JESSICA’s POV Mas mabuti ngang pumasok na lang ako rito. Baka nahihiya si Luiz. Masyado kasing sweet si Ma’am Flora. Hindi mabura sa isipan ko ang sinabi ni Ma’am Flora na ginagawa nilang dalawa. Tama naman na huwag nilang ipakita iyon sa akin kaya ganoon na lang ang pag-iwas ni Luiz. Noon nakikita kong sweet ang Kuya ko at ang asawa niya kahit may nakakakita. Baka iba si Luiz dahil hindi pa sila mag-asawa. Baka para sa kaniya ay sacred iyon. Kaya bawal maging showy. “Jessica, tama lang na malaman mo agad para hindi ka na umasa. Bata ka pa at kailangan mag-aral ka muna. Marami pang lalaki na puwedeng humigit sa mga nakita mong katangian ni Luiz.” Napabuntonghininga ako. Mabuti at hindi pa sila sumusunod sa akin. Nakatayo pa rin ako at ang manok pa lang ang nailagay ko sa pinggan.

