Ella's POV
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapabuntong-hininga. Hindi ko na rin mabilang kung pang ilang buntong-hininga ko na ito simula nang makalabas ako sa gusali ng Red Nights Bar.
I entered the wrong room and served the wrong person!
Lahat ng puyat, pagod, pananakit ng katawan na natamo ko kagabi ay para lang sa tumatagingting na six hundred pesos!
At hindi ko pa nakuha ng buo ang six hundred pesos na 'yon dahil ang 30% no'n ay kay Madam Flor. Kung tutuusin ay ako pa nga ang may utang sa bar dahil nasira namin ng lalaking 'yon ang kama kagabi.
Ang sabi sa 'kin ni Madam Flor ay mahigit isang libo raw ang presyo ng kama na 'yon dahil bagong bili raw ito, at kami raw ang unang gumamit ng kama na 'yon. Ngunit dahil alam ni Madam Flor ang sitwasyon ko, nag-suggest nalang itong hulog-hulagan ko nalang daw 'yon sa kanya.
Kapag minamalas ka nga naman talaga. Sumakit na nga ang katawan ko, nagkautang pa ako!
Kahit wala namang kasalanan ang gwapong lalaki na 'yon kagabi, gustong-gusto ko pa rin itong sakalin sa inis.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ayon kay Madam Flor, eight hundred pesos daw ang pinakamababang serbisyo ng prostitute sa bar niya. Ngunit kagabi ay humingi raw ng tawad ang pinsan ng lalaking nakatalik ko dahil birthday naman daw ng pinsan nito at wala pa itong karanasan. Kaya sa huli ay pumayag na si Madam Flor.
Gusto kong maglupasay sa inis. Pero kung iisiping mabuti, kasalanan ko naman kung bakit nangyari 'to. Ako ang kusang pumasok sa maling kwarto. Kung bakit ba naman kasi printed 'yong number na ibinigay sa 'kin ni Madam Flor, nakakalito tuloy kung six ba 'yon o nine. Kung sana ay sinulat nalang nito ang numero, edi hindi sana ako nalito.
Hindi rin makapaniwala si Madam Flor na nagkamali ako ng kwartong pinasok at customer na pinagserbisyuhan. Kagabi ay halos kalahating oras daw naghintay sa 'kin si Sir B. Tumawag daw ito kay Madam Flor kung nasaan na raw ba ako. Nang malaman 'yon ni Madam Flor ay agad na pumasok sa isipan niyang baka daw ay nagback-out ako dahil nagbago ang isip ko. Ang sabi niya'y medyo nainis pa nga raw siya sa 'kin dahil hindi ko man lang daw sinabi ritong magba-back-out ako. Pinaghintay ko raw ang isa sa mga VIP guest nito. Ngunit nang malaman nito ang buong nangyari ay napatampal lamang ito ng nuo saka malalim na buntong-hininga. Sayang daw ang opurtunidad ko kagabi.
Sa huli ay si Paula ang ipinadala ni Madam Flor kay Sir B. Si Paula ay katulad ko ring bago palang sa trabahong ito. At katulad ko, virgin din ang babae kaya ito agad ang ipinalit sa 'kin ni Madam Flor.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng panghihinayang. Ngayong umaga ay nalaman kong singkwenta mil ang binigay ni Sir B kay Paula para sa serbisyo nito kagabi, bukod pa roon ang tatlumpung libong pisong tip nito sa kanya. Sa kabuuan ay animnapu't-limang daang piso ang naging kita nito kagabi, minus na ang 30% na parte ni Madam Flor.
Ngunit kahit gano'n ang nangyari ay nagpapasalamat pa rin ako sa kabutihan ni Paula. Naabutan ko kasi ito sa opisina ni Madam Flor kanina. Nang malaman nito ang nangyaring pagkakamali ko kagabi at ang katotohanang ako ang dapat nagbigay ng serbisyo kay Sir B, hindi ito nagdalawang-isip na bigyan ako ng parte ng kita nito. Binigyan ako nito ng dalawampung libong piso. Hindi ko na sana iyon tatanggapin dahil bukod sa nahihiya ako dahil pinaghirapan niya ang pera na 'yon, alam ko din kasing walang obligasyon si Paula sa nangyari kagabi dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Ngunit hindi nito tinanggap ang pagtanggi ko, ang sabi niya'y tulong na rin daw niya iyon kay lola kaya hindi na ako nakatanggi pa. Nabanggit din kasi ni Madam Flor ang sitwasyon ni Lola nang napagtanto nitong maliit na halaga lang ang kita ko kagabi.
