JESSICA’s POV Kanina pa ako nanggigigil dito kay Angel. Wala na siya at kami na lang ni Luiz ang magkasama rito sa kotse niya. Kung puwede ko lang habulin si Angel, ginawa ko na kanina. Magmumukhang bata lang kami kapag ginawa ko iyon. Nandoon pa naman si Luiz. Para tuloy mas lalong napatunayan niya na tama ang pagkakatanda niya noong isigaw ni Jelay na crush ko siya. Ang mga kaibigan ko talaga ang magpapahamak sa akin. Akala ko totoong may crush si Angel kay Luiz. Ang babaeng iyon, ang daming drama sa buhay. Pagkaalis ni Luiz kanina, noong maghiwalay kami, hinila ako ni Angel sa isang tabi. May upuan doon kaya magkatabi kaming dalawa habang nag-uusap. “Alam mo, obvious ka po. Nagseselos ka, ‘no? Aminin mo na.” “Nagseselos? Bakit at kanino?” “Wow, ang galing umarte. Pero kanina,

