Chapter 3: Wrong Customer!

1901 Words
Ella's POV Nagising ako dahil parang may mabigat na bagay ang nakadagan sa bewang ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad na bumungad sa 'kin ang isang gwapong lalaki. Mahimbing itong natutulog sa tabi ko. Nakatagilid ako paharap dito, at gano'n din ito sa 'kin. Nakayapos ang maskuladong braso nito sa bewang ko habang ang isang braso naman nito ay nagmistulang unan ko. Mahina akong napaigik nang maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Partikular na ang likod at pagkab-bae ko. Saka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi. Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ang mainit na gabing pinagsaluhan namin at nang maramdaman kong pareho pa pala kaming hubo't-hubad ngayon. At mas lalo lamang akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong hindi kami sa kama nakahiga ngayon kundi sa sahig. Hindi ko mabilang kung ilang beses naming paulit-ulit na ginawa ang bagay na 'yon kagabi. Habang tumatagal ay mas lalo itong naging agresibo dahilan upang masira namin ang maliit at kawawang kama. Madaling araw na rin noong sinabi ko ritong hindi ko na kaya. Kung hindi pa ako nagreklamo ay hindi pa ito titigil. What a scary man! Parang wala sa bokabularyo nito ang salitang pagod. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa bewang ko at umalis tabi niya. Kinuha ko ang mga nagkalat na damit ko at mabilis na sinuot ulit ang mga iyon. Napangiwi rin ako nang makita ang itsura ng kwarto. Sobrang gulo nito. Nagkalat ang mga used condoms sa sahig, ang mga damit niya, at sirang kama. Buti nga ay gumamit na kami ng condoms pagkatapos ng isang round kagabi. Hindi ako makapagniwalang halos pitong used condoms ang nakakalat ngayon sa sahig. Gaano ba kami ka wild at hayok kagabi para mahati sa dalawa ang kama at maubos namin ang lahat ng condom sa box?! Hindi ako lasing kagabi, at alam kong hindi rin ito lasing. Pero daig pa namin ang mga hayop at lasing kung magtalik! Naramdaman kong mas lalong uminit ang pisngi ko pati na rin ang likod ng leeg ko sa hiya. Hindi ko alam na kaya ko palang maging gano'n ka wild. Hindi ko alam na may gano'n pala akong side. Dahan-dahan akong umupo paharap sa lalaking ngayon ay mag-isa nalang na nakahiga sa sahig habang ang tanging nakatakip sa hubo't-hubad at nakakaakit na magandang katawan nito ay ang manipis na kulay puting kumot. Nakita kong may bahid ng dugo sa kumot na gamit nito. Iyon ang palatandaan na hindi na ako inosente, na naisuko ko na ang bataan ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa harapan ko ngayon. Isang matigas na palatandaan na totoong may nangyari sa 'min kagabi. Alam kong guilt at panghihinayang ang dapat na nararamdaman ko ngayon. Sa mata ng Diyos at ng mga moral na tao, kasalanan ang ibigay ko ang sarili ko sa taong hindi ko naman asawa, at mas lalong dahil lamang sa pera. Ngunit nakakapagtakhang wala akong nararamdamang guilt sa nangyari kagabi. Hindi kaya dahil nagustuhan ko ito? Ipokrito ako kung hindi ko aamining nagustuhan ko ang unang karanasan ko sa pakikipagtalik. And somehow, I felt relieved na ang lalaking ito ang nakauna sa 'kin. At least nag-enjoy ako sa unang karanasan ko 'di ba? At gwapong lalaki pa ang kumuha sa virginity ko. Hindi ko alam, ngunit kanina noong nakayakap ito sa 'kin, pakiramdam ko ay ligtas at payapa ako sa loob ng bisig nito. Pakiramdam ko ay walang sino man ang nakakapapanakit sa 'kin. Bagay na lubos kong ipinagtatakha sapagkat ito ang unang beses naming pagkikita. Siguro nga tama sila, na there are people that feels just like home. It's a shame na sa ganitong paraan ko pa nakita ang ganitong klaseng lalaki. Siguro kung naiba lang ang sitwasyon namin ngayon ay iisipin kong ito ang lalaking nakatadhana para sa 'kin. Napailing ako sa takbo ng isipan ko. 