7

1238 Words
LUIZ’s POV Graduation ni Jessica ngayon. Pinapunta ako ni Kuya Marlon noong nakaraan para ipakiusap na samahan ko si Jessica sa araw ng pagtatapos nito sa grade 12. Kailangan ko na lang magbihis. Maaga pa naman pero plano kong pumunta nang mas maaga para may oras pa ako na makausap si Kuya Marlon. Mabuti na lang at maaga akong nasabihan kaya nakapag-file pa ako ng leave. Sa tuwing ginagawa ko ang pagbibihis, hindi ako tumitingin sa salamin. Dahil isang mukha ang nakikita ko. Pagkasuot ko na lamang ng damit saka ako titingin para ayusin ko ang aking buhok. Kailan ba ako makakalaya sa multo ng kahapon? Kailan ko ba siya makakalimutan? Mukhang hindi na. Nakatanim na ang kaniyang imahe sa aking isipan at habang may mga marka na nagpapaalala sa kaniya. Inalog ko ang aking ulo para makalimutan ko ang demonyong iyon. Hindi niya dapat masira ang araw na ito. Humuni-huni ako para malibang. “Ano kaya ang sasabihin ng mga kaklase ni Jessica kapag nakita ako? Kailangan bata pa rin akong tingnan.” Bakit ganito ang naiisip ko. Aakyat sa stage si Jessica dahil may highest honor ito. Ako ang magsasabit ng medalya mamaya. Noong ako ang nagtapos, si Boss Mike ang nagkabit ng medal sa akin dahil siya ang guardian ko. Ngayon, proxy lang ako dahil may sakit si Kuya Marlon. At para sa kaniya kaya ako pupunta. “Kaya bakit kailangan kong mamroblema sa hitsura ko?” Matatahimik na naman ang kabahayan. Aalis na ako. Isinarado ko ang lahat para hindi magkaroon ng problema lalo na at aalis ako. Dinala ko ang kotse ko. Malayo sa kanila ang tinitirhan ko. Hindi puwedeng lakarin. Pero ang paaralan ni Jessica, puwedeng malakad mula sa bahay nila. Iiwan ko lang sa labas nila ang sasakyan. At saka hassle ang may dalang sasakyan kung wala naman ma-park-ingan sa paaralan ni Jessica. Nandito na ako sa labas ng bahay nina Kuya Marlon. “Jessica, nandyan na si Luiz.” Narinig ko si Kuya Marlon na tinawag ang kapatid. Nasa may pinto na ako ng bahay nila. Kaya malinaw ang dinig ko. “Hello po, Kuya Luiz, pumasok po muna kayo. Maaga pa naman po. Baka mainip po kayo kung maaga po tayong pupunta.” Nakaligo na naman siya at basa pa ang buhok. Pambahay pa ang suot niyang damit. “Hi. Oo maaga pa nga, sinadya kong pumunta nang maaga para makaharap ko muna si Kuya Marlon. Take your time. Kay Kuya Marlon lang ako.” Itinuro ko pa si Kuya na nakaupo sa may tumba-tumba niya. Ang lakas ng kaniyang pang-amoy at pandinig. Alam niya na ako ang dumating. “Okay po. Kumain na po ba kayo? May kanin at ulam pa po,” alok ni Jessica. “Tapos na akong kumain. Salamat na lang. Puntahan ko na muna si Kuya Marlon.” Tumango naman si Jessica. Magkaiba kami ng pinuntahan. Ako kay Kuya Marlon, siya hindi ko alam. Mahaba-haba ang oras namin ni Kuya. Bitin din ang oras kapag dumadaan ako pagkagaling sa university. Kinuwentuhan ko si Kuya Marlon para malibang naman siya. Hindi naman ako joker. Tahimik at seryoso ako. Pero kapag si Kuya Marlon ang kasama ko, lumalabas ang tunay na ako. Nalibang kami sa kwentuhan. Hindi na rin naman namalayan ang oras at kung bakit ako nandito. “Kuya Luiz, ready na po ako. Maglakad na lang po tayo,” sabay kaming napalingon ni Kuya Marlon. Napakasimple ni Jessica. Walang make-up pero ang mga pisngi niya ay namumula. “Kuya Marlon, alis na muna kami ni Jessica. Sigurado ka na kaya mong mag-isa rito?” tanong ko pa sa kaniya. Ngumiti siya. “Oo, Luiz. Ikaw na ang bahala sa bunso ko. Hihintayin ko