“You even… called me wh-ore…” I mumbled as we both calmed down. Kung kanina ay `di mapigil-pigil ang tensyon sa pagitan naming dalawa, ngayo’y kalmado na at animo’y handa na makinig sa isa’t isa. Dahil ito naman talaga ang binabalak ko bago ko pa man siya hayaang makalabas ng silid na ito. Hindi ko siya hahayaan hangga’t `di kami nagkakaayos. “What?” kunot-noo niyang bulalas sabay hawi ng pawis sa noo. “Kailan ko sinabi?” “Kanina!” pabulong kong sigaw. Nagsalubong sa inis ang mga kilay ko. “Akala mo ba `di ko malalaman?” Suminghal siya. “`Di ko alam ang tinutukoy mo, Saiah.” “Tinanong ko si Rael kanina kung anong pinag-usapan niyo noong naghatid ka ng pagkain. At alam mo kung anong sinabi? Tinawag mo raw akong malandi kaya kinailangan mo agad humingi ng tawad.” “What the f**k?” Ibinag

