When I woke up, wala na si Magnus sa tabi ko. Gusto kong murahin ang sarili ko thinking that he will do me when all he wants are other girls at hindi ako!
Pumayag siya sa kasal for business. Plain business. Pero bakit parang nakukumbinsi ko ang sarili kong may nararamdaman siya para sa akin? That's not it, right?
I cleaned up myself at natantong nagluto siya ng maaga. There was a note beside the food:
Eat. I'll be home early tonight. I want to see you in my room home early.
Ano sa tingin niya ang sinasabi niya? Na susunod ako sa gusto niya? No way!
Nagbihis ako at nag-aalburutomg lumabas dahil sa katuturan. I want to call off the wedding yet he's ordering me around. Hindi pa nga kami kasal ganyan na siya makaasta. I have my own life!
The day was pretty hectic. Ang dami kong meeting na dinaluhan dahil na rin sa mga business na kailangang aprubahan sa lalong madaling panahon.
Panay ang follow-up ni Rae sa akin dahil sa mga meeting to the point na hindi ko na naattendan lahat ng ito. Lance informed me to meet him in the nearest cafe. Sa tingin ko nagseseryoso na siya ngayon at 'yun ang kailangan kong alamin kung bakit. Isa sa mga tanyag na businessman si Lance at hindi maipagkakaila na matalino siya sa field na ito. It's just that alam kong may itinatago rin siya sa akin. Napagtanto kong mas may alam si Lance sa akin kaysa ako sa kanya.
Nang maghapon na, Lance told me he's already there kaya dali-dali akong naghanda para sa meet-up namin. This day, hindi ako tinext ni Magnus, I wonder why?
"Tagal mo, ah?"
Inirapan ko ang kumag. Nagmadali na nga ako late pa rin paningin niya nun?
"I'm not late, okay? Shall we eat first?"
"Huwag na. Madali lang din naman ito, eh."
"I insist. Kakain tayo Lance. Ginugutom mo ata sarili mo."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Nakakalimutan mo atang ikakasal ka, Hynx?"
Napabaling ako sa kanya. Nakakainis! Hindi ko na nga iniistorbo si Magnus tungkol diyan tapos ipapaalala niya sa akin.
"Eh ano naman kung ikakasal, huh?"
Nagbuntong-hininga si Lance.
"That doesn't mean that I can't eat outside!"
"Chill. Kakain nga tayo just don't raise your voice ka babae mong tao parang kingkong makasigaw."
At pumayag nga siyang kumain kami. Konti nalang talaga iisipin kong marunong magbasa ng utak 'tong si Lance. Sinabihan pa naman ako ni Magnus na umuwi ng maaga. Ba't ko ba iniisip iyan?
"Hynx, ipinapaalala ko sa'yo na hindi madaling ipatupad itong hinihiling mo. The costing is too much. Hahahanap ako ng alternative sa materials na pasok sa panlasa mo. Business is business but we need to satisfy our customers."
"Hindi ko pa naman inaaprubahan iyan, Lance. It is still subject for improvement. Besides, I still need to ask the architecture of this project sa tingin ko may mga maisa-suggest pa ako sa ibang materyales. I want this to be approved right away."
"I'll arrange a meeting para ma finalize na lahat."
May tumawag kay Lance na siyang ikinatigil namin. Hindi niya sinagot kaya nagtaka ako. Nakita niya ang tanong sa mga mata ko kaya nagsalita na.
"That was just nothing. Should we call it a day? Pagod ako bunny."
"You're avoiding it. May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
Tinitigan niya lang ako at nagbuntong-hininga. This past few days nalaman kong masyadong napapadalas ang pagbabiyahe niya sa labas ng bansa at madali ring umuuwi every after a day. Sino ba namang tao ang gagawin iyan kung hindi importante?
"It's nothing, okay?"
"Lance, I'm warning you. Malaki na tayo pero ikaw pa rin ang pangalawa kay kuya Lynx."
I know that he doesn't want to share it to me. Halata naman kasi sa mga mata niya. Nang magsasalita na sana si Lance ay biglang may umalingawngaw na nabasag na kung ano di kalayuan sa amin. Napalingon kaming lahat doon.
Hindi ko alam kung bakit ang daling naagaw ng atensyon ko sa lalaking nakaupo doon.
The body built, the skin tone and the way he dresses. Hindi ako nagkakamali. Siya talaga iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwala ang paningin ko sa kanya. I was devastated years ago, yes. Pero bakit? Dapat hindi ko na siya nililingon pa. Dapat hindi na. Stupid girl!
Dali-dali akong umalis doon sa cafe. Alam kong sinundan ako ni Lance dahil rinig na rinig ko ang pagtawag niya sa akin.
Bago pa ako makapasok sa elevator sa basement ay hinila ako ni Lance.
"The hell, Lance?!"
"What do you think is happening to you? Nakikita mo ba sarili mo, Hynx?"
Galit na galit na mungkahi sa akin iyon ni Lance. It seems like I am hurting him by seeing that man again.
"God, Hynx!"
Nangilid ang luha sa aking mga mata. This is not my damn fault!
"Hindi mo ako naiintindihan, Lance! Kasi ako hindi ko rin alam. Do you hear me?"
Kumalma si Lance sa mga sinabi ko.
"Naiintindihan kita, Hynx. Sobra kitang naiintindihan pero huwag mo namang ipamukha talaga na sirang-sira ka pa rin hanggang ngayon."
Hindi ko rin alam kung bakit naaapektuhan pa rin ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito pa rin ako sa kanya. Ilang taon kong inilibing lahat nang walang sinasabihan maliban sa mga kakilala at pamilya ko pero bakit? Bakit bumabalik pa rin?
Kaya ayokong ikasal.
Ayokong isipin ng lalaking ikakasal sa akin that I have still an unfinished business from the past. Nakakainis lang isipin na ang dali nito kay Magnus dahil sa wala naman talaga siyang pagtingin sa akin. Kung meron man, hindi ko kayang paniwalaan iyon.
Nang kumalma kami parehas ni Lance ay minabuti muna naming mamalagi sa office ko.
"Hynx, alam kong sobrang gulo ng buhay mo ngayon but please choose the right one."
"Lance, kaya nga ayoko pang ikasal diba? Ba't ba ang hirap niyong intindihin iyon?"
"Tell your fiancé. Tell him to stop this and call this off wedding of yours."
Tiningnan ko siya. Tama siya. Dapat ito ang sabihin ko kay Magnus.
When I went home, tahimik ang bahay. Is he not home yet?
Nang makapasok na ay madilim ang bahay walang tao. Napagtanto kong kung masasanay ako sa lugar na ito baka ang hirap nang kalimutan. Naghihirap ako sa mga taon na pilit kong kalimutan noon nang wala akong kasama paano pa kaya ito. I don't want Magnus to think that this something is going into nothing.
I miss him, I admit that pero hindi pa pwede ngayon. Kailangang itigil muna namin ito. Gagawa ako ng paraan para mapigilan itong mangyari.