Stanfield UMANGAT ANG TINGIN ni Ethan sa akin nang mapansin ang pagbalik ko sa lamesa. They are still drinking, wala na sina Rino, Aya, Stacey, Eric at Ericka. Tanging naiwan na lang ay kami kaming mga lalaki. “Saan ka galing?” tanong niya ng makaupo ako. “Nagpalamig lang,” wala sa mood kong sagot. Tumaas ang dalawang kilay niya at makahulugan ang mukha na pinakita sa akin, tila hindi naniniwala. Bumaba ang titig niya at napangisi. “Drunk calling someone?” he whispered mockingly when he saw my phone on my right hand. Umupo ako at nilagay sa bulsa ang phone. Muli kong nilagok ang alak at hindi umimik. Hindi alam kung paano naging tama ang hula nito, o baka nakita niya ako? “Haaaay! Nakakahiya ka Stan!” he uttered and chuckled hoarsely. Naramdaman ko muli ang pait ng lasa ng a

