Yasmine PALABAS NA AKO ng room at mag-isang naglalakad sa hallway, inabutan na ng dilim dahil sa tinapos pa namin ang pag-ayos ng event para sa foundation day. May iilang students pa naman pero bilang na lang sila. Napatalon ako sa gulat nang may humarang sa dinadaanan ko, inangat ko ang mga mata ko at si Stan ang sumalubong sa akin. Madilim at iritado ang mga mukha niya. Nakapamulsa niya akong nilapitan at panandaliang ngumisi, he glanced at my ID. Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang ID ko at hinila dahilan para maramdaman ko saglit ang daliri niya sa dibdib ko. Kahit may tela na nakaharang ay pakiramdam ko naramdaman ng balat ko ang daliri niya. My lace tightens on my nape, pulling me towards him. He titled his head on the right side while staring at my ID. “Yasmine Tin

