JESSICA’s POV Pagbalik ko sa aking upuan, si Ma’am Flora na lang ang naabutan ko. Iniwan siya ni Kuya Luiz. “Ma’am, sure po kayo na kumain na kayo? Nasaan po si Kuya Luiz?” nagpalinga-linga pa ako para hanapin ang boyfriend niya. Dahil pagabi na, parami nang parami ang tao. Lalo na ngayon na huling lamay para kay Kuya. Lumingon din si Ma’am Flora sa likod. Hinahanap ng kaniyang paningin si Kuya Luiz. “Nagpaalam siyang lalabas muna para antabayanan ang mga kaibigan nila ni Kuya Marlon. Magsisirating daw ngayon.” Totoo naman ang sinabi ni Ma’am Flora dahil nasabi rin iyon ni Boss Mike kagabi bago siya umuwi. Hindi na nasagot ni Ma’am ang tungkol sa pagkain. Busog nga siya marahil. Umupo ako sa dati kong puwesto. May kaunting pagitan lang kay Ma’am Flora. May mga sumisilip kay Kuya Ma

