Chapter 04

2127 Words
Napilitan akong tumayo at maglakad palabas ng kuta dahil tinutulak-tulak na rin ako ng kasama kong pirata. Pagkalabas na pagkalabas ko, tumama ang mainit na tirik ng araw kahit umaga pa lang at kasisikat pa lang nito. Bumungad sa akin ang isa pang barko na maganda ang pagkakagawa. Tipikal itong kakulay ng kahoy at hindi pininturahan. Halatang pagmamay-ari ito ng pirata. Sa unang tingin, para bang mangingisda lang sila at hindi makikitaan ng masamang intensyon. Their nature is to kill at nauunawaan ko iyon. Hindi lang pumatay kundi magnakaw upang mabuhay. I heard a lot about them but I never believed. Talaga palang nag-eexist pa rin sila, buhay na buhay at naghahasik ng lagim. Iminuwestra nila ako sa pinakaharapan, kaharap mismo ang barko na palutang-lutang at katabi lang ng barko nila. Inilibot ko ang tingin upang usisain kung malapit ba kami sa ano mang isla o malayo. Ngayon ko natanto na nasa pinakagitna kami mismo ng dagat. Walang ibang makikita kahit gatuldok na kalupaan. Talagang sinadya nilang dito magkaroon ng transaksyon dahil wala ni sino mang makakakita. The ocean is so pristine. May mga pating pa akong nababanaag nang iyuko ko ang aking tingin. Kitang kita ang mga lamang dagat na kay dali-dali lang hulihin. I wonder kung nagagawa rin ba nilang mangisda upang pagkakitaan. Ngunit base sa mga nasaksihan ko sa kanila nitong mga nakaraan, para bang mas invested sila sa mga binibihag nila. “Nasaan si Kapitan?” tanong ng katabi ko habang nakahawak sa palapulsuhan kong nakatali. Marahan kong inangat ang paningin ko upang makita kung sino ang kausap nila sa kabilang barko. Dadalawa ang naroon at halatang mga binata pa base sa mga itsura. “Natutulog pa. Ang bilin ay huwag namin siyang gisingin. Ihatid niyo na lang daw sa amin ang bihag at i-aabot namin ang pera,” tugon ng isa sa kabila. Tila ba nagpanting ang pandinig ng mga pirata dito sa side ko saka nag-ingay nang magsibulungan. Mga mukhang pera talaga. “O sige. Ihahagis na namin ang lubid diyan. Pakitali na lang sa poste at nang maihatid ko ang bihag diyan.” Pinunan ako ng kaba nang matanto kung paano nila ako ihahatid doon. Una kong naisip na baka maglalakad kami’t magba-balance sa lubid nang nakatali ang dalawa kong kamay. Subalit umakyat ang isa sa itaas pagkahagis ng dulo ng lubid sa kabila. Ang kabilang dulo naman ay iniwan dito at itinali hanggang sa makabuo sila ng zipline. Walang sabi-sabi akong binuhat ng isa, dahilan kung bakit muntik na akong mapatili. Mariin ko na lang iniwas na magdikit ang mukha ko sa balat nito dahil ang sangsang talaga ng amoy. I really can’t help but endure how they smell. Kung magtatagal pa ay baka mapaliguan ko sila ng suka. Good thing ay napigilan ko naman. Hindi ko pa rin pinahalatang natatakot ako kahit sa kaloob-looban ko ay halos magmura na ako sa kaba. Pagkatuntong ko sa bubong ng kanilang kuta kasama ang isang piratang Timoteo ang pangalan, inangat niya ang isa kong kamay at itinali sa lubid na nakakonekta ngayon sa kabilang barko. I haven’t experienced zipline before. Paano na lang kung maputol ang tali at malaglag ako? As much as I want to defend myself, I still have to think about its consequences. Hawak na ng mga taong ito ang buhay ng pamilya ko. Tumakas man ako at gumawa ng paraan, gagawa at gagawa rin sila ng paraan upang hamunin ang pinoprotektahan ko. Pakiramdam ko ay para na akong ikinulong ngayon, walang kawala ngunit may natatangi pang solusyon na maaaring gawin— iyon ay walang iba kundi ang sumunod, magpa-alipin, hanggang sa mapayagan nila akong makalaya. Masasabing walang kasiguraduhan kung mananatili ba akong buhay hanggang sa huli pero ito rin ang itinuro sa akin ni Lola noong kasama ko pa siya. Hangga’t humihinga, may pag-asa. Hangga’t naniniwalang may pag-asa, papanig din ang tadhana. Medyo malabo man sa ngayon dahil sa pang-aalangan at takot, I have to trust the process. Wala akong ibang mapanghahawakan kundi iyon lang. Nang maikonekta na ang lubid at ang tali sa kamay ko ay wala akong sabi-sabing itinulak. