LUIZ’s POV Bumalik ako ngayon sa bahay ni Kuya Marlon at Jessica. Susunduin ko na siya. Naayos ko na rin ang kuwartong gagamitin niya. Pinasamahan ko siya sa kapitbahay nila na nakapahinga na rin. Kaya noong sumunod na gabi ay sa bahay na ako natutulog. Bakasyon pa rin ako. Sa isang Linggo na ako magre-report sa school. Malinis na ang bahay. Wala na ang mga kagamitang malalaki. Naubos na yatang ibenta at ipamigay ni Jessica. Nakita ko agad ang mga bag na naglalaman marahil ng mga gamit ni Jessica. “Sir, nandito na po pala kayo. Naliligo lang po si Jessica. Akala po niya mamaya pa po kayo darating,” sabi ni Ate Melinda. “Ate, kumain ka na po –“ boses ni Jessica iyon at napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatapis siya ng towel at galing sa banyo nila. Bagong ligo siya.

