Yasmine Saglit akong nagulat dahil agad ding nakabawi sa pagkakagulat sa ginawa niya. Pinunasan ko ang sarili gamit ang kamay, ganun din ang mukha ko at kinuha sa kanya ang bote na parang baliwala lang ang pagbuhos sa akin. Tinalikuran ko sila at naglakad papuntang office habang pinipigilan ang pagtulo ng luha. I never expect Stan would treat me like that, my whole high school year, I admire him so much. Masyado akong nagpabulag sa charm ng kanyang mukha, sa galaw niya, at sa mga ngiti nito. I licked my lower lip at agad kong nalasahan ang pait ng alak na binuhos sa akin ni Stan. I called Teacher Soledad to inform her what just happened in the event. Hindi rin nagtagal ay dumating na ito at natapos na rin naman ang gabi. Lumabas lang ako sa office nung dumating na ang sundo ko. “S

