6

1015 Words
JESSICA’s POV “Bunso,” tawag sa akin ni Kuya. Kakahatid ko lang sa kaniya sa kwarto niya para makapagpahinga na. Hindi pa ako tuluyan nakakalabas ng kwarto ay tinawag niya ako. Kapag ganito, parang ayaw kong lumapit sa kaniya. Panay na ang habilin niya sa akin. Halos gabi-gabi na lang o di kaya kapag magkasabay kaming kumakain. Ilan lang sa hinahabilin niya ang ang tungkol sa pamilya niya. Kapag namatay na siya, payagan ko raw na sumilip sa kaniya si Ate at huwag ko raw aawayin. Iniwan siya ng kaniyang asawa dahil pakiramdam ni Ate, pabigat si Kuya. Nakatikim lang ng kaunting ginhawa, ayaw na muling magtiis. Sa palengke rin lang niya nakilala si Ate Jocelyn at sa sipag ni Kuya, umunlad ang pamumuhay nila. Mabait si Kuya Marlon, imbes na magalit sa asawa dahil tinangay pa ang anak nila, iniisip pa rin sila ni Kuya. Hindi ko na lang sinabi kay Kuya Marlon na may kinakasama na si Ate. Ayaw ko na maragdagan pa ang paghihirap ni Kuya. Kapag nawawalan ng bisa ang pain reliever niya, nakakaawa siya. Gusto kong magtapos ng pag-aaral dahil mahirap ang walang natapos. Ang iba nga kahit graduate na, hirap pa rin maghanap ng permanenteng trabaho. Paano pa kapag hindi college graduate? Birthday ni Kuya ngayon at ayaw kong sumama ang loob niya, kaya bumalik ako sa kaniya. “Ano po iyon, Kuya Marlon?” tanong ko sa kaniya. Nakaupo pa siya at hindi pa humihiga. “Halika rito, Jessica, bunso.” Tinapik niya ang gilid ng kama para doon ako maupo. Sumunod ako at naupo sa tabi niya. “Nakausap ko na si Luiz. Sinabi ko na sa kaniya na kapag namatay ako ay kung maaari ka niyang kupkupin. Pumayag si Luiz. Pasensiya na bunso, ang iba nating kapatid ay may kani-kaniyang pamilya na. Mahirap na doon ka makisama. Baka ikaw pa ang asahan nila na magtrabaho para sa pamilya nila.” May iba pa akong Kuya. Pero kakaiba sila, malayong-malayo kay Kuya Marlon ang ugali. “Si Luiz naman ay kilala ko. Mabuti siyang tao. Iingatan ka niya dahil alam niya na mahal kita. Poprotektahan ka niya tulad ng pagprotekta ko sa ‘yo. Makakapag-aral ka kapag kay Luiz ka tumira. Kasama iyon sa pinakiusap ko. Puwedeng ikaw ang gumawa ng mga gawaing bahay para hindi siya lug isa ibibigay sa ‘yo. Malapit na, bunso. Nararamdaman ko na, baka isang araw, wala na ako.” Ito ang iniiwasan ko. Ang mga ganitong salita ni Kuy ana tila nagpapaalam na. “Kuya, huwag mo po sabihin ‘yan. Magtatagal ka pa. Magpapagaling ka para makasama mo muli si Andrei.” Kaya lang mas napaiyak ako dahil naalala ko ang pamangkin ko, lalaki siya na walang magulang. Parang ako, bata pa lang ay nawala na ang mga magulang namin. Kaya si Kuya Marlon ang tumayong tatay ng aming pamilya. Umiiyak na rin si Kuya Marlon. Kasalanan ko, nabanggit ko si Andrei. Pero ang dahilan ko sa pagbanggit ay para lumaban siya sa kaniyang sakit kahit ang totoo ay malabo na. Kalat na ang cancer sa kaniyang katawan. Para mapanatag si Kuya, umayon na lang ako sa mga sinabi niya. “Kuya, huwag mo na po ako isipin. Malaki na ako. Pero susundin ko po ang sinabi mo. Makikitira ako sa bahay ni Kuya Luiz.” Inabutan ko siya ng pamunas para sa kaniyang luha. Ako ang suot kong damit ang pinamunas ko, magpapalit pa naman ako ng aking damit. Siniguro ko muna na okay na si Kuya bago ko siya iniwan. May iniinom siyang gamot na pampatulog. Dahil kung hindi siya iinom, magdamag siyang gising dahil sa kaniyang nararamdaman at mga isipin. Ubos na ang pera ni Kuya. Ang bahay at lupa na ito ay nakasanla na sa banko. Hindi naman nahuhulugan kaya malapit na rin mailit. Ang mga gamit namin, kakaunti na rin. Ibinebenta ko sa mga kapitbahay. Wala na talaga. Ang ipinanluto ko ng pansit kanina ay galing sa kinita ko. Nagtitinda ako ng mga pagkain sa school. Patago lang. Pero alam ng teacher namin. Minsan nga mga teacher ang suki ko. Pandagdag sa pambaon at kahit papaano makatulong kay Kuya Marlon. May ibinigay siyang sobre kanina, pagkaalis nina Kuya Luiz. Pa-birthday sa kaniya bukod sa cake na dinala nil ani Ma’am Flora. Malaki rin ang laman ng sobre. Pambili na ito ng gamot ni Kuya Marlon. Noong nakaraan si Boss Mike ang nagbigay ng pera kay Kuya. Hindi lang sila makatagal dito sa bahay dahil nahihirapan silang makita si Kuya Marlon sa ganitong kalagayan. Sana nga bumalik si Kuya Luiz, dahil masaya si Kuya kapag may bisita siya. Minsan sinasabi niya na huwag na siyang dalawin pero ang totoo, gusto niya na dalawin siya ng mga ito. Ako rin gusto kong madalaw siya ng mga kaibigan niya para may iba siyang nakakausap. Nauubos na ang kuwento ko sa kaniya. Pati ang sikreto ko, nasabi ko na rin. Nahirapan akong bawiin dahil tumatak agad sa isipan niya. Sa amin lang naman na dalawa iyon ni Kuya. Hindi naman niya sasabihin iyon sa iba. Bagay si Kuya Luiz at Ma’am Flora. Parehas pa silang guro sa sikat na unibersidad. Lagi silang nagkikita at nagkakasama. Ako minsan ko na lang makita ang crush ko, may kasama pa. Hanggang crush lang naman, dahil kapag nalaman na niya, sigurado ako na hindi rin niya ako papansinin. Bibigyan ko pa ng sakit ang puso kong nananahimik. Walang sinabi si Kuya Marlon na pabalutan ko si Kuya Luiz. Pero ako ang nagtabi talaga niyon. Sabi kasi ni Kuya Marlon, mahilig si Kuya Luiz sa pansit. Naalala ko, kaya pinagtira ko siya. Ginamit ko lang ang pangalan ni Kuya para kunin niya. Nag-aalangan pa nga siya kanina. Mabuti nakaisip agad ako ng alibi kaya kinuha niya. Kung totoo lang sana ang gayuma, ginawa ko na. Hindi ko alam kung saan ba makakakuha noon. Kaya lang kapag binuhusan na ng asin, puwedeng mawala na ang bisa. Hanggang panaginip na lang iyon at saka bata pa ako. Baka may ibang lalaki na nakalaan sa akin at ang crush ko, hanggang Kuya ko lang yata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD