Chapter 3: Multo!!!

1813 Words
III Secretary si Jeri ng isang matandang babae na may-ari ng isang antique shop.Kahit na masungit si Madam Viola at feeling donya ito nagawa ni Jeri na magtagal dito.Malaki ang pasahod na natatanggap niya kay Madam Viola at ang maganda maraming benefits lalo ‘yung nga lang magtitiiis ka sa kasungitan, katarayan, at sa pagiging maingay nito bagay na nasanay na lang si Jeri katagalan.Dito niya na-master ang deadma course at graduating with flying color in Don't be sentive dahil sa matalas ang dila nito magsalita, iyong tipong babaha ang luha mo. “ Madam Viola, nai-deliver na po ‘yung antique sa bahay ni Mrs. Lim,” inform ni Jeri sa amo habang nagpapa-pedicure sa malawak na opisina ng shop nito. “ Good....eh, how about ‘yung paintings ni Mr. Ofelia, nai-deliver na?,” tanong ni Madam Viola na busy sa cellphone nito. “ Po?..hindi pa po kasi hindi niyo pa po pinipirmahan ‘yung release form kaya hindi pa po nai-deliver,” sagot ni Jeri. “ What!...,” matinis na bulalas ni Madam Viola, maging ang manikyurista nagulat din, “......stupida!...bakit hindi mo pinapirmahan sa’kin?,” galit na dugtong ng matanda. Hindi sanay ang manikurista sa tinis at bagsik ng pananakita ng matanda kaya hindi mapigilan nitong manginig ang mga kamay. Napansin ni Jeri ang panginginig ng kamay ng manikurista. ' Huwag sana niyang masugatan si Madam, baka masipa siya ng wala sa oras,' sambit ni Jeri sa isipan. Inisyal na reaksyon na iyon sa hindi kabisado sa ugali ni Madam Viola. “ Pero, Madam pinapirmahan ko po ‘yun sa inyo ‘yun, kinuha niyo po ‘yung folder at pinaalis niyo pa po ako, may kausap nga po kayo nun,e,” paalala ni Jeri. “ O, ano?," kasabay galaw ng paa ng matanda.Nabigla ang manikurista.Ngunit marahan na lang niyang kinuha ang paa nito. "ngayon?..," muli na naman gumalaw ang paa ng matanda at sa pagkakataon iyon lumampas na ang manicure nito.Kinabahan ang manikurista at si Madam na nagkusang ibalik ang paa niya ng hindi tumitingin. "...kasalanan ko po pa?...,” pagtatataray ni Madam Viola. “ H-hindi po,” mahinang sagot ni Jeri. “ At ano pang tinatayo-tayo mo diyan!...hanapin mo ‘yung folder para mapirmahan ko na!....hay....stupida!.....,” at beast mode na naman si Madam Viola. Sa gulat ng manikurista natusok niya ang paa ng matanda at sumirit ang dugo.Dali-daling pinunasan nito ang mga daliri para hindi makita. Ngunit nakita iyon ni Jeri na natatawa na lang ngunit pilit na pinipigil. " O, bakit lumampas na 'yang manicure ko...at bakit pinagpapawisan ka 'ata?," siya ni Madam na walang ideya dugo na pala niya iyon. Sa takot ng manikurista." A-a me-medyo mainit lang ho...huwag po kayong mag-alala aayusin ko po," nauutal-utal na sagot nito sa takot. ❇️❇️❇️❇️❇️ Sa isang lumang simbahan ang venue ng kasalan at talagang maganda ang pagkakaayus sa lugar.Cream white at beige ang motif.Sa ganda ng simbahan at pagkakaayus hindi maiwasan ni Jeri na mag daydream kahit saglit. Ini-imagine niya ang sarili ng siya ang bride na naka-suot ng bridal gown at naglalakad sa aisle papunta sa altar kung saan naghihintay ang kanyang groom at ng malapit na si Jeri sa kanyang groom laking gulat ni Jeri ng makita kung sino ang imaginary groom niya, ang lalakeng namatay sa tulay. “ Ano ba ‘yun?,” ang daydreaming ni Jeri naging nightmare sa umaga.Hindi alam ni Jeri kung bakit ang mukha ng lalakeng ‘yung biglang lumitaw sa isipan niya. “Tama, ‘ata si Arcie, minumulto na ‘ata ako ng lalake,” biglang pumasok sa isipan ni Jeri ang sinabi ng kaibigan. “ Hoy!....Jeri....anong tinatanga-tanga mo diyan!....magsisimula na ang wedding ‘yung mga regalo ko sa mga ikakasal, nasaan na?....,” sita ni Madam Viola kay Jeri. “ Nasa kotse niyo pa po Madam,” sagot ni Jeri. “ E, ano pang ginagawa mo rito?....sige na kunin mo na.....,” utos ng amo nito. “......anong ginagawa mo nangangarap ng kinakasal?....,” dugtong ni Madam Viola ng papaalis na si Jeri para kunin ang mga regalo. Habang hirap na hirap si Jeri sa dala-dala nitong wedding gift isang babae ang hindi nakatingin sa dinadaanan nito dahil nakatutok sa cellphone. Kamuntikan na niyang mahulog ang mga bitbit nito ng iwasan niya ang babae. “ Ang busy ni Ate, hah.....,” napanguso na lang si Jeri ng magmukha siyang invisible sa babae.Walang paki sa mundo ito. Kakatapos lang hakutin ni Jeri ang naglalakihan wedding gift ni Madam Viola para sa mga ikakasal nagmamadaling maghanap ng banyo si Jeri pero masyadong malaki ang simbahan kaya nahirapang nitong maghanap. Sa pagmamamdali nito isang lalake ang hindi niya napansin at nabangga.Sa lakas ng pagkakabangga niya ay kamuntikan ng matumba si Jeri mabuti na lang ay nahawakan siya ng nakabanggaan niya. “ Salamat—,” nanlaki ang mata ni Jeri ng makita kung sino ang nakahawak sa braso niya na siyang sumalo sa kanya.Napalunok si Jeri at madaling pinagpawisan ng malamig ito. “Mu-mul.........multo!!!!!!!!!!!!!!..........,” napasigaw si Jeri sa takot dahil ang lalakeng alam niyang patay na ay ngayon ay nasa harapan niya ngayon. Nagulat ang lalakeng kaharap ni Jeri sa naging reaksyon ng dalaga sa kanya sa gulat nito ay tinakpan nito ang bibig ni Jeri. “ Hoy!.....pwede ba tumigil ka!!!!.......hindi ako multo ano bang pinagsasabi mo?!,” paliwanag ng lalake. Halos nakayakap ang lalake sa habang nakatakip naman ang kamay nito sa bibig niya. " Huwag kang sisigaw, bibitiwan kita, okay," kondisyon ng lalake. Dahil may takip ang bibig tango lang ang naisagot ni Jeri. Kumalma si Jeri at tinitigang mabuti ang lalake mukha nga namang hindi ito multo.Nang maramdaman ng lalake na kumalma na si Jeri unti-unti niya itong pinakawalan.Madaling lumayo ng kaunti si Jeri at muling tinitigan ang lalake. “ Hindi ka nga ba talaga multo?,” paninigurong tanong ni Jeri na hindi pa rin makapaniwala. “ Miss, hindi ko alam kung anong trip mo, pero hindi ako multo,” supladong sagot ng lalake. “ Okay, hindi ka nga multo.Pero ang sabi kasi sa’kin ng nurse sa hospital namatay ka ng malaglag ka sa tulay,” paliwanag ni Jeri sa naging reaksyon niya. Napa-isip ang lalake sa sinabi ni Jeri.Iniisip nitong mabuti ang mga sinabi ni Jeri halatang hindi nito kaagad naaalala si Jeri. “ Sandali lang, ikaw ‘yung pakialamerang babae sa tulay kaya ako naghulog,” mukhang hindi maganda ang pagkakaalala ng lalake kay Jeri. Hindi makapaniwala si Jeri na isang ‘pakialamera’ pala ang tingin sa kanya ng lalakeng pinilit niyang iligtas. “ Pakialamera?. Wow...hanep ka rin.Dapat ‘ata magpasalamat ka.Pinigilan kitang magpakamatay, noh,” hindi napigilan ni Jeri ang inis sa lalakeng walang utang na loob sa kanya. “ Hindi naman kasi ako huminhingi ng tulong, isa pa wala akong balak na tumalon nun.Nahulog ako dahil sa maling akala mo,” paliwanag ng lalake sa kanya. Nawindang si Jeri sa ugali ng lalake.Kung alam lang niyang ganito ang ugali nito naisip niyang mas mabuting hindi na lang niya ito tinulungan.Hindi ba alam ng lalakeng ito na nakonsensya siya ng husto dahil dun at napagastos pa siya sa hospital. “ Sana nga hindi na lang kita tinulungan nadamay pa ako sa’yo.Tuloy