LUIZ’s POV “Dito ang magiging kwarto mo. Wala pa itong pinto kaya nilagyan ko na lang muna ng kurtina,” sabi ko kay Jessica habang papasok kami sa kuwarto niya. Bitbit ko ang mabibigat niyang gamit. Bago ang mga bedsheet, kumot at unan. Pati ang foam ay bago kong bili. Mayroon namang built in cabinet itong kuwarto. Nasira lang ang pinto marahil sa katagalan na rin. Hindi ko na rin ipinagawa dahil akala ko walang gagamit nito hanggang sa makaalis ako. Nag-iipon ako para magkaroon ng sariling bahay. Naghahanap ako ng bahay na puwede kong ma-loan sa Pag-IBIG. Para sa equity at pagpapaayos ang iniipon ko. Mahirap makabili ng cash dahil million na ang halaga ng mga bahay at lupa. Wala pa akong ganoong halaga. “Okay lang po, Kuya Luiz. Salamat po. Gagawin ko po na hindi maging pabigat po

