LUIZ’s POV Nang pumasok si Jessica sa loob ng bahay, batid kong nasaktan ko siya. Nawala ang ngiti sa kaniyang mga mata. Lungkot ang nabasa ko sa mga mata niya. Kasalanan ko. Hinayaan kong marinig niya ang kasinungalingan ni Briannah. Hindi ko agad nagawang itama. Hindi ko mahal si Briannah at wala kaming relasyon. Ganoon din si Flora. “Luiz, kailangan bang dito siya tumira? Kapatid pala siya ng kaibigan mo.” Napatingin ako kay Briannah. Sino siya para tanungin ako nang ganito? Wala pa kaming relasyon pero parang gusto na niya agad pakialaman ang mga desisyon ko sa buhay. “Briannah, alam mo, oras na para magpahinga. Saka lilinawin ko lang sa iyo, wala tayong relasyon at wala tayong dapat ituloy. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Ayokong ikaw ang humahabol sa akin kung wala naman akon

