LUIZ’s POV Naka-leave ako today. Ang plano ko ay samahan si Jessica na mag-enrol kaya lang may kasama na pala siya. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang samahan? Hindi dahil gusto kong gampanan ang pagiging Kuya sa kaniya. Iyon lang ang maliwanag, wala akong plano na maging kapatid niya. Akala ko nasa likod ko na sila, nabuksan ko na ang makina ng kotse wala pa silang dalawa. Lumabas ako para antabayan ang pagdating nila. Tumayo na ako sa tabi ng pintuan para pagbuksan sila. Pinagmamasdan ko pa ang paglalakad nilang dalawa. Abala pa rin sila sa pag-uusap. Ganoon siguro sila, maraming pinag-uusapan. Naalala ko noong unang nakita ko si Angel, medyo maingay na siya. Kabaligtaran ni Jessica. Makuwento siya kapag nasa mood. Minsan naman tahimik lang din. Nang malapit na sila, mabili