kayo. Salamat sa pagsama mo sa kaniya.” Tinapik ko pa siya sa kaniyang balikat pagkatayo ko. Lumapit din si Jessica at humalik sa Kuya niya. “Sigurado ka po na okay ka lang dito?” Puno ng pag-aalala ang inosenteng mukha ni Jessica. “Okay lang ako. Sige na, umalis na kayo,” taboy pa sa amin ni Kuya Marlon. Nagkatinginan lang kami ni Jessica at tinanguan ko siya bilang hudyat para umalis na kami. Sa hitsura ng magkapatid, parang ang sakit nilang panoorin. Lumabas na kami ni Jessica ng bahay. Wala na ang bakas ng luha, pero ang pamumula ng kaniyang mga mata ay nandoon pa. Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat. “Uuwi rin agad tayo pagkatapos ng graduation mo. Bumili rin tayo ng pagkain na mapagsasaluhan natin mamaya. Hindi man nakasama si Kuya Marlon, sa bahay na lang tayo kumain.” Inaalo ko si Jessica. “Salamat po, Kuya Luiz.” Iyon lang ang sinabi niya. “Wala iyon. Hindi naman kayo iba sa akin ni Kuya Marlon, lalong-lalo na siya.” Iyon lang at hindi na kami nagsalita pang dalawa. Pagdating namin sa school, puno na ang quadrangle. May mga estudyanteng naka-toga, may mga magulang na abala sa pagkuha ng litrato, at may mga guro na nag-aayos ng upuan sa harap ng stage. “Kuya, tisyu po. Pasensiya na po at pinaglakad ko po kayo. Puwede nga po pala tayong sumakay sa pedicab.” Inabot ko ang tisyu at pinunasan ko ang noo kong basa hanggang leeg. “Kuya, may dumi po.” Turo niya sa aking mukha. Kinapa ko para alisin pero hindi ko makuha. Napangiti si Jessica. “Ako na lang po. Mumurahin po kasi kaya dumidikit. Pasensiya na po,” sabi niya at inalis niya ang tisyu sa mukha ko. “Jessica!” may tumawag sa kaniya. Napalingon ako sa tumawag habang ang kamay ni Jessica ay nasa mukha ko pa. Hindi ko sadya na mahalikan ang kamay niya. “Aww, ang sweet!” kinikilig itong lumapit. Samantalang ako, “Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako.” Paliwanag ko kay Jessica na nakatitig sa akin. “Ah, okay lang po Kuya Luiz. Ito po kasing si Angel, ibang ingay. Mahilig po talaga ‘yan manggulat. Huwag na lang po ninyong pansinin.” “Boyfriend mo?” tanong niya ngayong malapit na talaga siya sa amin. Hindi na siya sumigaw. Hindi agad ako naka-react. Sa isip ko, puwede pa pala akong magkaroon ng girlfriend nag anito kabata. “Okay lang ‘yan. Uso naman ang age gap. Love has no age, ika nga. Ako gusto ko rin matured ang lalaki kaysa sa akin para siya ang magdala ng relasyon.” Hinila ni Jessica ang kaibigan. Hindi naman sa kalayuan dahil maraming tao. Pasimple ko lang silang tiningnan. Sinasabihan yata ni Jessica ang kaibigan niya. Bumalik sila na nakangiti ang kaibigan niya sa akin. “Dahil mali pala ako, puwede pa pala akong dumikit sa inyo, Sir. Puwede po ba magpapicture?” sabi ng kaibigan ni Jessica. Hindi pa ako nakakasagot, iniabot na niya ang phone kay Jessica para picturan kami. “Puwede mo rin bang picturan kami ni Jessica para may souvenir kami?” iniabot ko ang phone ko sa kaniya. Walang phone si Jessica kaya ang sa akin ang ginamit ko. Ipapakita lang namin kay Kuya Marlon. “Mamaya picturan ko rin kayo kapag umakyat na si Jessica sa stage. Ang ganda ng picture natin. Puwede kong gamitin na screen saver.” Sabi niya at saglit na iniharap sa amin ang phone niya. Kung ano ang tahimik ni Jessica siya namang ingay ni Angel. Ito ang name niya sabi ni Jessica. Nagtawag na at pinaayos na ang pila para magsimula na ang graduation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD