Kabanata 1
"Ma, ayoko talaga umalis dito kahit naman sira sira na tong bahay na to ayoko pa din lumipat at isa pa ayoko sa mga ugali ng tao don" mahabang sabi ko kay mama
"Tigilan mo na ang pagbubunganga mo Nica, lilipat tayo sa ayaw at sa gusto mo wala ka ng magagawa.Hindi naman sa atin ang bahay na ito ang lilipatan nating bahay ay sa atin na talaga" saad naman nito sa akin na may tono na pagalit
Ngayon ay December 30 bukas ay lilipat na kame ng bahay isinakto talaga nila ng 31 para daw saktong bagong taon ay nandoon na kame sa bahay na aming lilipatan. Nakikitira lamang kame sa bahay ng tiyuhin ni papa at ang bahay na ito ay medyo sira sira na sa kusina ang sa cr naman ay mga lumang yero na pinagdikitdikit ang nag sisilbing pader nito hindi mapaayos dagil hindi naman ito sa amin. Ayaw ko talaga lumipat ang papanget ng ugali ng mga tao doon, kainis.
"Ano hindi ka kikilos, ibabato ko sayo tong hawak ko ng makita mo. Yung mga halaman isakay mo sa trycicle at iaayos ko yan doon" halata sa tono ni mama ang pagkairita dahil kanina pa ako tulala dito at pinapanood lamang sila na mag hakot ng gamit
Nang kinabukasan ay maaga kame na gumising upang mag lipat ng gamit sa aming bahay na lilipatan, wala na nga akong nagawa at tumulong na lamang sa pag hahakot ng gamit, ayoko lumipat pero mas yoko maiwan dito mag isa
Nakailang balik pa kame at muntik na nga maiwanan ang alaga ko na aso buti nalang ay isinama ito ni papa at hindi nakalimutan
mahaba habang oras ng pag lilinis ang aming ginawa sa bagong bahay na aming nilipatan, ayoko talaga dito kada alalabas ako ay grabe makatingin ang mga tao dito, ngayon lang ata nakakita ng maganda.
kinagabihan ay nagluluto na si mama para sa bagong taon ibat ibang prutas ang nasa lamesa may mga candies at chocolate pero wala akong gana kung kaya nahiga muna ako, alas 10 ng magising ako sa videoke kumain lang ako at bumalik sa tulog
kinabukasan ay para akong walang gana sa buhay, hindi na nga ako nakapag antay ng alas dose kagabi para sa bagong taon ngayon naman ay para akong magkakasakit
"Oi dyan na pala kayo nakatira, punta ako dyan mamaya hahatid ko lang to" sabi ng kaklase ko noong 1yr na si Mina
"Ah oo kakalipat lang kahapon, sige antayin kita" sagot ko naman kahit hindi naman kame close at hindi din mana kame magkaibigam pero ayoko naman mag mukhang rude
Kahit palaano ah nakakalibang naman pala kasama si Mina, lumipas ang mga araw na wala akong ibang gimawa sa buhay ko kundi ang manood ng tv at matulog taong bahay lang naman ako at isa pa wala din naman akong kakilala dito. Jan 19 at nandito lang ako sa bahay nanonood ng paborito ko na kdrama ng biglang sumulpot si Mina sa pinto
"Tara sa labas, taong bahay anoh hindi ka ba nag sasawa panoodin yan" kaya ayokong may kasama nanonood ako ng paborito ko tas may paepal na susulpot
"Tss mamaya lalabas ako tatapusin ko lang to, san ba?" Pag payag ko ng hindi naman ako laging nasa bahay
"Dyan lang sa labas, tambay tayo" tumango lang ako at diko alam kung saan pupunta babaita na yon dahil biglang umalis.