JESSICA’s POV Naging maayos naman ang ilang Linggo na magkasama kami ni Luiz. Iwas na lang ako para walang masabi si Ma’am Flora kung sakali mang bumalik siya rito. Pero habang tumatagal na kasama ko siya, mas na-de-develop ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sino ang hindi mahuhulog sa tao na walang bisyo? Bahay at school lang ang kaniyang pinupuntahan. Siya rin ang namimili. Tinutulungan niya akong maglinis kapag wala siyang pasok. Hati kami sa trabaho rito sa bahay. At sa tuwing umuuwi siya, may pasalubong siya. Hindi man kamahalan, kahit simpleng tinapay lang, nakakataba ng puso. Kaya masuwerte si Ma’am Flora. Iyon nga lang at hindi sila yata lumalabas. Baka busy si Ma’am Flora. Papunta ako ngayon sa school para mag-enrol. Isasabay na ako ni Luiz. “Jessica, ready ka na ba?” t