nakonsensya pa ako, akala ko minumulto mo na ako dahil sa singsing mong nailagay sa gamit ko,” himutok ni Jeri sa lalake. “ Singsing?....anong singsing?,” naalerto ang lalake sa nabanggit ni Jeri. " Iyong mukhang antique na singsing...," sagot ni Jeri. “ Marco?...., you’re here,” parehong napalingon sina Jeri at ng lalakeng tinawag na ‘Marco’ ng isang babaeng. Kaagad na nakilala ni Jeri ang babae, dahil ito ‘yung nakasalubong niya na busy sa cellphone at kamuntikan na niyang mabangga habang hirap na hirap siya sa bitbit. “ Cynthia,” pangalan lang ang naisagot ni Marco. Kaagad na na-sense ni Jeri na may something ang dalawa kaya feeling niya awkward, exit frame na siya sana ng..... “ May kasama ka ba?,” tanong ni Cynthia na parang nagmukhang hangin na naman si Jeri. ' Wow...mukha ba akong multo sa kanya....hindi na nga niya ako nakita kanina, hindi pa rin niya ako makita ngayon....,' bulong ni Jeri. “ Siya,” laking gulat ni Jeri na ituro siya ni Marco at hawakan siya nito sa braso. " Ako?...," gulat na reaksyon rin ni Jeri. Mukhang madadamay pa siya sa something ng dalawang strangers na'to. “ Siya?,” hindi makapaniwalang reaksyon ni Cynthia,“....bago mong assistant?,” dugtong nito. ' Hay, sa wakas nakita na ako ni Ateng....pero wait ano raw?... assistant?...anong meron sa mga 'to,' ani Jeri sa isipan. “ Yes...but she's something special to me ,” sagot ni Marco na sweet na tumingin kay Jeri. Mas mawindang si Jeri. ' Anong drama ng mga 'to?.Wait lang?...,' ani Jeri sa isipan. Natawa si Cynthia sa sinabi ni Marco.Hindi kailangan ng double look ni Cynthia para kilatisin si Jeri. “You know what, Marco, hindi bagay sa'yo ang mag-joke at hindi ka magaling magsinungaling....I know you, you have high standards.So, please stop this joke,”. ‘ Aba....nakaka-insulto ang isang ‘to, ah.Kung di ako type ng Marco mo, sus Day,di ko type ang Marco mo,’ reklamo ni Jeri sa isipan nito. “Why, is she way to simple compare to you?.Maybe I need that kind of woman, not too ambitious, iyong kasali ako sa priority nila,” tinamaan si Cynthia sa sagot ni Marco, nabura ang ngiti sa mukha nito. Tiningnan nito ng masama si Jeri na ginantihan naman ng malapad na ngiti nito, wala lang parang gusto rin niyang asarin. “ Well, enjoy the wedding,” wala ng iba pang masabi si Cynthia. “ We will...,” sagot ni Marco sabay alis at dinala si Jeri. At ng hindi na nakikita ni Cynthia ang dalawa bumalik na sa normal ang lahat bilang strangers. Pagbagsak ng binitiwan ni Marco ang kamay ni Jeri. " Aray ko naman...," reklamo ni Jeri. “Alam mo namang palabas lang ang lahat di ba, di ka naman naniwala kanina?..,” paninigurong tanong ni Marco. " Hoy!...hindi mo nga napaniwala 'yung babaeng 'yun ako pa," sagot ni Jeri. “ Ang singsing ko.Akin na," sabay unggat sa singsing. " Grabeh, hindi na nga nagpasalamat sa ginawa kong pagsakay sa trip niya, nanininggil kaagad," reklamo ni Jeri. " Hindi ko dala noh.Isa pa bakit ko dadalhin 'yun?," sagot ni Jeri. "Ibalik mo ang singsing," sambit ni Marco sa toning malamig pa sa ice. "Oo, naman noh.Hindi ako interesado sa singsing na 'yun.Nasa bahay pero huwag kang mag-alala ibabalik ko sa’yo.Para makasigurado ka, ibibigay ko ang number ko, tapos kung saan ako nagtatrabaho,pati address ko,” sagot ni Jeri. “ Hindi na kailangan, ibigay mo na na lang ang number mo, tapos ako na lang ang mag-te-text kung saan tayo magkikita at kailan,” sagot ni Marco. “ Sige-sige para hindi na kita makita,” pagpayag ni Jeri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD