JESSICA’s POV “Kumusta ka naman sa piling ni Sir Gwaps?” tanong niya sa akin habang nakapila na kami sa cashier ni Angel. “Sinong Sir Gwaps?” nilingon ko siya at magkasalubong ang mga kilay ko. “E di sino pa? ‘yung kasama mo kanina. Sa kaniya ka na ‘di ba nakatira?” pinamaywangan pa ako nito habang nagsasalita. “Si Luiz? Paano naman –“ “Wait!” hinawakan pa niya ang kamay ko at pinutol ang pagsasalita ko. “Paki-ulit, tama ba ang narinig ko? Tinawag mo siya by first name? At bakit?” “Ikaw, makinig ka muna. Hindi komo’t tinawag kong Luiz ay may kailangan na akong ipaliwanag sa ‘yo.” “Dati kasi Kuya ang tawag mo. Ngayon, first name basis na lang. Hindi naman kayo same age. Aber, anong paliwanag mo?” Natatawa at napapailing ako rito. “Ayaw ko, judgmental ka. Unang-una na inaayawan ko

