaniyang condom. Hindi ko na rin siya sinundan sa kusina upang tulungan. Ang alam ko lang ngayon ay nahihiya ako sa ginawa ko.
“Uh… he’s about to finish,” sagot ko. Kapwa ko ipinatong sa ibabaw ng hapag ang mga kamay ko habang humahabigis ang hangin. He then smiled with no reason. “Why are you smiling?”
“`Cause you look so beautiful.”
Namula ako bigla. God. Sa naghahalong damdamin at emosyong namumutawi sa sistema ko, `di ko alam kung kakayanin ko pa bang unawain ang sarili ko pagkatapos nito. He’s such a romantic one at marami pa akong dapat na asahan. But how strong am I to tolerate that knowing I still don’t accept his identity as a pirate?
Ngunit kung tutuusin, magiging advantage pa sa akin ang nararamdaman niya. Marami sigurong times na masusunod niya ang gusto ko pero dalawang bagay ang paniguradong hindi niya gagawin. Siyempre, decorated captain na siya, tagapagmana, at kumakapit sa pangako ng kaniyang kanunu-nunuan. Sa lagay niyang ito, hindi niya kailanman bibitawan ang identidad niya bilang pirata— lalong lalo na ang pagpapalaya sa akin.
Mabait pa siya sa lagay na ito, alam ko. Ngunit ayaw ko ring umabuso dahil walang kasiguraduhan kung anong klaseng hinaharap ang binabalak niyang iganti sa kagaya ko. He had this power and that form of strength is all that I fear. After all, hindi pa rin mabubura ang katotohanang bihag ako at dinukot lang sa dalampasigan.
He’s just silently staring at me. May multo ng ngiti sa kaniyang labi at mahihinuha ang gaan ng kaniyang loob. I wonder if he knew what they did to me when those Filipino pirates abducted me and my friend. Aware kaya siya sa trauma ko lalo’t nasaksihan ko kung paano minaltrato ng mga piratang gaya niya ang mga bihag?
“What can I do for you as we wait for our food?” he asked in a manly tone. Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa mesa at hinimas ang kabuuan ng aking palad.
“It’s up to you, m-my love,” nauutal kong wika dahil naiilang. But when I found my pace, I continued, “Anything but decent.”
“Decent huh?”
I faked a smile. “Yes.”
“Is kissing you decent?”
I replied, “If no one’s watching.”
“So may I?”
Ngumiwi ako. Seryoso na nga talaga na girlfriend na ang turing niya sa akin. In just a span of overnight, ang laki na talaga ng pinagbago niya.
Bakit naman kasi ganito kahirap? Hindi pa ako nakararanas ng ganito kaya ang dami ko pang kailangang i-adjust.
Inilapit niya nang bahagya ang kaniyang mukha… saka bumulong. “No one’s watching us, my love… so.. may I kiss you?”
May choice pa ba ako? Kung tatanggi ako, baka kung ano pang mangyari.
But wait, paano kaya kung tumanggi ako?
Subukan ko nga.
“Uh… no,” mahina kong tugon na ikinasalubong kaagad ng mga mata niya. s**t.
“No? Why? What do you mean?”
Inilayo niya ang kamay niya sa akin. Sa loob ng maikling segundo matapos kong tanggihan ang nais niya, nagbago kaagad ang pakikitungo niya.
“I mean, someone might be watching us.”
“And you think it’s not decent?” kalmado niyang tanong. Sa pagkakataong ito ay namatyagan ko ang lungkot sa kaniyang ekspresyon. My God. “I just want to kiss you…”
Pumikit ako at bumaling sa kaliwa. Hindi ko masikmurang isipin na kagabi ay katabi ko siyang matulog at talagang kayakap pa. Kanina hinalikan niya ako at nakita pa ng lahat. Ngayon, hindi pa ba `yon sumapat? I am just forcing myself. Masaya na siya kahit pinipilit ko lang magpatianod sa mga nais niyang mangyari.
“Kiss me,” pangungulit pa niya. “I need you to kiss me, please.”
I took a deep breath, again. I indeed never wanted this to happen but in the name of survival, this kiss would save me.
Walang sabi-sabi akong tumayo at naglakad patungo sa kaniya. Ini-atras naman niya ang kaniyang inuupuan saka tinapik ang kaniyang kandungan. Senyales iyon na nais niya akong umupo roon kasabay ng halik na nais niyang mangyari. Na kahit ayaw ko, pagsunod lang ang tanging pamimilian ko.
Slowly but surely, I sat on his lap. His right arm snaked around my waist while the other reached my nape to assure our lips would meet. Tumingala siya at pumikit habang ako’y napayuko. And in just a snap of a second, his lip dug inside my mouth with tongue searching like hell.
Halos `di ako makahinga sa sobrang galing niya humalik. Hindi man ako marunong pero napapasunod ako at nagagawa ko nang `di namamalayan. I cannot believe that I’m doing this with a man I hate the most. Ang halik na sana’y ginagawa ko lang sa lalaking mahal ko.
When someone behind us cleared a throat, bigla akong napalayo sa mukha ni Rael. Dali-dali akong umalis sa kaniyang kandungan saka umupo pabalik sa aking pwesto. Pacquito is now serving our food, partikular na ang tray ng chilaquiles na parang kailan lang niya itinuturo. All this time, hindi ko pa rin pala magagamit dahil hindi pala ako alipin sa barkong ito.
