Stanfield PAGPASOK KO SA loob ng bar ay agad akong dinala ng isang waiter sa presidential suit kong nasaan ang mga kaibigan ko. Malayo pa lang ako sa kanila ay kitang-kita ko na ang kasiyahan sa kanilang lamesa. Bumagal ang lakad ko dahil hindi makita ng aking mga mata ang taong hinahanap. I swallowed hard and when they noticed me coming, they stood up to welcome me while others remain seated lazily. I licked my lower lip and chuckled inside my head. “You’re late,” Ethan mumbled and handed me a glass of liquor. Umupo muna ako bago iyun tinanggap. Aya is beside Stacey and Ericka, nandito rin si Eric pero bakit kulang? Wala ang isang tao rito na inaasahan kong makikita ko sa gabing ito. “Wala yung isa niyong kaibigan,” pasimpleng puna ko dahilan para lihim na mapabaling sa akin si