'Umayos ka, Arabella Grace Santillan! Paano kung may girlfriend na pala itong lalaking 'to? O worst, baka may asawa't anak na!' Sita ko sa sarili ko. Tama, kailangan kong bumalik sa realidad. Kung totoo ngang may commitment at obligasyon na ito sa ibang babae, dapat lang na kalimutan ko na itong nangyari sa 'min. Pero bago ko gawin 'yon ay kailangan ko muna itong gisingin at hingin ang bayad nito. Kung may asawa't anak man ito o girlfriend, lubos akong nanghihinhingi ng paumanhin sa nagawa namin kagabi. Ano ba naman kasing magagawa ko? Wala naman akong choice at hindi ko naman alam kung may karelasyon ba ito o wala. At wala rin naman akong dapat pang pakialam doon. Kasi nga, bayarang babae lang ako. Nakaramdam ako ng pait sa katotohanang 'yon. Dahil sa nangyari kagabi, opisyal na nga talaga akong bayarang babae. Pero ano naman ngayon, 'di ba? Ang importante ay makakalikom na ako ng pera kapag natanggap ko na ang bayad ng lalaking ito. Maliwanag na ang kwarto ngayon dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa nakabukas na bintana. Hindi ko alam kung bakit iyon bukas gayong sarado naman 'yon kagabi. Pero ngayong nakikita ko na ang mukha ng lalaking nakatalik ko kagabi sa liwanag ay mas lalo ko lamang nakumpirmang ubod nga ito ng kagwapuhan. Makinis ang kayumangging balat nito, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, makapal ang kilay, at mahahaba ang pilikmata. Mukha itong modelo sa mga sikat na magazine. Siguro ay mayaman rin ito. Mahina kong sinampal ang pisngi ko para magising ako sa realidad at para tumigil na ako sa kakapuri sa lalaki. Quota na siya! 'Kailangan mo ng maningil, Ella! Maningil!' Kausap ko sa sarili ko. Marahan kong inalog ang braso nito. "Sir... gising na po." malumanay na saad ko. Ayokong mabadtrip ito, baka bawasan pa nito ang ibabayad sa 'kin. Umungol ito bago iminulat ang isang mata. "Hmmm? Umaga na ba?" Tanong nito bago umupo habang kinukusot ang mga mata. Hindi ko mapigilang mamangha sa itsura nito. This man is dangerously attractive. He looks so hot in his groggy state and messy hair. Ito na ata ang sinasabi nilang makalaglag panty sa kagwapuhan at kakisigan! Wala sa sariling napatingin ako sa katawan nito. Napalunok ako nang makita ang matitigas na abs nito. Nang mas bumaba pa ang tingin ko ay hindi ko mapigilang mapaatras ng kaunti nang makita kong namunukol ang gitnang bahagi ng katawan nito. Buhay na naman ulit? Pareho sila ng may-ari niya, parang hindi napapagod! Mabilis kong inalis ang tingin ko roon at itinuon na lamang ang tingin ko sa nakabukas na bintana. Tumikhim muna ako bago sumagot. "Opo. A-at, hihingiin ko na sana ang... ang bayad ko po." napakagat labi ako sa sinabi ko. Nakakahiya! Bakit ba kasi nandito pa ito nang magising ako? Naikwento sa 'kin ni Lizelle na kadalasan sa mga nagiging customer niya ay binibigay agad ng mga ito ang bayad pagkatapos na pagkatapos niyang paligayahin ang mga ito. Ang iba naman ay nag-iiwan nalang ng pera sa kama o lamesa kinaumagahan. Kaya nakakainis na nandito pa siya nang magising ako! Sana ay umalis na lang ito at iniwan na lamang ang bayad sa serbisyo ko! "Bayad? Anong bayad?" nagtatakhang tanong nito. Agad akong napalingon sa kanya. Alin sa sinabi ko ang mahirap intindihin? "Bayad po, bayad niyo sa serbisyo ko kagabi?" patanong na sagot ko. Kahit ako ay naguguluhan na rin. Hindi ba dapat alam na agad niya ang gagawin bilang customer na bumili ng serbisyo ng isang prostitute? "Ha? A-akala ko bayad ka na? Birthday ko kasi kagabi." naguguluhang tanong din nito. Bayad na? Malinaw sa 'kin ang sinabi ni Madam Flor na si Sir B na raw ang mismong mag-aabot sa 'kin ng bayad at ng ipinangako nitong tip. Kaya ano