Kanina ang unang beses na nakita ko si Paula. Ang sabi niya'y taga kabilang bayan daw siya. Magandang morena ito at mukha ring mabait. Kaya rin ako nakakaramdam ng hiya nang bigyan ako nito ng pera ay dahil mukhang pagod na pagod ito sa ginawang serbisyo nito kagabi. Kanina sa opisina ni Madam Flor ay hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa itsura nito. Napuno kasi ng hickeys and leeg at dibdib nito. May pasa rin ito sa braso at marka ng kagat sa legs at bandang singit.
Grabe naman pala ang Sir B na 'yon! Parang ang brutal sa kama dahil binigyan pa talaga nito ng pasa si Paula sa katawan. At may marka pa ng mga kagat. Tao ba talaga 'yon o bampira?
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa sa isiping hindi ako ang nagsilbi kay Sir B kagabi. Ngunit hindi ko naman magawang magbunyi ng todo dahil bukod sa kaunti lang ang perang nalikom ko ngayon, naaawa at nag-aalala rin ako kay Paula.
Yayayain ko sana si Paula kanina na kumain kami sa karinderya ngunit tumanggi ito dahil gusto na raw nitong maligo agad, nanlalagkit na raw kasi ito kaya next time nalang daw kami kumain.
Ang inconsiderate ko talaga! Hindi ko man lang naisip na baka pagod din siya kagaya ko.
Napakunot ang noo ko nang may napagtanto ako. Kanina paggising ko ay hindi ako nakaramdam ng banas o panlalagkit. Ngunit hindi rin nagtagal ang pagtatakhang 'yon dahil bigla kong naaalala ang ginawa ng lalaking 'yon kaninang madaling araw sa 'kin matapos naming magtalik. Wala na akong lakas ng mga oras na 'yon dahil sa pagod, inaantok na rin ako ngunit naaalala kong pinunasan nito ang buong katawan ko ng bimpong binasa nito sa tubig na may halong alcohol. Narealize ko rin na kaya bukas ang bintana kaninang umaga ay dahil baka binuksan nito 'yon para hindi ako mainitan dahil isang ceiling fan lang ang nasa kwarto.
My heart fluttered just by thinking all of those things. It may be just a bare minimum to couples who had s-x, pero ibang usapan 'yon sa mga katulad kong bayarang babae. Alam ko kasing hindi nililinisan o inaalagaan ng mga customer ang mga bayarang babaeng kinakama nila. Madalas ay parang basura lang ng mga ito kung tratuhin ang mga s-x worker pagkatapos ng mga itong makaraos.
Hindi ko maipagkakailang mabait ang lalaking 'yon.
Ngunit ano naman ngayon kung mabait siya at napasaya niya ang puso ko dahil sa gwapong mukha at pag-aalaga niya sa 'kin kaninang madaling araw?
Hindi pa rin nawawala ang kagustuhan kong sakalin siya! Hindi ko alam pero gustong-gusto ko itong sakalin sa leeg kahit wala naman itong kasalanan.
Mataas na ang sikat ng araw kaya binilisan ko na ang lakad ko. Naisipan kong bumili muna ng ulam sa karinderya at salonpas sa botika bago umuwi sa bahay at dalawin si lola Emy sa ospital.
Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ako ng gutom. Gusto ko ring uminom ng malamig na soft drinks at maglagay ng salonpas sa katawan.
Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko ngunit napahinto ako nang biglang may sumulpot na kamay sa mukha ko. May hawak itong malamig na ready-to-drink milk at isang pack ng salonpas.
Naiinis na tinignan ko ang poncio pilatong may-ari ng kamay na 'yon. Kitang nagmamadali ang tao, haharangan pa nito!
Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makitang ang taong laman ng isipan ko kani-kanina lang ang may-ari ng kamay na 'yon. Agad na kumabog ang puso nang matamis ako nitong nginitian.
Ilang beses ko na itong sinabi, ngunit napakagwapo talaga ng lalaking ito.
"Hi, para sa'yo." aniya sabay taas sa hawak nitong gatas at salonpas. Paano niya nalamang kailangan ko ang mga 'yon?
Inabot nito ang isang kamay ko at ipinahawak sa 'kin ang salonpas, saka nito nilagyan ng straw ang ready-to-drink na gatas at iniabot sa 'kin.
Nakatulala lang akong nakatingin dito, saka lang ako nabalik sa kasalukuyan nang ilagay nito sa pisngi ko ang malamig na inumin dahilan upang mapaigtad ako sa lamig.
Mabalis kong inilayo iyon sa pisngi ko na siyang ikinatawa nito. Napakunot ang noo ko saka ito tinaasan ng kilay.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" tanong ko rito. Hindi niya ba alam na gustong-gusto ko siyang sakalin ngayon dahil aksidente kong naibigay sa kanya ang virginity ko ng libre? Libre na nga, nagkautang pa ako!