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nag-slide ako patungo sa kabilang barko hanggang sa masapo na ako ng piratang nag-aabang sa pagdating ko. Hindi ko napigilang tumili dahil sa takot at at gulat. Umasa ako na bibigyan nila ako ng cue bago ilipat pero sa sobrang pagkabigla, natiis ko na lang ang lalong pagtahip ng aking dibdib. “Te cubro las espaldas,” bulong ng sumalo sa akin. Kasabay ng pilit kong panunumbalik sa sistema ko, napaisip ako kung anong klaseng lenggwahe iyon. (I got your back.) Inalalayan niya akong tumayo at maingat na inalis ang pagkakakabit ko sa lubid. Lumapit ang isa sa amin upang masiguro na hindi ako gumawa ng eksena at nakikitaan ko pa ng takot sa mga mata. They look so foreign. Para silang hindi Pilipino sa malapitan dahil mestiso ang balat, kulay kape ang mga mata, at matatangos ang ilong. Pero bakit gano`n? Nakakaintindi at nakakapagsalita naman sana sila ng tagalog? Nang maayos na muli ang aking disposisyon, muling bumaling sa pinanggalingan kong barko ang sumapo sa akin. May supot siyang hinagis na siyang sinapo ng mga nasa kabila. “Aabisuhan ulit namin kayo kapag may susunod na utos. Muchas gracias!” (Thank you!) Nagsigawan ang mga ito dahil tuwang tuwa sa salapi na natanggap. Samantala, ibinalik ulit ng dalawang ito ang pansin sa akin at inalalayan ako patungo sa nakahandang hapag at upuan na nakapailalim sa malaki nitong silong na mukhang payong. Marahang dumuduyan ang barko kaya muntikan pa kaming mabuwal. At kahit na bumagsak man ako o madikit sa kanila, medyo okay naman sa akin dahil `di hamak na mas mahalimuyak ang kanilang amoy— malinis sa katawan. Hindi ko naiwasang pagkumparahin ang pagkakaiba nila sa mga piratang humuli sa akin. Sa punto kasing ito, hindi sila makikitaan ng bagsik at panggigigil sa kanilang mga mata. They seemed stiff, careful, and scared. Namataan ko pa kung paano manginig ang daliri ng isang nakahawak sa akin. Mas disente ang kanilang pananamit. They both wear a pull-over shirt na kulay cream. Itong nakahawak sa akin ay wala ni anuman bigote o balbas habang iyong bigotilyo ay umalis sa aking tabi at inayos ang pagkakapwesto ng mga kubyertos sa hapag. Bakit parang ang layo ng attitude nila sa mga mararahas na piratang humuli sa akin? “Tome asiento primero. Esperemos al Capitán Rael,” matigas na wika sa akin ng umaalalay sa akin bago ako paupuin. Nakatali pa rin ang mga palapulsuhan ko at pumuwesto siya sa aking gilid. (Take a seat first. Let's wait for Captain Rael) Pero teka, ano bang ibig sabihin ng mga sinabi nito sa akin? Anong klaseng lenggwahe iyon? Marahan kong inangat ang tingin sa kaniya at maingat na nagbitiw ng salita. “Sorry ha pero wala kasi akong naintindihan sa mga sinabi mo.” Halatang natauhan siya dahil sa biglang pamimilog ng kaniyang mga mata. Kaagad din niya itong ibinalik sa dati at animo’y walang ipinakita. “My bad. Hindi pa kasi ako gaano sanay sa tagalog. Is it okay if I talk to you in english?” I suddenly wondered. Bakit pakiramdam ko ay mabait ito? No. Ayaw ko maging assuming. Pirata pa rin siya at masasama ang mga gaya niya. “O-okay…” “But you can talk to me in tagalog para matuto ako—” Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil pumasok sa eksena ang bigotilyo nitong kasama, nakasimangot at para bang hindi nagugustuhan ang nakita niya. “¿Qué estás haciendo? ¡Deja de ser amable con ella antes de que el Capitán nos vea!” (What are you doing? Stop being nice to her before the Captain sees us!) “¿Qué hay de malo con eso? Ella sigue siendo humana, Pacquito.” (What's wrong with that? She is still human, Pacquito.) “Vamos, no seas estúpido. Eso no es lo que enseñó nuestro abuelo.” (Come on, don't be stupid. That's not what our grandpa taught.) “Parece tan inocente que no merece que la traten así.” (She looks so innocent, she doesn't deserve to be treated like this.) “Joder, te lo advertí, Yaelo, no me culpes después de esto.” (f**k, I warned you, Yaelo. Don't blame me after this.) Wala akong maunawaan sa mga pinag-usapan nila pero isa ang nasisiguro ko, nagtatalo sila tungkol sa akin. Iyong bigotilyo ay gigil na gigil sa bawat salitang sinasambit nito habang ang isa naman ay parang nakokonsensya, may pag-aalala sa bawat dapo ng tingin sa akin. Kanina, bago ako mapadpad dito ay sinabi sa’kin na anak raw ng isang Mexicano ang kapitan na natutulog pa sa raw sa loob. So, malaki ang posibilidad na Mexicano rin ang mga piratang nagbabantay sa akin ngayon? Kasi kung ganoon nga, sa pagkakaalam ko ay Spanish o Portuguese ang posibleng wika na ginagamit nila. Hindi ko lang alam kung ano ang pinagkaiba pero doon lang iyon iikot. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi nila? At bakit sila nag-aaway? Bumuntonghininga iyong bigotilyo saka tumungo rito sa hapag. Inilapag niya ang mangkok na naglalaman ng mainit-init na sabaw dahil halata sa usok na ibinubuga nito. Bigla akong nanakam nang maamoy ang mabango nitong aroma. Kakaiba ang luto na ginawa sa isda, masasabing nilaga na sinahugan ng kung ano-anong mga gulay. “You’ll eat with my captain after you introduce yourself. Be nice. Huwag kang matatakot,” payo ng nagbabantay sa akin. He seemed so calm after that short talk with his fellow pirate. Nakakapanibago. Pirata naman sana siya pero bakit nakikitaan ko ng kabaitan? “Pero Kapitan niyo siya. `Di ba’t natural lang na matatakot ako?” “I know what you feel but there’s no other way. You have to face him. That’s your only choice.” Napalunok-lunok ako dahil iyon din ang puntong ipinaiiral ko sa sarili ko kanina. Nandito na ako. Binihag na ako. Kung magwawala ako rito at magpakita ng hindi maganda sa kanila, sa isang iglap lang ay matatapos ang aking buhay. Nang bumalik muli sa loob ang kasamahan nitong bigotilyo ay muli akong nagtanong. “Pwedeng magtanong?” He nodded. “Seguir.” (Go on) “Totoo bang mga Mexicano kayo? Anong lenggwahe niyo?” Matagal bago siya nakasagot. Animo’y pinag-iisipan pa ang mga isasagot sa akin. Sumagot siya sa pilit na tagalog. “We talk in spanish language.” “Paano ka natuto magtagalog kahit konti?” Akma na sana niyang sasagutin iyon pero hindi na natuloy dahil muli na namang pumagitna sa amin ang bigotilyo. Salubong na salubong ang mga kilay nito at hindi sang-ayon sa pag-uusap na nagaganap sa amin ng kaniyang kasama. Nauunawaan ko dahil pirata sila pero itong mabait na kausap ko ay parang napipilitan at hindi pa ganoong sanay. Baguhan pa lang ba ito? “Ikaw babae, tigil-tigilan mo `yan,” pagalit na bulalas sa akin ng bigotilyo pagkalapag niya ng inumin at baso. “Pinagbabawalan kaming makipag-usap sa kagaya mo. Kung mahuhuli kami, pababalikin kami sa Mexico.” “S-sorry…” “Ako na ang makikiusap dahil baguhan pa lang `tong kapatid ko. Kailangan namin ng pera para maipagamot ang lolo namin. Kaya utang na loob, ikaw na ang umiwas. Please.” I nodded with parted lips. I can’t believe na kahit sila ay may mga problema rin. Pero tama ba kasing maging pirata kaysa kumuha ng disenteng trabaho? Tama bang pasukin nila ang mundo ng mga criminal para lang makahanap ng pwedeng pampagamot sa lolo nila? I understand their sentiments. Mabuti ang kanilang dahilan pero mali ang paraan. Sabay na umalis ang dalawa. Lumingon ako sa aking likod upang sundan sila ng tingin hanggang sa makita kong may lumabas sa deck. Napalunok ako nang makita kung gaano ito katangkad, kaputi, at kaaliwalas tingnan. Lalong lalo na nang mamataan ko ang mismong mukha nito at ang pagkinang ng kulay pilak na piercing sa tenga. God. Bakit ang gwapo? Ito na ba ang kapitan nila? Ito na ba ang boss nila? Sa pagkataranta ko ay mabilis kong inayos ang pagkakaupo ko. Hindi ko man lang maiayos ang magulo kong buhok dahil kapwa pa rin nakatali ang mga kamay ko. I cannot believe what I just saw! Para akong nakakita ng Greek God sa suot nitong black vest, cargo pants, at pull-over shirt na nakaangat hanggang siko ang manggas! “Is that her?” rinig ko sa hindi pamilyar na boses. Sigurado akong boses na niya iyon dahil hindi naman ganoon ang boses ng dalawa kanina. “Sí, capitán. Esa es ella.” (Yes, captain. That’s her.) “¿Has pagado a los piratas que la trajeron?” (Have you paid the pirates who brought her?) “Ya les pagamos, capitán.” (We already paid them, captain.) “Bueno.” (Good)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD