Tigmak ang luha ko matapos ikuwento ang mga nangyari noon. Ang sakit lang isipin na iyon na rin pala ang huling pagkakataon upang makita ang ngiti ni Yolia. Kung hindi dahil sa pagpupumilit ko na sumama siya sa akin sa Isla, siguro buhay pa siya ngayon. I will never deny my mistake. Kasalanan ko rin dahil mas pinili kong hindi makinig kay Nanay. Kung nagsama lang siguro ako ng mas matanda na willing magbantay sa amin, siguro may tyansa pa kaming makaligtas. Kaya lang, sa dami ng mga piratang humabol sa amin noong araw na iyon, hindi ko alam kung kakayanin ba iyon ng limang tao. They seemed so strong. Halatang halata na sanay na talaga silang manakit ng tao at gawin nang walang kahirap-hirap ang intensyon. Nakakatakot. “Eto miss ha? Huwag kang ma-offend sa sasabihin ko,” ani guard haban

