Yasmine’s POV BUMALIK AKO sa inuupuan ko at napaayos nang marinig ang katok galing sa bintana ni Stan. It was Ethan and Eric. Magkatabi sila, siguradong nasa paligid lang ang iba. Hindi naman kami nila nakita for sure because the car was tinted. Binuksan ni Stan ang bintana. “Did you saw Just—Oooh! Nandito ka lang pala,” manghang sambit ni Ethan at ngumisi ‘tsaka dumungaw sa bintana at makahulugan kaming tinignan. “She is here, dude. Nasa loob ng sasakyan,” he added to Eric. “Uuwi na kayo?” tanong ni Eric. “Pero nasa taas pa yung bisita mo, Stan.” Lihim akong napaikot ng mga mata. Two exes in one night at the same bar, siguro kaya umalis agad si Marrison dahil sa pagdating ni Chennen. “They are not my guests, si Ethan na ang bahala sa kanila. Tutal, siya naman ang nag-imbita.”

