LUIZ’s POV Nailibing na si Kuya Marlon. Ang mga kapatid naman nila ay nagmadali na rin sa pag-uwi. Hindi man lang nag-aksaya ng panahon para damayan ang kanilang kapatid na si Jessica. Hindi ko mapayagan na uuwing mag-isa si Jessica sa bahay nila. Mas mahirap na mag-isa siya kung sobra ang nararamdaman niyang lungkot sa panahong ito. Sinamahan ko siya sa pag-uwi. Pasasamahan ko lang sana siya sa kanilang kapitbahay kaya lang ay mga pagod din sila. Ilang gabi rin silang walang maayos na tulog. “Kuya Luiz, puwede mo na po akong iwan.” Nakapasok na kami sa kabahayan nila. Sobrang tahimik at tanging ang yabag lang namin ni Jessica ang maririnig. Kumalat ang liwanag sa buong kabahayan. “Hindi kita puwedeng iwan dito na mag-isa. Okay lang kung araw. Gabi na kaya hindi safe na mag-isa

