Stanfield NAGISING AKO ng maaga kaya naisipan kong magpahangin at lumabas ng Villa. Kakasarado ko lang ng pintuan ay si Justine na agad ang nakita ko. Napangisi ako at hinawakan ang railings habang pinapanuod siya na nagbabasa at nakaupo sa buhangin. What a beautiful view to my morning. Napailing ako sa naisip at tinawanan na lamang ang sarili. Ilang minuto ko pa siya pinagmasdan at hindi na nakatiis na lapitan siya. “Art of seduction?” I chuckled after reading the title of the book she is currently reading. Mabilis siyang napaangat ng tingin at nang mapagtanto ang sinabi ko ay tinago niya ang libro sa likod nito at tumayo. Her eyes rounded while staring at me and my chest. Doon ko lang narealize na wala akong pang-itaas na damit at tanging boxer lang ang suot. Fuck! I forget to

