JESSICA’s POV Nandito ako sa kuwarto. Nagkukulong. Pumayag ako sa gusto ni Luiz na ligawan pero hindi ko naman alam ngayon kung paano ko siya pakikiharapan? Ang hirap, nasa iisang bahay kami at liligawan niya ako. Sa pagpayag ko sa panliligaw sa akin, ibig sabihin ay mas pinaniniwalaan ko na siya kaysa sa mga narinig kong sinabi nina Ma’am Flora at Briannah. Kung may nangyari man sa kanila, sabi nga ni Luiz na may kahinaan siya. Pero hindi na dapat iyon maulit kung liligawan niya ako. Off limits na dapat ang mga babae niya rito. “Asawa ka na ba niya, Jessica?” tanong ko sa sarili ko. Wala pa man din kaming relasyon ay parang hahawakan ko na siya sa kaniyang leeg. Mabuti na lang at may pasok si Luiz ngayon. Aalis siya ng bahay at maiiwan ako. Hindi na namin napag-usapan ang tungk