Kahit gwapo siya at bumibilis ang t-bok ng puso ko kapag nakikita ko siya, hindi ibig-sabihin no'n ay nawala na ang nararamdaman kong inis para rito.
Alam kong kasalanan ko ang nangyari, pero come to think of it, hindi ba't may kasalanan din siya? Kasalanan niya kung bakit nasira ang kama sa bar kagabi na siyang kailangan kong bayaran ng hulugan kay Madam Flor ngayon.
Tama, may kasalanan din siya. Bakit hindi ko agad naisip 'yon?
Total siya naman ang dahilan kung bakit nasira ang kama kagabi, bakit hindi nalang siya ang pagbayarin ko roon?
Pero ang tanong, may pera kaya ito?
____
Matthew's POV
Hindi mawala sa isipan ko ang nalaman kong impormasyon mula sa isang empleyado ng Red Nights bar na napagtanungan ko tungkol sa babaeng nakatalik ko kagabi. Ang Red Nights bar ay isang kilalang night bar sa maliit na bayan ng San Barcelo.
Birthday ko kahapon kaya naisipan kong pagbigyan na ang pinsan kong si Raymond na makipag-inuman dito. Lagi kasi itong nag-aaya ng inuman ngunit hindi ko ito mapagbigyan dahil una sa lahat, ayokong nalalasing ako dahil wala akong magagawang trabaho kinabukasan dahil sa hang-over. Pangalawa ay busy ako sa mga sidelines ko. Kailangan kong mag-ipon ng pera para makapag-patuloy ako ng kolehiyo ngayong darating na pasukan.
Hindi ko naman inaasahan na sa bar pala ako dadalhin ng loko kagabi matapos kaming sermunan at paalisin ni Tita Tanya sa bahay dahil daw lagi nalang kaming nag-iinuman. Hindi ko ito maintindihan sapagkat iyon ang unang beses naming mag-inuman ni Raymond sa bahay. Baka nalito lang ito at nakalimutang ang mga anak niyang sina Benjie at Brando ang laging nag-iinuman sa bahay at laging umuuwing lasing. Tsk!
Tututol sana akong sa bar namin ipagpapatuloy ang inuman namin kagabi nang bantaan ako ng lokong gugulong daw ito sa harap ng bar kapag hindi ako pumayag na pumasok doon kasama nito. Alam kong gagawin talaga 'yon ng kolokoy kaya wala akong nagawa kundi sundan ito sa loob.
Hindi ko trip ang mga bar dahil ayoko sa mga maiingay at magulong lugar, ngunit nang makita ko ang babaeng 'yon kagabi ay hindi ko na maialis pa ang tingin ko sa kanya. Ni hindi ko na nga alintana ang magulo at maingay na paligid.
Ngunit nang magtanong ako sa babaeng nagserve ng inumin namin kagabi, nalaman kong isa pala itong bayarang babae at may nakabook na raw na customer dito. Wala naman akong balak na bumili ng babae dahil labag iyon sa prinsipyo ko. Gusto ko lang sana itong makilala.
Hindi ako masyadong uminom kagabi, isang baso lang yata ang nainom ko simula nung pumasok kami sa bar kaya naman nasa tama akong wisyo nang ibili ako ng lasing kong pinsan ng babae. Wala akong magawa nang itulak ako nito sa ikalawang palapag ng bar matapos nitong ibigay sa 'kin ang susi ng isa sa mga kwarto. Hintayin ko nalang daw umakyat ang babaeng binili nito.
Hindi naman ako makaalis dahil nakabantay ang loko sa may hagdan, at gugulong daw ito pababa kapag pinilit kong bumaba at lumabas ng bar. Lasing na kasi ito, at kasanalan ko dahil pumayag akong makipagpaligsahan dito sa kung sino man daw ang mas may mataas na tolerance ng alak sa 'ming dalawa. Sabay kaming umiinom, ngunit hindi kagaya ni Raymond na iniinom talaga ang mga shot niy, ibinubuhos ko naman ang akin sa basurahang nasa gilid ko. May magpapaayos kasi sa 'kin ng sasakyan ngayon kaya ayokong maglasing. Ngunit hindi ko rin naasikaso ang kliyente na 'yon dahil sa nangyari kagabi.
Kagabi ay balak ko sanang kausapin ang kung sino mang babae ang papasok sa loob ng kwarto na kinuha ni Raymond na hintayin lang naming umalis ang pinsan ko sa hagdan at pwede na kaming lumabas ng kwarto. Wala pa akong karanasan sa pakikipagtalik at wala rin akong balak subukan iyon kagabi.
Ngunit nagbago ang lahat ng plano ko nang ang magandang babaeng nakakuha ng atensyon ko noong pagpasok palang namin sa bar ang pumasok sa kwarto.
Maganda ang katamtamang payat at makurbang katawan nito. Pati na rin ang kanyang maamong mukha at mahabang itim na buhok. Maputi ang kanyang makinis na balat.
Nakasuot ito ng seksing damit kagabi, bagay na ikinabuhay ng bagay na nasa gitnang bahagi ng katawan ko. Her looks are already attractive, but with her outfit last night, she looks like a total seductress.
Unang kita ko palang sa kanya ay alam ko na sa sarili kong gusto ko na ito. Hindi ko akalaing mararanasan ko mismo ang tinatawag nilang 8.2 seconds theory. A theory that says it only took 8.2 seconds for a man to fall inlove and be head over heels.
Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ito kagabi nang makaupo ito sa kama. Ayoko sanang gawin namin ang bagay na 'yon sa bar, at ayoko sanang gawin namin 'yon bilang customer at bayarang babae. Gusto ko kasi sanang gawin namin 'yon sa isang lugar maliban nalang sa bar, at gusto ko ring gawin namin ang bagay na 'yon bilang mag-asawa.
Alam kong masyado akong advance mag-isip, gayong ni hindi ko pa nga alam ang pangalan nito at ilang oras pa lamang nang makita ko ito. Ngunit ganito nga siguro kapag inlove ka. Kung ano-anong mga bagay ang naiisip mo. Kung ano-anong bagay ang na-iimagine mo.
'Yon sana ang plano at gusto kong gawin, kaya tinanong ko ito kung gusto ba nitong gawin namin ang bagay na 'yon kagabi. Ngunit nang makita ko ang magandang mukha nitong puno ng pangamba at nang magsimula itong maghubad sa harapan ko, hindi ko na napigilan pa ang sarili kong halikan ito at magpadala sa init at tawag ng laman. Ni hindi ko nga napigilan ang sarili kong pauli-ulit itong angkinin.
Ipokrito ako kung hindi ko aamining masaya akong ako ang nakauna sa kanya. Kahit na alam ko kinaumagahan na maling kwarto ang napasukan niya at hindi dapat ako ang nakatalik nito kagabi. Gayunpaman ay masaya akong nagkamali ito ng kwartong pinasukan.
Nang malaman ko mula sa pinagtanungan kong empleyado ng bar kanina ang dahilan kung bakit pinasok nito ang trabahong iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot para rito. Alam kong nawala sa kanya ang opurtunidad na makakuha ng malaking halaga ng pera dahil nagkamali ito ng kwartong pinasukan kagabi, kaya naman gusto ko itong tulungan sa abot ng makakaya ko.
Tutulungan ko siya hindi dahil naaawa ako sa kanya kundi ay dahil gusto ko at ng puso ko. Gusto kong tulungan siyang solusyunan ang mga problema niya upang hindi niya na kailangan pang ibenta ang sarili at maging parausan ng mga lalaki sa bar.
Gusto kong maging malaya siya at tulungan siyang hindi tuluyang mawala sa kanya ang kanyang dignidad.
At kung pera ang kailangan para mangyari ang lahat ng 'yon, handa akong ibigay ang lahat ng ipon ko at tulungan siyang makalikom ng perang kailangan niya.
Ha... nababaliw na nga talaga yata ako dahil handa kong isuko ang lahat ng perang ilang taon kong pinaghirapan sa babaeng kagabi ko lang nakita at nakasama.
Napatingin ako sa hawak kong passbook. It's funny how willing I am to give this up just to see her smile and be free again. Kapag nalaman 'to ni Raymond ay baka gumugulong na iyon ngayon sa lupa kakatawa. Alam kasi nitong ingat na ingat akong gastusin 'to.
Tinignan ko ang babaeng naglalakad ng mabilis ngayon. Nakasuot ito ng isang simpleng puting loose shirt, blue fitted jeans, at simpleng itim na tsinelas. Nakasukbit sa isang balikat nito ang itim na tote bag habang nakalugay naman ang kanyang itim na mahabang buhok.
Ramdam ko ang pagbilis ng t-bok ng puso ko. She really is an effortless beauty. And I'm helplessly captivated and inlove with her.
Kanina ko pa siya hinihintay, mag-iisang oras na. Mabuti naman at hindi ko na kailangan maghintay pa.
Isinuksok ko ang passbook sa likod na bulsa ng maong jeans ko saka iniharang ang kamay kong may hawak na ready-to-drink milk at salonpas. Napahinto ito sa paglalakad bago tumingin sa 'kin ng naiinis.
Matamis akong ngumiti bago itinaas ang mga dala ko.
"Hi, para sa 'yo." masayang saad ko. Sigurado akong masakit ang katawan nito dahil pinagod ko ito ng husto kagabi, kaya alam kong kailangan nito ng salonpas at malamig na inumin.