Nang tingnan ko si Rael, ninanamnam pa niya ang kaniyang labi habang nakayuko. Samantala, nang hagilapin ko naman ang mga mata ni Pacquito, wala akong ibang napansin kundi panlalamig.
“Nos perturbaste,” ani Rael kay Pacquito. Naningkit ang mga mata ko dahil wala na naman akong maiintindihan. (You disturbed us.)
Nang mailapag na ni Pacquito ang kahuli-hulihang bowl ng pagkain, saka siya sumagot nang hawak ang walang kalaman-lamang tray. “Me disculpo. Pero creo que deberías ir a tu habitación si necesitas privacidad para ese tipo de... beso.” (I apologize. But I think you should go to your room if you need privacy for that kind of... kiss.)
“Ahora somos pareja y no necesitamos privacidad para eso.” (We are now a couple and we don't need privacy for that.)
Pacquito bowed his head. “Entiendo, Capitán. Lo siento.” (I understand, Captain. Sorry.)
Pagsabi nito ay umalis na siya nang `di na sinusubukang tumingin sa akin.
Lo Siento means he’s sorry. Ibig sabihin, humihingi siya ng tawad? Para saan kaya? Dahil kaya sa istorbong naganap?
The silence crept when the last pirate on the helm left us alone. Kaming dalawa na lang ang narito ngayon sa quarterdeck at nagsimula na ring kumain. Hindi ko siya matingnan nang maayos nang mata sa mata dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. As much as I want to retain what he has felt for me, hindi maalis-alis sa sistema ko ang nangyayari sa amin ni Pacquito.
“He’s out of his mind,” Rael uttered as he chew his food. Batid kong si Pacquito ang tinutukoy niya kaya naagaw nang husto ang atensyon ko. “Did you understand what he said?”
Umiling ako. “Not a single word except Lo siento.”
“As he should since that apology is meant for you.”
Napababa ako sa hawak kong kutsara. “Why?”
“He told me you’re crazy. That you’re a w***e I should not marry. Is that even right?”
Nalaglag ang panga ko nang marinig iyon. What the f**k?
“W-what?”
“Should I fire him?”
Umiling ako. “N-no. L-let me talk to him first about that.”
“I am not allowing you to talk to him anymore. Not after what he told me.”
“But—”
Binagsak niya nang may ingay ang kaniyang kutsara. Natameme ako. “You do what I want. Stay away from that ass-hole or else…”
Hinintay ko ang mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang ire-react nang marinig iyon pero isa lang ang nasiguro ko, galit siya sa naging usapan nila ni Pacquito.
“…or else I’ll fire him.”
Yumuko siya at muling pinagtuunan ng pansin ang pagkain samantalang ako ay parang tanga, parang tangang nakatulala at pinoproseso ang narinig. Did Pacquito really say I’m a w***e? Nakita lang niya akong nakikipaghalikan kay Rael ay iyon na ang igaganti niya?
Kung marunong lang ako umunawa ng spanish, hindi sana ako nagmukhang tanga rito. Bakit ang laki na ng galit niya gayong condom lang naman niya ang tinapon ko?
Nakakasama lang ng loob. Nakakainis.
Wala mang gana ay pinilit kong kumain. Lasang lasa ko ang sarap ng pagkakaluto niya ngunit para akong impyerno na naglalagablab sa galit. Maybe it’s time to avoid him and follow what Rael asks me to do. Hindi ko na kakausapin si Pacquito. Wala na akong pakialam sa kaniya.
When we finished our food, sabay kaming bumaba ng kaniyang cabin para raw ipresenta sa akin kung ano ang aking pagmamay-ari. Batid kong wala akong dapat ikagulat nang sabihin niyang akin daw lahat ng naririto sa barko, pati mga kayamanan ngunit isang bagay ang nakapagpatigil sa akin— ang kasal na nais niyang maganap.
Umupo ako sa kama habang siya’y nakatayo sa harap ng kaniyang shelf, partikular na sa kulay gintong treasure chest na siguradong naglalaman ng kaniyang yaman. Binuksan niya iyon saka may hinagilap. Sa ilang segundo lang ay nahanap niya iyon at marahang iniharap sa akin upang ipakita. Isang singsing na kulay ginto.
Humakbang siya at umupo sa aking tabi. Ayaw ko na sana tingnan pa dahil nakita ko na ngunit pinangalandakan pa rin niya. Alam ko na kung ano ang nais niyang sabihin at ayaw ko itong marinig. Dahil para sa akin, isang permanenteng kulungan ang pagpapakasal sa kaniya at walang hanggan ang nakasalalay para sa habang-buhay na pagtitiis.
“When the time comes, this ring will be the tangible sign of my love for you…”
Nang sabihin niya iyon, bigla siyang umalis sa pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ko nang lumipat siya sa harap ko at dahan-dahang iniluhod ang isang tuhod sa sahig!
Sunod-sunod akong napalunok. Gusto ko na lang bigla mawalan ng malay nang marinig ang mga sumunod niyang salita.
“And this is the right time to give this to you,” he muttered, smiling. “Saiah Cruz, my love and my queen, my future life and my Dieu-le-Veut… will you marry me?”