ang sinasabi ng lalaking 'to? At ano naman ngayon kung birthday niya kagabi? "Ano naman ngayon kung birthday mo kagabi?" "Regalo ka sa 'kin ng pinsan ko. Sabi niya, bayad ka na daw?" "Bakit patanong? Hindi ka sigurado?" medyo naiinis na ako. Ano bang nangyayari? Bakit hindi kami magkaintindihan ng lalaking 'to? Walang sinabi si Madam Flor na bayad na ako kagabi! "H-Hindi. Ang alam ko nagbayad muna siya sa baba bago niya ako pinapasok dito sa kwarto na 'to." ginulo nito ang sariling buhok. Tuluyan na itong nagising, hindi katulad kanina na parang inaantok pa. Hindi ko mapigilang kabahan sa sinabi nito. Nagbabayad muna kasi ang mga normal at regular customer ng bar kay Madam Flor bago sila makakapagkama ng babae. Ngunit iba proseso para sa mga VIP ng bar. Ang mga ito na kasi ang mismong magbibigay ng bayad sa mga babae. Kung magkano man ang ibinayad ng VIP sa 'min ay binibigay namin ang 30% kay Madam Flor, at labas na sa 30% ang tips na matatanggap namin. Bigla itong tumayo kaya napatayo na rin ako. Pero agad din akong napatalikod nang makita ang kahubaran nito dahil nahulog ang kumot na siyang tanging tumatakip sa katawan nito. Naramdaman kong muling nag-init ang mukha, leeg, pati na rin ang tenga ko sa hiya. Paano ba naman kasi? Buhay na buhay ang kaibigan nito! Nakaturo ang mataba at mahabang ari nito sa 'kin. It was so huge! Pinkish din ang dulo no'n. It was so weird! Ngayon lang ako nakakita ng ari na hindi pag-aari ng bata kundi ng matanda. Gano'n pala ang itsura no'n sa liwanag. Hindi ko kasi masyadong napansin iyon kagabi dahil sa pulang ilaw ng kwarto. "Uy, sh-t. Sorry, sorry!" paumanhin nito. Hindi ko na ito nakikita ngunit nararamdaman ko ang natatarantang mga galaw nito. Sa tingin ko ay nagmamadaling pinupulot nito ngayon ang nagkalat niyang damit sa sahig at mabilis na sinuot ang mga iyon. "Y-yung kama. Nasira pala natin kagabi..." mahinang saad nito. At tama ba ang naririnig kong parang may halong pagkamangha sa boses nito? Pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Ang gusto kong gawin ngayon ay makumpirma kung tama o mali ba ang hinala ko. Kasi hindi kaya maling customer ang napagsilbihan ko kagabi?! "I-ikaw ba si Sir B?" kinakabahang tanong ko. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. "Sir B? Sino 'yon? Matthew ang pangalan ko, pero Matt nalang ang itawag mo sa 'kin. Masyado kasing sosyal kapag Matthew." Natatawag sagot nito. Magaan ang tawa nito na parang may halo pang hiya. Pero hindi ako natutuwa sa naging sagot nito. Ibig bang sabihin nito ay hindi siya si Sir B? Kung gano'n, bakit siya nandito sa kwartong 'to? Teka— tama ba talaga ang kwartong pinasok ko kagabi?! Mabilis akong humarap sa kanya at tinungo ang bedside table kung saan ko nilagay ang box at papel na ibinigay sa 'kin ni Madam Flor. At gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang hindi pala room six ang nakalagay doon kundi room nine. Maling kwarto ang napasukan ko, at mas lalong maling customer ang pinagsilbihan ko! Napatampal ako sa noo ko. Pakiramdam ko ay para akong dinaganan ako ng langit at lupa. Hinarap ko ang lalaki na ngayon ay nakabihis na. Matamis itong ngumiti sa 'kin. Pero hindi ko magawang ibalik ang ngiti nito kagaya kagabi. Hindi na ako natutuwa sa pagmumukha nito. "M-magkano ang bili ng pinsan mo sa serbisyo ko?" tanong ko. Gusto kong malaman kung kahit papaano ay worth it ba ang perang makukuha ko sa pagbebenta ng puri at lalong-lalo na ng virginity ko sa lalaking 'to "S-six hundred fifty." nag-aalangang sagot nito dahilan upang literal na mapanganga ako sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa narinig! Hindi ako mahilig magmura, pero shutang-ina! Six hundred fifty?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD